Part 2

25 4 20
                                    

"Haha.. Kase gusto ko ngang magpasaya o kaya maginspired yung mga tao saakin, at sabihin nila sa huli na ' Dahil sayo , hinde ako huminto' or whatsoever ganun haha"  loko talaga to, kung ano ano pinag iisip eh. Inirapan ko na lang siya at kinuha yung pagkain ko na nasa table, hinayaan muna ninya akong matapos.

Pag tapos ko, uminom na ako ng tubig at dumiretso ulit sa kama "Anyway, gusto mo mag drawing tayo??" Biglang tanong ninya.

"Bat naman tayo mag dradrawing?" Tanong ko naman.

"Ahm para naman na kesa sulatan mo ng gamit kutsilyo yang katawan mo, try mung mag drawing sa papel na lang , d ka pa masasaktan"

"Ahh."

"Tch, stop this nonesence "

"Ano ka ba! Ang hirap kaya gumuhit sa balat! Buwis buhay lang?? Pati pag sa sketch pad.. Mas maganda. At pag sa skin ang panget naman kung blood lang nalabas.. Pura red" sabi ninya, habang nag lalagay ng Sketch pad sa harap ko at nag lagay ng colors

"Ayoko" sabi ko

Bigla ninyang hinawakan kamay ko, napatingin ako sakanya "please" sabi ninya, parang napatigil yung oras, hinde ako makapag salita

"A-ahh tch!" sabay kuha nung sketch pad, at color

"Hayyy, kala ko hinde ka papayag eh" sabi ninya tapos lumapit pa saakin

"Ano naman kasing i dradrawing ko?"

"Uhm..ganto.. Drawing ka ng pinaka happiest moment mo, yung parang symbol , na nakakapag pasaya sayo pag nakikita mo..kalimutan mo muna yung mga sad moment mo or mga problems mo" sabi ninya, agad naman akung nag isip ng happiest moment ko..hmm may happiest moment ba ako?

Ah!

Nag drawing kaagad ako , tapos siya titig na titig sa dinradrawing ko

"Oh tapos na" sabi ko, agad naman ninya tung kinuha

"Feather? Bakit feather?" Tanong ninya

"Basta,Wala kang pake okay" sabi ko na lang, pero bigla naman siyang ngumiti na ikinatibok ng puso ko, argh Jhasmine WTF

"Ako, tignan mo dradrawing ako" sabi ninya

Nag drawing naman siya sa tabi ko, sinubukan kung tignan pero tinakpan ninya, tch ganun ganun pa parang hinde ko naman makikita

"Oh yan! Tapos na rin ako" sabi ninya saakin sabay nilapit saakin.

Gumawa siya ng Flower , simpleng flower lang siya, pero napaka ganda

"Bakit flower?" Tanong ko

"Flower dahil , tignan pa lang kita..gandang ganda na ako, itong bulak lak na to. Simple lang pero maganda, parang ikaw" pabola naman to, hay ..pero infairness ang galing ninyang mag drawing.

"O sige na, pagod na ako" sabi ko sabay na tulog

Tapos ng tulog ko, mga 2 hours ang nakalipa..pag gising ko wala nanaman siya. At finally! Makakatulog na ako ng ma himbing.

Pero nasaan kaya siya? Bakit ba bigla bigla siyang nawawala?

Next Morning

"You ano ba sakit mo?" Tanong ko, I'm just curious.. Napatahimik muna siya bago ako sagutin.

"Ahhm congenital heart disease akoo..huhu sad diba" sabi ninya, bat ang saya pa rin ninya?ang lala nun ha.

"Bakit ang saya mo pa rin?? Posible kang mama---" Tanong ko sakanya..ayoko ituloy.

"Haha, kase naman bakit pa ako malulungkot? Hanggat buhay pa ako..dapat masaya lang, pag nalungkot ba ako may mang yayare? Wala naman diba. Pati..wala namang malulungkot pag namatay ako eh" sabi ninya

Memory ; Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon