Chapter 21

3.6K 112 8
                                    

QUEEN's POV

"Next time wag na wag mong kakalimutan ha?!" Inis nasabi ko kay Impress sa Phone! Pagod na daw siya dahil sa pinuntahan niya na ayaw naman niyang sabihin kung saan! Aish! Ayoko talagang nag aalala ng ganito!

"Ok im sorry. Promise next time mag t-text na ko, tatawagan pa kita kung gusto mo." Mahinahong sabi niya. Pinapakalma naman ako ni Leaneth habang hinihimas ang likod ko.

"Ok." Haay. Huminga ko ng malalim bago ko nag salita ulit."Tara sa Mall bibili tayo ng gifts— ano ba Leaneth" Asar! Itulak ba naman ako nung narinig niya yung Gifts! Every year ganyan yan, super excited. Ang dami dami naming binibiling regalo kahit kami kami lang naman tatlo. Haay!

"Haha. Hindi ako makakapunta, tinatamad ako. Geh papatay ko na tong phone." Mag sasalita pa sana ko pero pinatay na niya. Haay! Ag talaga sinapian ng sapi tong si Impress kakaiba.

"Ayan! Buti nalang hindi ko naiwan akala ko naiwan ko na eh!" Masayang hiyaw ni Leaneth.

"Haha. Tara na nga para makarami tayo." Sabi ko saka ako kumapit sa braso niya at sabay kaming naglakad palabas ng bahay. Isang kotse nalang ang dadalhin namin para mas mabilis.

Pagkarating sa Mall agad kaming pumunta sa isang boutique na paggaari ko. Namulot lang kaming dalawa ni Leaneth ng mga nagustohan namin.

After 1 hour or more bago kami natapos sa pamimili at pagsusukat nga mga damit. Kinuhanan na din namin si Impress. Nagbayad na kami ng mga pinamili namin saka kami pumunta muna sa Isang cafe.

"Hmp! Nakakapagod!" Nagrereklamo pero masayang sabi ni Leaneth.

"Alam kong mas excited ka pa sa akin kaya wag kang mag reklamo." Natatawang sabi ko saka ako sumubo ng cake.

"Every year nalang tatayong three lang ang nagc-celebrate ng Christmas bat di natin i invite sila Uno." Suggestion niya 

"Every year ko silang inaaya hindi niyo lang alam. Hindi daw pwede dahil busy sila." Tss. Minsan lang din talaga namin sila makausap at makita.

"Key look oh." Naagaw ng atensyon ko yung tinuro ni Key.

What the heck? Anong ginagawa nila dito? Tumingin ako sa paligid namin nung mapansin kong palapit sila sa pwesto nila sa amin. -_-

"Hi Girls!" Bati ni Xander. Napakunot naman ang noo ko nung nagsiupo silang tatlo sa mga bakanteng upuan namin.

"Well alam kong nagtataka kayo kung bakit nandito. Hehe" sabi ni Lwandile. Walang nag salita sa amin ni Leaneth kaya nagsalita na uli siya. "May party kaming dadaluhan next week at hindi namin alam kung anong pwedeng iregalo sa kanila dahil babae silang lahat."

"Sakto namang nakita namin kayo dito at nakaisip ako ng sobrang gwapong plano. Plano na sumama sa inyo sa pamimili para makakuha kami ng ideya sa ireregalo namin!"

"Ang ingay mo." Sita ko kay Xander. Ang lakas ng bunganga pwede namang magsalita ng maayos.

"Pumayag ka na." Seryoso at walang ganang sabi ni Leathen.

"Oh. Andyan ka pala? Di kita nakita." Sabi ko saka ko siya nginihan. Gumanti siya ng ngisi kaya inirapan ko nalang siya.

"Sige sumama kayo pero siguraduhin niyong wag kayong manggugulo sa amin!" Pagbabanta ko sa kanila. Tumayo na ko at saka pinulot ying mga paper bags namin ni Leaneth saka ko iniabot sa kanila.

"Aanhin naman namin to?" Tanong ni Leathen.

"Hawakan niyo malamang hmp! Binibigyan namin kayo ng pabor kaya kaylangan niyong gawin yan." Sagot ko saka ako nagsimulang maglakad. Kumapit naman sa braso ko si Leaneth.

WHITE DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon