Sa tagal na panahon na kinulong
ko ang sarili ko
At gumawa nang malaking harang
para itago ang tunay na ako
Mula sa masaklap na kahapon na pinagdaanan ko
Hindi ko alam na mangyayari
pa ang ganito,
Dahil hindi ko inakalang may
makagawa sa akin nito
Na may isang taong darating upang makatulong ibalik ang sarili sa dating akoPero bigla kang dumating sa buhay ko
Isang estrangherong nakikila ko mula sa kabilang panig nang mundo
At binago mo lahat ang paniniwala ko
Akala ko hindi na ako muling
magtitiwala pa sa ibang tao
Pero dahil sayo nagtiwalang muli
ang puso koNang dahil sayo bumalik ang dating ako
Na madaling magtiwala at
mapagmahal sa kapwa tao
Pero higit sa lahat ang matutunang pahalagahan at mahalin muli
ang sarili ko...Bago pa matapos ang taong ito
Gusto ko sanang magpasalamat sa pamamagitan nitong tula na ginawa ko
At ipabatid ang kagalakan na nararamdaman ko, dahil sa
pagkakilala sayoBilang pasasalamat sa kaibigang tulad mo
Isang pangako ang bibitawan ko dito
Na mananatili kang bahagi nang buhay koKahit hindi man ako ang taong
makapagpasaya sayo
Pero asahan mong akoy isang kaibigan
na tapat at totoo
Maganda man o pangit ang ugali mo
Nasa magkabilang panig nang
mundo man tayo
At kahit ipagtulakan mo pa ako palayo
Mananatili akong nandito para sayo
Kahit umulan pa o bumagyo sa oras na kailangan mo tulong ko
Ako'y maaasahan mo hanggat kaya koMuli, akoy nagpapasalamat nang
taos-puso sayo
Sa biglaang pagdating sa buhay ko
At kung mamarapatin mo
Meron lang sana akong munting
hiling sayo
Na sana magtagal ang PAGKAKAIBIGAN nating ito...at bumalik sa dati
kung anuman ang meron tayo!

BINABASA MO ANG
***Tula Nang Pasasalamat***
PoesíaIkaw ang naging dahilan nang unti unting pagbabago sa sarili ko. At sana sa pamamagitan nang tulang ito, maiparating ko sayo ang wagas na pasasalamat mula sa puso ko :-)