1

58 1 0
                                    

Ako si Blue Fernandez. Blue? Kasi pinanganak daw ako nung saktong blue moon. Babae ako at 16 years old na. Laking tabing dagat ako. Laki sa lolo at lola matagal na kasing namatay ang mga magulang ko.

"Blue! Dalian mo ang bagal last day na nga ng pasukan natin ngayon eh!" rinig kong sigaw ni Julian mula sa labas ng kwarto ko. Si Julian Delaprete bestfriend ko siya mula pagkabata mabait siya at gwapo. Sa totoo lang may gusto ako sakanya. Eh sa tagal ba naming magkaibigan. Simple lang kasi siya pero malakas ang saltik.

"Wait! Malapit na ko!" sabi ko.

"Malapit ka diyan! Mali mali yang sentence mo! Hahahahahahahaha." oh kita niyo na? Lakas ng saltik niyan. "Dalian mo Blue! Graduation na nga bukas eh!"

Lumabas na ako agad ng kwarto tsaka agad siyang piniggy back ride.

"Okay tara na! Let's go! Hahahaha." sabi ko.

"Baba ka nga Blue! Kainis ka naman eh! Hahaha." sabi niya habang pilit na tinatanggal yung kamay ko.

"Ayoko nga! Bleeeeeeh!"

"Isa! Blue baba na! Hahahaha. Kikilitiin kita niyan!"

"Ayoko! Hahaha." pagkasabi ko nunay agad niya akong kiniliti na siyang dahilan para mapabitaw ako at nahulog ako.

"Whaaaaaah! Hahahaha. Papasok na ko! Habulin mo ko!" sabi niya tsaka tumakbo.

Ako naman hinabol ko siya. Dating gawain namin eh. Hanggang sa nakarating na kami sa school. Malapit lang din eh. At ang malupit pa nun last day na nga magkaklase pa.

"Okay good morning class." sabi ni Ma'am Delos Santos.

"Good morning din Ma'am." aabi namin tsaka umupo.

Topic namin about Solar System chuchuchu. Hanggang sa napunta sa history ni Ma'am.

"Alam niyo ba class ang blue moon? Who's familiar with blue moon?" tanong ni Ma'am.

Nagtaas ng kamay naman ang lokong si Julian.

"Ma'am ako!" sabi nito.

"Okay so your familiar with blue moon huh Mr. Delaprete." sabi naman ni Ma'am.

"Hmm NO ma'am. Hmm hindi po ako familiar dun sa Full Moon lang." pilosopong sabi nito.

Once In A Blue MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon