It's the first day of school in my new school. There I saw him, entered the door and sit at the chair placed at the corner of the room. Love at first sight? Haha no! CRUSH AT FIRST SIGHT. I admit, I like him because of his looks. He have a white complexion and he's clean looking. I see him as a playboy. He doesn't talk to any boys, but just to girls. An evidence.The next day, sya lang ang tinitignan ko. Hindi ko inalis, depende nalang kung mapapatingin sya. Iiwas ako ng tingin at ibabalik rin naman yun sa kanya. Again, babae parin ang kausap nya at tumatawa sila. Sabay nagring ang bell para sa breaktime. May sinabi sya at tumango yung babae, mukang niyaya nya papuntang cafeteria. Pagtayo niya . . .
Kumekemboooot~!!!
Napatungo ako bigla at inumpog ang ulo ko sa desk. Sabay napahilamos ng kamay sa muka ko. Natamaan ko yung pimples ko! BAKIT GANOOOON!? Sinabon ko namaaan, ayaw kuminis~ T^T
*eeenggg; fast forward*
4months na mula nung pasukan. Masasabi kong naging mas close na kami at masaya ko dun. Oo, crush ko parin sya. Wala naman syang sinabing bakla sya, at walang dahilan para ayawan ko sya. Madalas kaming nagkakasama sa mga group activities, at gala ng tropa. Ilan lang naman kaming babae sa room kaya close kami, at sya? Tulad ng sabi ko, babae ang lagi nyang kasama at kausap. Nakapunta na sya sa bahay one time, sinabi ko kay mama na yun ang crush ko. Ang sabi sakin? "Yun? E mas babae pa yun sayo kumilos e!" Pero di ko na pinansin. Gusto ko sya. GUSTONG GUSTO KO SYA, KAHIT PA MAGING BAKLA SYA! Hanggang sa isang araw, di ko inaasahan.
One message received
Agad ko yung binuksan at bumungad sakin ang nakakalurkey na text galing sa knya!
Jei, pwede ba manligaw sayo? Textback.Agad akong nagreply, tinanong ko kung anong trip nya at nagjoke sya ng ganun. Hindi, seryoso nga daw sya. Dumating ang kinabukasan, nagkita kami sa eskwelahan at bungad nya sakin, "Eto naman, para binibiro. Joke lang yon!" Para kong nanlamig, di ko alam mararamdaman ko. Pakiramdam ko napahiya ako, kase sa totoo lang naniwala ako e. Gusto kong tumakbo palayo, kaso morning ceremony na. Bwiset! Kamalas malasan naka-tapat ko pa sya sa pila. Pagbalik sa clasroom, bigla nyang kinurot pisngi ko pagdaan nya. NAKAKAINIS! Paasa? Paasa! Argh. Buong araw ko syang di pinansin. Pag uwi, may natanggap na naman akong text galing sa kanya. Maraming text. Sorry na daw, di daw yun joke, seryoso daw talaga sya, wag na daw ako magalit, etc.. HAY NAKO! Nakakairita. Pero ang reply ko? Nakakatanga. "Ok lang. Next time wag na magjoke ng ganun."Pero tinuloy nya ang panliligaw, saktong isang buwan nang bigla nya kong tanungin.
"Pwede nabang maging tayo?"
Kunwari akong nag isip. Pero, aarte pa ba ko? Crush ko yan e.
"Oo" Sabay tili-- este sigaw nya na parang nanalo ng jackpot prize. Hahaha! Nalaman bigla ng buong klase at wala silang ibang ginawa kundi mang asar. Paulit ulit naman ako sa kakasabing wala akong pake kung bakla sya. Pag ibig na nga daw to, pantanga lang. Bakit di ko makita ang iba sa paligid ko na mas lalaki at gusto ako, sabi ko ulit, "Hindi yun bakla! Lalaki yun at wala akong pake. Sya talaga e. Gusto ko sya."
Araw araw ko syang kasabay sa uwian.
Hinahatid nya pa ko sa sakayan. Oh bongga dibuh? :'>
"Uy patingin nga ng kamay mo" sabi ko tsaka pinakita sakin ang palad nya sabay pinatong ko dun ang kamay ko at pinag-intertwine. Hihi. Naglakad kaming ganun, with pa-sway sway pa ng kamay na magkahawak.
Then dahil uso fast forward, heto at magsi-second monthsary na kami. Pero, isang linggo syang absent at pagpasok nya e di man lang ako pinapansin o tinitignan. Napabulong ako, Problema nito?! Tsh. Sabay nagpakawala ng NAAAPAKAAAA LALIM na buntong hininga.
"Uy uy! May sasabihin ako."
"Oh oh? Ano naman yan?" Tsismis na naman to panigurado. Pumapalakpak na tenga ko wuhoo.
"Tungkol kay..." alam kona. Alam ko na agad.
"Oh ano nga? Diretsuhin mo na bruha."
"Nalaman na pala ng mama nya. Yung tungkol sa inyo. Pinagalitan sya sa kanila."
"Yun yung dahilan kaya di nya ko pinapansin?" Tumango yung kaibigan ko.
"Hindi ka nya kinakausap. Alangan naman kase sya pa makipagbreak?"Kaya pala.
Naiiyak ako. . . di ko alam bakit.
Naipon na feelings? HAHAHAHA waw, sge tawa pa. Baka ikapigil to ng luha hahahahahaha
PERO HINDI E. Niyakap ako ng kaibigan ko, dun na lumabas lahat. Mababaw lang kung iisipin, pero kahit sino pa magsabing alam nila ang nararamdaman ko, di naman nila naiintindihan to.
Isang buong linggo syang wala, text ako nang text pero ni isang reply wala! Isang buong linggo nya kong di pinansin ni isang salita o tingin wala! Tas malalaman ko yun pala yung nangyayari? Nakaka-guilty, dahil sakin napagalitan sya. Pero, nakaka-inis rin na wala kong kaalam alam sa nangyayari sa kanya. Tinanong ko sya,
"Anong balak mong mangyari?"
"Friends nalang muna tayo."Ayon, friends. Mahirap makipagkaibigan lalo sa isang taong minsan mong ginusto, but that's the only choice I have. Lahat pala ng pagtitiis at pagtatanggol ko sa kanya, mapupunta lang sa isang break up scene kung saan sasabihin nya na friends na muna kami.
Ganun talaga. NO HAPPY ENDING FOR US, JUST AN ENDING WITHOUT HAPPINESS. Yet I still love him. When you truly love someone, the age, size, distance nor gender isn't important. The truly valuable thing is the precious moment you spent together and all the time wasted with each other at your side. This isn't the end. There'll be something that I know, will gonna happen soon . . .
-END-
BINABASA MO ANG
My Baklush Man
Подростковая литератураThis is another story of a cliche love but it's not your ordinary literary.