Si Mister Mcdo [Oneshot]

769 22 9
                                    

Oneshot trip ko, actually, trip namin pala ni sis Akirara. Lumibot kami kasi sa SM at naisipan naming gumawa ng oneshot para sa isa't-isa.. Kapag talaga sinumpungan ng kabaliwan at ginatungan pa ng kaibigan, iba talaga ang magiging bunga ng kalokohan. Haha. XD

Ellaine's POV

 

 

Magkikita kami ngayon ni sis Cassidy sa SM Pampanga. May mga bibilhin kasi ako sa National Book Store. Ang nakakainis lang ay hetong jeepney driver na kulang nalang e suyurin ang buong daan masiguro lang na makuha lahat ng pasaherong madaanan. Parang bakaw sa basketball ika nga ni sis na ka-text ko ngayon. Pero heto, ang tagal ko na nga't lahat-lahat ay nauna pa akong dumating sa NBS. Haha.

Ayun, bili dito, bili doon. Hindi naman ganun kadami ang pinamili namin pero nagtagal kami sa loob. Mas madami pa kasi kwentuhan na parang walang katapusan. Ano pa nga bang aasahan kapag nagsama ang dalawang madaldal? Di ba? Alam na!  XD

After nun, hinanap namin yung PHR store. Hinanap lang talaga namin dahil di man kami bumili. Ala man kasi yung gusto kong book. Pero hindi ako na-sad. Nabili ko naman kasi yung book nung The Selection. Grabe crush ko dun si Prince Maxon! Sana ako nalang makatuluyan nya at wag si America!  *u*

Syempre matapos ng lahat ng galaan, ano pa nga bang aasahan sa aming mga tyan? Edi gutom. Haha. At gaya sa nakasulat sa title nitong oneshot, pumunta nga kami sa Mcdo. Ang totoo nyan, kumain na kami ni sissy sa Jollibee bago kami naggala. Pero wala eh, gutumin lang po talaga kami. Fries and Floats nalang ang in-order namin. Napakasimpleng pagkain pero sumasarap sa panlasa kapag sinaluhan ng kwentuhan kasama ang kaibigan. Parang alak lang e no? Pfft~

Si sis Cassidy ang nag-order kaya nawala ang kakwentuhan ko at kaya naging malaya ang aking mga mata na maggala ng tingin. At sa dinami-dami ng mga tao doon, may isang nangibabaw. Isang gwapong crew na nagpupunas ng mesa katapat nung pwesto namin. Since gwapo nga sya, sa gawi nalang nya ako tumingin habang hinihintay si sis. Malay ko ba kung kelan ko ulit sya makikita kaya dapat syempre sulitin na di ba?  XD

Napansin nya ata akong nakatitig sa kanya kaya napalingon sya sabay ngiti. Uy, infairness, mas gwapo pa pala sya pag ngumiti. Normal lang siguro sa kanya ang mag-smile sa mga customers nila pero wala syang alam na hindi naging normal ang effect nya sakin.

Kung hindi lang siguro malayo ang SM Pampanga samin baka mag-aapply akong working student dito. Adik lang e no? Pero totoo, kasi naman, nagkaka-crush nako dati pero may iba sa kanya.

"Oy."

Dumating na pala si sis. Nilingon ko sya kaya kita kong dala na nya yung order pero hindi pala ako ang tinawag nya. Nakatingin sya kay Mister Mcdo, yung crew. Di ko alam name nya kaya yun nalang tawag ko. Hihi.

"Uy, te Cass. Asan si Tep?"

Si Mister Mcdo [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon