Chapter 1: Transferee

215 3 1
                                    

Dedicated po para kay ate Tsunklaret.

Dahil po sa story niyong BTYM, na-inspired akong gumawa ng sarili kong story.

--------------

Mau's POV

"Hi. My name is Maureen Alessandra Ciara A. Quintos. Mau for short." isang anghel na bumaba galing sa langit. Chos. Maganda, matalino at mabait. Masungit din ako sa mga taong masungit sa akin. Syempre, alangang makipag-plastikan ako noh.

*sigh* Nakakainis yung mga parents ko noh, pangalanan daw ba ko ng napakahaba ?? Pero keribels naman eh. Ang sarap namang pakinggan sa tenga at di nakakasawa.

Pero kasi eh, ang hirap kayang magsulat. Sa araw-araw ba namang ginawa ng diyos na pumapasok ako sa eskwela, ang haba kasi eh. Buti na lang di ako nagkaka-kalyo. It's eew.

"Transferee from Haiken Academy. Nice to meet you all." dugtong ko.

Tama ang basa niyo. Ako si Mau. Fourth year highschool and I am a transferee. Lumipat kasi kami ng bahay kasi lumipat ng trabaho si dad. Pero mas gugustuhin ko pa rin dun sa dati kong school. Simula ng mag-start akong mag-aral eh dun na ko. Miss ko na tuloy sila bessy. 

"Sana maging magkakaibigan tayo. Yun lang and thank you".  I am talking with my hand. I mean di naman nakikinig yung mga classmates ko eh. Effort pa kong mag-pakilala, wapakels naman sila. 

Feeling ko wala akong makakasundo dito. Yung iba sa kanila kung makatitig, parang gusto akong patayin. Yung iba naman, wala lang pakialam. It seems that I didn't exist in their world.

"You may sit down. You can take the vacant seat over there. That's the only slot." my teacher said while checking my C.O.M.

(a/n: Sa mga di po nakakaalam ng C.O.M. , ito po yung certificate of matriculation.)

"As if I have a choice." bulong ko sa sarili ko.

"Are you saying something Ms. Quintos?" narinig ata ko ng teacher kong masungit.

"Nothing Ma'am. Punta na po ako dun." syempre palusot ko. Ayoko namang mag-reklamo dun sa pwesto ko. Kabago-bago ko dito eh. I wanna make a good first impression.

Nang makarating na ko sa likod, ang katabi ko ay isang girl na nerd and a guy na naka-head down. Di ko tuloy makita yung face nya. 

Nevermind na nga lang.

"Okay, will start our lesson about blah blah blah" nag-salita na ulit siya. Di sa pagmamayabang pero napag-aralan na namin yung nile-lesson nya so I get a piece of paper at saka nag-simulang mag doodle. 

Habang kung anu-anong ginagawa ko dito, walang pa ring pumapansing estudyante sa kanya. Lahat may kanya-kanyang mundo. May tulog, may gumagamit ng phone, may nagdadal-dalan at kung anu-ano pa. 

After a few minutes while talking infront,

POK!! Binato niya ng chalk yung isa kong classmate. Nagsisigawan kasi sila. Napuno sa siguro kaya ayun, sapul sa noo si kuya. 

Natatawa lang ako sa facial expression niya. Sa sobrang inis para na siyang torong umuusok yung ilong. Yung feeling na namumula na yung mukha sa sobrang panggi-gigil. 

"Ms. Quintos" nakakagulat naman si Ma'am. Wait, baket nya ko tinawag?? Baka pagalitan din ako nun. Pano na to? Baka ma-principal ako. No, di pwede. 

Ang OA naman, sabi ng isang parte ng isip ko. Think positive teh, tinawag lang papagalitan agad? Over yun ah. 

"Why ma'am?" I answered back. Pinagpapawisan ako ng malamig dito. Di ko maiwasang di kabahan. 

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon