Chapter 1

11 0 0
                                    

"Dad naman! Wag naman ako!" sigaw ko sa magulang ko. "Wala na tayong ibang pagpipilian, Anak." mahinahon na sagot niya sa'kin. "Walang pagpipilian?! Ayan o! Yang mga walang kwenta kong kapatid" sigaw na sabi ko habang tinuturo ang mga nakakatanda kong kapatid.

"Adrian! Hindi ka ba titigil?!" sabi ng nakakatanda kong kapatid na akmang susuntukin ako. Pero napigilan siya ng tatay ko. "Tumigil ka, Luis. Lalo mong dinadagdagan ang problema." hinila niya sa braso ang nakakatandang kapatid. "Adrian naman. Payagan mo na kami." nagmamakaawang sinabi ng nanay ko. "Ma! Pati ba naman ikaw?! Hindi ko pakakasalan ang anak ng mga Villanueva!" pinunit ko ang kontrata na nagpapatunay na kami ay ikakasal.

"Tumigil ka sa kasisigaw, Adrian. Wala ka nang respeto sa Mama mo!" sinuntok niya ako sa kaliwang mukha na dahilan para matumba ako sa sahig. Lumapit sakin si Mama. "O-god! Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang hawak niya sa kaliwang mukha ko.  "Mukha ba akong ayos?!" Tinabig ko ang kamay niya sa pagkaka-hawak dito. Tumayo ako at tumakbo. "Hayaan mo na muna siya." huli kong narinig kay papa bago maka-alis sa bahay.

Andito ako ngayon sa taas puno. Hindi sa sanga. May Tree House to. Kaya nga lang mag-isa lang ako ngayon. 

Tama kayo ng narinig sa usapan namin kanina. Ikakasal na ako, sa taong di ko gusto. Hayyyyyss. Iniisip niyo na ang dali ng sitwasyon ko no. Nagkakamali kayo.

Sa ayaw o gusto ko, papakasalan ko siya. Hindi naman nagrereklamo ang anak ng Villanueva dahil may gusto sa"kin ang anak nila. Hindi naman makatanggi ang Dad ko dahil boss niya yung tatay ng papakasalan ko. My father is working on a big company. Hindi niya pwedeng tanggihan yun dahil mamawalan siya ng trabaho.

Bale may tatlo akong kapatid. I have 2 brothers and 1 sister. Panganay yung isang kapatid kong lalaki, Si Luis. Pangalawa yung kapatid kong babae, Si Angelica. Pangatlo ako. At bunso naman si Michael. 3 taon lang ang pagitan namin.  

We don't usually fight. But ngayon madalas na dahil sa dami at laki ng problema namin. 

Hindi naman kami mayaman may kaya lang kami. Nakatira kami malapit sa dagat. Running distance siya mula sa bahay. Hindi ako masyiado pumupunta doon dahil naa-out-of-place ako dahil sa dami ng tao. Minsan wala nang tao pag-gabi. 

Onga pala. Ako si Adrian Neil Pascual. I'm 20 years young (Yeah naman!). Nagaaral ako sa UP Diliman, Masscomm ang kinuha ko kasi wala lang. ;) Kung matatanong niyo po. Single po ako. :) Matagal na nung huli akong nag-girlfriend. 16 years young pa hata ako nun. Ngayon naghahanap ako ng mamahalin ng tunay kaso di na pwede. Ikakasal na ako. Hayyyyyysss.

Uuwi na ako nang bahay. Magsosorry ako kasi nasigawan ko silang lahat. Naiintindihan ko na ang lahat. TT_TT 

*TOOT *TOOT* *TOOT*

From: Candice Bestfriend <3

Bestfriend! Nasan ka?! Punta ka dito sa tabing-dagat. Walang masyiadong tao. :)

Oo nga pala. Si Candice Santiago bestfriend ko. Na FRIENDZONED ako sa kanya dati e. Masyadong akong nasaktan nung mga panahon na yun, kaya umiwas ako sa kanya. Pero sabi niya ayos lang naman daw na magkaibigan kami. Kaya eto kami ngayon, bestfriends na kami ng 5 years. :)

Dumiretso muna ako sa bahay tapos humingi ng sorry kila Dad at Mama. Pati narin kay Kuya. Sabi nila wag ko na daw silang sisigawan. Kahit bente anyos na ako. I still got my respect for my parents. :) 

Nagpalit muna ako ng damit dahil puro dumi na to. Dahil sa puno. 

Tumakbo na ako papuntang dagat. Nakita ko na siya dun na ka upo sa kahoy. Nakatalikod siya kaya di niya ako kita. Tatayo na sana siya kaso tinawag ko siya "CANDICE!" Nagulat naman siya. "Walang hiya ka! Pinaghintay mo ako ng matagal!" tapos piningot niya yung tenga ko. "Aray! Aray! Arayyy! Tama na!" binitawan niya na yung tenga ko at umupo ulit. Tumawa na lang ako. "Wag ka ngang tumawa jan." tapos nagpout siya. Cute talaga. :)

"Adrian, bakit mo naman sinigawan sila Tita at Tito?!" papagalitan na naman niya ako. Lagi niya akong pinapagalitan pag nakakagawa ako ng mali. Tumayo ako at naglakad, sumunod naman siya sa akin. "Alam mo Candice? Ikakasal na ako" malungkot na tono kong sabi sa kanya. "Ikaka--WHAATT?!" makasigaw naman!

"Wag ka ngang manigaw! Sakit kaya sa tenga!" sunod-sunod na tanong niyan. "Sorry naman. Kanino ka kakasal? Kailan kayo ikakasal? Magiging flower girl ba ako? Maganda ba siya? Taga saan siya? Bakit di mo agad sinabi sa akin na ikakasal ka na?" sabi sa inyo e. "Wait lang a! Sunod-sunod kasi tanong mo e." huminga ako ng malalim at sinabing. "Di ko siya kilala e." 

*BUSSSSH*

Tinulak niya ako sa dagat. Brrrrr. Lamig naman! Buti na lang nasa kahoy yung cellphone at wallet ko. Hayyysss

"Pakakasalan mo tapos hindi mo kilala? Shabu pa!" Tumayo ako at hinabol siya. Tumakbo naman siya palayo. Tawa lang siya ng tawa. "Hahahaha! Basang manok!" Nang mahawakan ko na siya. Hinila ko siya papuntang dagat at hinagis siya sa tubig. "HAHAHAHA! Ikaw basang sisiw :P."

Tawa kami ng tawa dito sa dagat. Lumapit ako sa kanya at binasa siya ng binasa. "Ano ba Adrian! Nababasa ako!" Natawa naman ako lalo. "Kanina ka pa kaya basa. HAHAHAHAHA!" 

Nakita kong nanginginig na siya lumapit ako sa kanya at niyakap. Nanlaki naman yung mata niya. "A-a-a-adrian. A-ano yang ginagawa mo?" Nagba-blush yung mukha niya, nararamdaman ko. Nauutal siya e. HAHAHAHA! "Edi niyayakap ka. Nilalamig ka na e. Tara na" umahon na kami. 

Wala pala kaming dalang twalya kaya pinatong ko sa kanya yung jacket na nilapag ko sa kahoy. Nauna na siyang maglakad kasi na iwan ko yung tsinelas ko sa tabing dagat. 

Nang masuot ko na yung tsinelas sumunod na ako kay Candice bago pa man ako makarating sa kanya.

May naapakan akong bagay. Nang tignan ko kung ano yun, Kwintas yung pala yung naapakan ko.

Yung itsura nung kwintas ay Silver na may design siyang seashell na maliit. Siguro na laglag to ng isa sa mga tao. Binulsa ko na at tumakbo pa punta kay Candice.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Hope you continue reading "Different World"

VOTE

COMMENT

FOLLOW

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Different WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon