Sleep Paralysis

195 13 3
                                    

Sleep Paralysis

Naglalakad ako paakyat sa hagdan namin nasa unahan ko ang nakatalikod na babae na kasing tangkad ng tita ko, hawak niya ang bunso niyang anak.

Nang maka akyat kami ay narinig ko ang pag utos niya sa pinsan kong babae na ayusin ang kurtina. Hindi ko na sila pinansin. I have my own business..

Pero napakunot ang noo ko ng may mapansin akong kakaiba. Hindi lumilingon ang tita kong iyon sa akin na madalas ay pinapansin ako. Ang anak niya ay napansin ko ang tattoo nito sa likod. Tinitigan ko iyon, sa unang tingin kasi ay madumi dahil sa kulay itim na ginamit na tinta, isa iyong pakpak na parang ibon at may bunot din na naka tattoo sa bandang pwetan nito.

Napailing ako. Kaya nakita ko ag mukha ng pinsan ko. Ang mata niya ay parang malaglag na. Tumalikod ako sakanila at hindi sila pinansin. Panaginip lang 'to. Alam kong panaginip lang 'to.

Pumasok ako sa kwarto ko at agad na nahiga sa higaan, Sa aking paghiga ay agad akong hindi naka galaw na tila na paralisa ang katawan ko. Namamanhid ang buong katawan ko.Paglingon ko sa gilid ko ay iyong kumot ko ay naka hugis rectangle na nakatayo, iginalaw ko ang kamay ko para sana kuhanin iyon pero hindi ko magalaw ang kamay ko.

Ang kumot ko ay pakonti konting nagkakaroon ng mukha, nagiging aso ito ngunit alam kong hindi dahil masyadong malaki ang pangil niya at wala siyang tenga na gaya ng aso. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magalaw ang kamay ko. Kaya sumigaw ako then I found out na walang lumabas sa bibig ko kung hindi impit na ungol. Natatakot ako. Takot na takot! Ang ungol ko ay parang nakakarinig, samantalang kahoy na pader lamang ang pinaka harang ng mga kwarto namin.

Pumikit ako, nagbabakasakaling mawala ang nasa harapan kong nakakatakot at nang muli kong idilat ang mata ko ay naglaho na ang mala aso sa harapan ko at napalitan na iyon ng isang hugis tao na maliit. Ang mala asong itsura kanina ay naging mala alien na.

I try to shout pero nakaramdam ako ng matinding pagkamanhid ng bawat dulo ng daliri ko at pagsalakay ng kakaibang sakit sa noo ko papunta sa gitnang parte ng utak ko. Nanghihina ang katawan ko.

Sumuko ako sa pagpiglas at nagising ako sa isang nakakatakot na panaginip na iyon.

Alam kong ang naranasan ko ay ang tinatawag na 'sleep paralysis'. Sanay na ako sa ganitong eksperyensya ngunit hindi maaalis ang takot sa akin.

Noong unang beses na nakaranas ako nito ay nakita ko ang isang mabalahibong matabang lalaki na may pulang mata. It's like I have a third eye pero wala naman talaga. After ng unang karanasan kong iyon ay hindi ako nakatulog ng dalawang gabi.

Sa sumunod na nangyari sa akin iyon ay tila ba alam ko na kaya nasanay na ako. Ngunit nakakatakot ito.

---

Myka Baladjay
December 28, 2015

-Sa lahat ng nakakaranas ng ganito gusto kong malaman niyo at maging aware kayo sa tawag sa ganito. Always pray! Stop thinking too much dahil nabasa ko na ang sleep paralysis ay nararanasan ng mga taong kulang sa tulog,depressed, stress at namamana ito.

Sleeping ParalysisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon