Skye's POV
Pagkatapos nyang kumanta ay bigla syang nagsalita:
"Tulad nga ng sinasabi sa kanta, sorry na kung nagalit di nman sinasadya. Alam ko kung bakit mo ko iniiwasan and sorry for that. Wala yun sa laki o liit ng problema kasi problema pa din yun. Ayoko lang na nagtatampo ang babaeng mahal ko. Kaya sana maging okay na tayo. Please, princess" bigla nalang syang nagpout at puppy eyes after nyang sabihin yun. Ang cutie nya talaga.
May narinig nman akong nagsabi ng ganito:
"Kyaaaaaaahhh. Ang sweet ng skurt."
"Aww. Cute nilang tignan"
"Sana ganyan din ang boyfriend ko."
Napangiti akong tinignan sila bago lingunin si kurt. Im soooo lucky to have kurt as my bf and at the same time bff. Tumahimik na bigla ang madlang peeps alam siguro nilang may sasabihin ako.
"Nakakainis ka ano bang drama to? Halika nga dito" maluha-luha kong sabi.
Lumapit na sya sa akin at ibinigay ang isang bouquet ng rosas.
"Love, di mo naman kailangang mag-effort ng ganun alam mo namang konting sorry mo lang okay na sakin diba tsaka maliit na bagay lang naman yun." natatawang sabi ko sakanya with matching tears pa din.
"Love, i know madali mo kong mapatawad pero ayo lang isipin mo na i take you for granted porket alam kong isang sorry ko lang okay na. Syempre gusto ko lang din maramdaman mo na special ka sakin." Sobrang sweet naman ng bf ko.
"Naappreciate ko itong ginawa mo. It's too much but i loved it. Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko" me to kurt
"Maganda ka naman talaga. You're the most beautiful girl in my world." Enebe kenekeleg eke se senebe nye. Hahaha
"Yun oh.nakss pre bumabanat ah." Sabat ni louie.
"Psh. Tigilan mo nga ako." Namumula na si love. Ang cuteee talaga
"Oo nga. Wag nyo ng asarin lalo lang namumula yung mukha nya eh" lalo ko pa syang inasar. Hahaha
"M-maiba ako skye nakalimutan ko nga palang tumawag ako kay kurt nung gabing yun nawala lang sa isip ko. Hehe sorry." biglang singit ni jay. Napatingin kami sakanya kaya napakamot na lang sya sa ulo nya.
"Okay lang. Tapos na din naman yun eh." Nginitian ko na lang si jay sa sinabi nya.
"Hi skye" Napatingin kami sa lalaking tumawag sakin. "Pwede ba kitang makausap?" Napatingin ako kay kurt nag uusap kami sa mata. Nagpapaalam ako kung pwede ba kong makipag usap.
"Fine. I'll give you 5 minutes" sabi nya sakin.
Kurt's POV
"Fine. I'll give you 5 minutes" sabi ko sakanila. Then they left
*After 5 minutes*
"Tsk bakit wala pa sila?" Irita kong tanong sa kanila.
"Kalma bro." Sabi ni louie
"Wag kang mag alala dyan kurt babalik din sila. Hayaan mo muna friend pa din naman natin sya" sabi ni stella
"I told--" di ko na natapos ang sasabihin ko
"Ayan na pala sila oh" sabay turo ni jay sakanila palapit na samin.
"Sorry medyo natagalan kaming makabalik" him
"Tsk. Let's go im hungry" i told them and pulled skye.
"K-kurt are you mad?" She asked. No im not mad. Im j.e.a.l.o.u.s i said to myself.
"No. Lets talk later" ngumiti ako ng pilit. Di ko alam pero nagseselos pa rin ako pag nakikita sila. Tsk.
Stella's POV
Habang naglalakad kami di ko maiwasang di mapangiti dahil ang bestfriend ko masaya kasama ang lalaking mahal nya at sana lang walang humadlang sa pagmamahalan nilang dalawa. Lalo na sya.
"Hoy stella tara na" sigaw ni starie napatulala na pala ako.
"Oo andyan na" at sumunod na sakanila nauna na pala sila papunta cafeteria
Nag makarating na kami. "Guys order na kayo ng pagkain nyo my treat" sabi ni kurt
"Di ka galit?" Skye asked kurt again.
"No. I trust you. Pero pag usapan natin mamaya" kurt smiled. "Lets order guys" he said.
"Woah. Tara na starie bili na tayo" masayang sabi ko. Hehe. Para medyo mawala ang tensyon.
"Kami na lang ang oorder sabihin nyo na lang anong gusto nyo." Sabi ng boys. Pumunta na sa counter ang boys para umorder napatingin naman ako kay skye na tahimik lang.
"Bestie, may problema ba?" Nag aalalang tanong ko
"W-wala no, shocked pa din ako dahil sa ginawa ni kurt. Ang sweet kasi" namumula nyang sabi.
"Chika mo mamaya pinag usapan nyo ni you know" bilong ko sakanya. Then she nodded.
After nun dumating na ang boys dala ang aming mga pagkain. Wow *o* ang dami.
Third Person's POV
Habang nagkakasiyahan sila dahil sa ginawang pang haharana ni kurt kay skye ay biglang nagsalita si jay.
"M-maiba ako skye nakalimutan ko nga palang tumawag ako kay kurt nung gabing yun nawala lang sa isip ko. Hehe sorry." biglang singit ni jay. Napatingin sila sakanya kaya napakamot na lang ito sa ulo nya.
"Okay lang. Tapos na din naman yun eh." Nginitian lang ni skye si jay sa sinabi nito.
Buti na lang at naniwala sakanya si skye sa isip isip ni jay dahil kung hindi ay lagot sya kay kurt. Lingid din sa kaalaman nila ay may nakatingin pala sa kanilang babae at nakakunot ang noo nito.
"Magsaya ka lang ngayon kasi i know in the end he will be mine." Sabi nito sa sarili at umirap pa. Bago tawagin ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
How Can I Love When I'm Afraid to Fall
Teen FictionMay dalawang bagay na nakakasakit sa puso ng tao. Mga panahon na sana wala na lang KATAPUSAN at mga panahon na sana di nalang NASIMULAN.