Naranasan mo na bang matameme kapag nandyan yung taong gusto mo? Yung halos mabulol at mautal ka bawat salitang lalabas sa bibig mo? Ganyan ako kapag kaharap ko siya. Umuurong ang aking dila at natutulala. Ganyan ata talaga kalakas ang dating niya.
Hindi naman ako ganito sa kanya dati, basta bigla na lang isang araw nakaramdam ako ng hiya. Na-conscious ako. I'm totally speechless that time. Hindi ko man lang nabuka yung bibig ko. Naisip ko kasi nun, baka may tinga sa ngipin ko, baka bad-breath ako. Dun ko na-realize na may feelings na pala ko sa kanya.
Sa lahat ng tao, bakit sa kanya pa? He's out of my league. Masyado siyang mabait para sakin. Masyado siyang gwapo, samantalang ako, hindi naman kagandahan.
Close friends kami niyan, kaya I'm sure nagtataka siya sa mga kinikilos ko nitong mga nakaraang linggo. Umiiwas ako at madalas tulala kapag kinakausap niya ako. Hindi ko kasi makuhang magsalita dahil natotorpe ata ako. Hindi naman literal na torpe ang ibig kong sabihin. Torpe in a way na napapaurong na lang bigla yung dila ko. Kagaya ng sabi ko kanina, natatameme ako.
"Uy Jesh!" napalingon ako kay Lovely, bestfriend ko. Tinaasan ko siya ng kilay bilang sagot.
"Kanina pa kita tinatawag. Lumilipad na naman yang utak mo!"
"Huh? Ano ba kasing kailangan mo? Istorbo ka naman, can't you see? I'm busy idling."
"Aray naman bes!" reklamo ko dahil binatukan niya ko. Ang bigat pa naman ng kamay niya.
"Busy idling?! Anong kinabi-busyhan mo sa pagtunganga aber? Tara na sa school, baka ma-late pa tayo."
Tumayo na siya at kinaladkad na ko palabas ng dorm. Ganyan kami lagi, nagbabatukan at nagkakaladkaran. Malas ko lang ngayon at ako ang kawawa.
Pagkadating namin sa school, hinanap agad ng mata ko si Ace.
Si Ace? Siya na yata ang pinakamabait kong nakilalang lalaki, bukod dun, gwapo pa siya at matalino. Hindi siya yung tipo ng lalaki na habulin ng babae.
Inaamin ko, he's not my type. Kagaya ng ibang mga babae dito, mas gusto ko yung may pagkabad boy ang looks. Ayoko sa masyadong mabait dahil nagmumukha akong demonya. Not because I'm evil. Masasabi ko kasing hindi naman ako yung pangbidang apiapihan na sobrang bait. I'm just like everybody. I commit sins. And Ace, he's too good and too nice. Pero kahit hindi ko siya type, nahulog pa din ako. Ito na yata yung tinatawag na free-fall? Ha! Ewan! Bakit nasali dito ang Physics?
Nag-ikot ikot pa ang tingin ko and there he is. He's sitting in his favorite spot and he's looking at me? Sakin? Tumingin ako sa likuran ko, walang tao. Tumingin ako sa gilid ko, walang tao. Teka! Nasan na si Lovely? Binalingan ko ulit ng tingin si Ace, kumaway siya at ngumiti. Ang gwapo talaga niya. Malabong magkagusto ang isang kagaya niya sa akin.
Nginitian ko na lang din siya at dumiretso na sa room.
Ilang sandali pa'y pumasok na din siya sa room. Katabi ko siya, meron kasi kaming seating arrangement sa first subject. Medyo naiilang nga ako lalo na pag tinitignan niya ko, feeling ko kasi nalulusaw ako. May iba kasi sa tingin niya na hindi ko ma-explain. Medyo creepy.
After ng klase, tatayo na dapat ako para lumipat ng upuan. Pero bigla akong tinawag ni Ace.
"Boss, dito ka na umupo. Wag ka na lumipat." Tumingin ako sa kanya, nakangiti siya. Boss, yan ang tawag niya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero sanay na ko.
"Ah eh..a-ano.." Tumingin ako kay Lovely, tapos binalik ko ang tingin kay Ace. Hindi ko alam ang sasabihin, natatameme na naman ako. Nakakadistract naman kasi yung kagwapuhan niya.
"Ah. Yung bestfriend mo ba? Sige boss. Next time na lang." Ngumiti siya at tumalikod na.
Umupo na ko sa tabi ni Lovely. Nakatingin siya kay Ace. Halatang nagpapantasya na naman ang isang to.