Buhay Pinoy sa Amerika-Faith

2K 21 23
                                    

Paglabas niya sa conference room agad siyang sinalubong ni Vanz.   "Ma'am, they are already here papasukin ko na po ba sa office nyo?"

"Ok Vanz, 5mns. after I entered my room." Nagmamadali siyang pumasok sa upisina at kinuha 

niya ang folder ni Mr. Conrad pinasadahan ng basa sa dami ba namang termination cases na hawak niya halos buwan-buwan ata may tinatanggal siya at araw-araw naman may hina-hire ang recruitment area niya. 

Maya-maya bumungad na si Vanz sa may pinto. "Ma'am excuse po andito na po si Mr. Conrad."

  "Ok, let him in pls."   "Good morning po Ma'am!" ( bati ni Mr. Conrad sa kanya).   "Sit down, Mr. Conrad, and we both know why you are here just sign this release agreement and 

you can go now." Nagatubiling pirmahan ni Conrad ang dokumento.

  "Ma'am tulungan nyo po ako para nyo na pong awa may mga anak po ako at asawa." (Mangiyak 

ngiyak na ito hindi niya alam kung arte lang pero mukhang mabait naman ang taong eto).

  "E, bakit nyo po kasi ginawa yun alam niyo naman pong termination ang kahinatnan nito?"  

"Ma'am alam po ng Diyos kumbakit ko po nagawa yun kasi po kailangan na kailangan lang po ng pera...... Ma'am sige na po ang hirap po maghanap ng trabaho." Yumuyugyog na ang balikat nito sa pag-iyak at lumuhod na ito sa kanya habang nagmamakaawa.

  Para namang piniga ang puso ni Karen, talagang ganito siya madaling maawa. Ika nga pag nasa 

HR ka kailangan matibay at matigas ang puso hindi pwede ang pusong mamon. Pero si Karen napakikiusapan siya basta ba aaminin mo ang iyong pagkakamali at mangakong hindi na uulitin. Inagap niya ang kamay ni Mang Conrad pinatayo.

  "Sige po Mr. Conrad pag-aaralan ko ang kaso niyo titingnan ko po kung ano ang aking magagawa

sa abot ng aking makakaya, so sa ngaun I'll give you a "notice resume to work" till further notice pero bago po yan I need you to trust me write on this piece of paper promising that you will not do it again and that the company will give you a last chance to work with us again. This is for your own protection too just in case I am no longer the HR Mgr. they can't terminate you unless lumabag kayo sa pangako nyo na siyang nakasaad dito."

  "Naku! Ma'am, maraming marami pong salamat Ma'am, pagpapalain po kayo ng Poon totoo po 

palang mabait kayo at maaasahan."

  "Huwag muna po kayo magpapasalamat kasi wala pa akong ginagawa at kung sakali man sa 

Diyos kayo lagi magpasalamat..... Sige, marami pa po akong gagawin."

  Nag-dial na siya sa phone, at si Mang Conrad naman ay mababanaag ang magagandang ngiti sa 

labi habang palabas ito sa silid ni Karen.

"Vanz, uh-huh....." Hindi niya natapos ang sasabihin. 

"Yes Ma'am, prepare the "notice resume to work for Mr. Conrad  right po Ma'am?"

"Hay naku, Vanz balang araw papalitan mo na talaga ako." 

"Hindi po Ma'am kilala ko na po kasi kayo sa tagal ba naman kasama ko po kayo."

"Lagi kasi ganun pag may natatanggal binibigyan nyo po ng second chance sabi nyo nga po 

everybody deserves a second chance! Kaya nga po idol ko kayo kahit strict po kayo."

"Why, am I really strict Vanz?"

"Ay, hindi po halata Ma'am noh?" Hehehe.....

"Siyanga pala change the topic, dumating na ba si Mr. Claro?" 

BUHAY PINOY SA AMERIKA-FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon