Nagmamadali akong pumunta sa bahay ni Ellize, ilang minutong nakalipas nakarating na rin agad ako sa bahay nila. Nagmamadali akong lumabas ng kotse at lumapit sa gate, pinindot ko yung doorbell nila. Mayamaya ay lumabas yung katulong nila.
"Goodmorning sir Steven," nagpapacute na bati ng babae.
"Goodmorning din sayo, nandiyan ba si Ellize"
"Ayy wala po dito si maam, sir may nilakad po. Maaga kasi yun umalis eh," sabi ng katulong nila.
"Ahh ganoon ba. Yung daddy niya nandiyan ba?"
"Ahm si sir william? oo nandito sa loob, teka muna ha tatawagin ko, ahm... pumasok ka muna," sabi ng katulong habang pinapasok ako sa loob.
Nagmamadali akong sumunod sa maid nila papasok sa loob. Mayamaya ay dumating yung daddy ni Ellize galing sa kitchen.
"Ouh steven bakit ka naparito? ano ang kailangan mo sa akin?" sabi ni Tito William.
"ahm may kailangan po ako sa inyo," sabay sabi habang tumayo ako sa inuupoan ko.
"Ano yan Steven, tungkol ba yan kay Ellize?" ani Tito William.
"Ahmm....."
Hindi pa ako nakapagtapos sa pagsalita ng biglang dumating si Ellize.
"Ano ba ang nangyari dito? diba sabi ko sayo na wag kang magpakita sa akin? at tsaka sino kaba nabasta-basta kang pumasok sa pamamahay na ito," galit na sabi ni Ellize habang lumakad ito papunta sa dinning room.
"Ellize, patawari mo ako , hindi ako pumunta dito para maghanap ng gulo, pumunta ako dito kasi may kailangan ako sa daddy mo," sagot ko naman sa kanya habang sinusundan ko si Ellize.
"Ano? may kailangan ka sa daddy ko," tanong ni Ellize. "Ano naman yan?"sabay sabi habang lumapit ito sa akin. At umiikis pa yung kilay nito.
"Your Dad is my biological Father."
"What? "
---------------------------------------------------------------------------------------
ABANGAN ANG BOUNG ISTORYA NI STEVEN PIERCE AT ELLIZE DEL VALLE
PLS. DON'T FORGET TO LEAVE A COMMENT AND TO VOTE THE STORY.... THANK YOU
BINABASA MO ANG
Stay With Me
General FictionEnglish-Tagalog Tatanggapin mo ba na kapag nalalaman mo ang katotohanan na ang kinikilala mong ama ay hindi pala totoo mong ama? at naniniwala ka ba? na ang ama ng kasintahan mo ay yung totoo mong ama? Tuloyan ba sillang magkahiwalay? Hindi na ba si...