Dear Ex Boyfriend,

717 12 0
                                    


Para sa ex ko. Alam mo? Mahal pa din kita. Malapit ng mag-isang taon na tayo'y wala pero bakit ikaw pa din? Sobrang hirap makalimot. Pero ikaw? Alam ko at nakikita kong masaya na.

Nung araw na masaya pa tayo, hindi ko akalaing yun na din pala ang araw na iiyak ako.

Umiyak ako kasi bumitaw ka. Nung huling gabing kasama kitang gumala niyakap mo pa ako sabay bulong ng "Hindi na kita iiwan." Pero lahat pala ng iyon ay bulong lang sa hangin. Naniwala ako sayo kasi mahal kita.

Tumagal din sa almost 2 years ang relationship natin. Maraming napagdaan, maraming naranasan. Doon din ako natutong magpahalaga.

Ngayong alam kong wala na talaga, ayaw pa din talaga mag-sync in sa utak kong di ka na babalik pa. Sinubukan ko habulin ka ulit, pero wala tumalikod ka at tumawa.
Pero katulad ng pag-iingat ko sayo noon, sana ganun ka din iniingatan ng bago mo ngayon.

Alam kong masaya ka na dahil sa kanya, pero sana wag mo din kalimutan na minsan din kitang napasaya.

  









Dear Ex Boyfriend Where stories live. Discover now