Chapter 1

3 0 0
                                    

"Hi" aniya sa cellphone. Tumatawag ang matalik nitong kaibigan upang kumustahin siya sa kanyang bakasyon sa palawan.
"You ok there?"

"Yup! am fine."

"You don't look like one. Jackie please!it's been one month! I know it's hard for you but please you have to move on. Marami ka pang dapat na gawin, ang kompanya niyo. Hindi pweding i-asa mo na lang ito sa iba. Oo nandito ako para tulongan ka para tingnan muna ang kompanya niyo habang nagluluksa ka pero jackie kompanya niyo ito, ikaw ang mas kailangan dito."

Sermon ng kaibigan nito.

Mag-i-isang buwan na ito sa palawan pero hindi pa rin siya natatapos sa pagluluksa. Tama ang kaibigan nito kailangan siya ng kanilang kompanya. Ito lang ang tanging alaala na naiwan sa kanya ng kanyang mga magulang.

"Mera naman ee! Alam mo namang dalawa ang pinagluluksa ko." Nakangiti nitong tugon sa kabilang linya.

"Nagagawa mo pang tumawa! Baliw ka talaga. My ghad! Jackie wag mo ring pagluksaan ang walang kwentang lalaking yon. He doesn't deserve your tears and your time. Stop sulking about that jerk!" Di mapigilang sumbat nito sa kabilang linya.

"Oo na po! Uuwi na ako pero one last week na lang. Hindi naman kasi ako nakapaglibot-libot dito ee! Puro na lang ako sa bahay."

Narinig niyang bumuntong hininga ang kaibigan nito sa kabilang linya. Alam nitong sesermonan na naman niya ito pero nagpipigil lamang.

"Hay!! Sabi ko na nga ba ee! Balak mong magkulong jan sa hotel suit mu. Sige na and please enjoy ok. Promise me"

"Ok I promise."

"I'll take that. Sige bye! Ingat ka jan I love you"

"I love you too"

Binaba na niya ang kanyang cellphone. Akmang tatayo na siya para sana mag coffee muna ng may maka banggaan siyang lalaki.

Napatanga siya ng makita ang lalaking nakabanggan nito. Kulang ang description na georgious para dito. He looks like some of the greek gods sa hitsura nito. Habang pinag a-aralan niya ang hitsura nito binitawan siya ng lalaki dahilan para mahulog ito. Doon na bumalik sa katinuan ang pagiisip nito.

"What the hell!!"

Hiyaw niya sa lalaki habang ang mga kamay nito ay nasa buhanginan. Nananakit yon sa biglaan niyang pag tukod dito.

"Para magising ka. Natulala kana kasi sa kaguapohan ko ee!"

Sabay ngisi nito. Doon na kumulo ang dugo nito. Pero tama naman ito talagang natulala siya sa kaguapohan nito. Ngunit magunaw man ang mundo hindi niya aaminin yon sa lalaki.

"Ang kapal din naman ng mukha mo noh? Imbis na mag sorry ka kasi binagga mo ako ganyan pa sasabihin mo. Hinay-hinay lang baka bagyohin ka. Bwesit!!"
Inis na sabi nito sa lalaki.

Aalis na sana siya ng bigla na lang siyang hawakan ng lalaki sa braso. Dahilan para matigil ito sa paglalakad.

"Ano ba!"

"Gusto ko lang sabihin na hindi kita binangga ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mu. And accept it dear natulala ka sa kaguapohan ko, don't deny it, your face shows it. A L.O.T.!"

Ngisi nito sabay alis. Alam niyang tama ito sa sinasabi niya dahil nararamdaman niya ang kanyang pisngi na nag-iinit pero sobrang hiya.

Hindi sapat ang salitang inis sa nararamdaman niya ngayon.

At ang walang hiya siya pa talaga ang unang nag walk out!! Tsk!! Bwesit!!

Imbis na mag coffee siya dumiretso na lang siya sa kanyang hotel suit. Balak niyang gawin na lang ang naisip niya kanina habang kausap ang kanyang matalik na kaibigan. She need to find her long lost brother.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined to be yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon