Dear Friends,

492 3 0
                                    

Para to sa mga kaibigan ko, hindi ko kasi masabi sa personal. Hindi ko alam kung matatawag ko ba kayong kaibigan. Oo madami na tayong napagdaanan, at madami nadin akong nasaktan.

Nasaktan ko mga magulang ko, kakasama ko sainyo at sa mga kalokohan nyo. Hindi ako pumapasok dahil sainyo, khit alam kong mali. Nagsisisi ako ngayon, dahil alam kong uulit nanaman ako next year. Siguro nga choice ko lahat ng nangyari, pero sana nung nga panahon na sinabi kong 'ayoko', sana tinigilan nyo na ang pagpilit sakin.

Nasaktan ko ang parents ko, sa pagsisinungaling kung saan ako galing. Sabi ko group study, kahit hindi naman. Nagyaya lang kayo magswimming, kasama yung mga jowa natin. Nanghingi pa ako ng pera sa parents ko pamasahe at pangkain, dahil nga sabi ko Group Study kahit hindi naman.

Nasasaktan ako sa mga nagawa ko dahil hindi naman kami mayaman, at nagpapakahirap ang parents ko para magtrabaho at pagaralin ako. Yung Tatay ko anong oras na nauwi, para lang may makain at may baon ako.

Nung panahon na gusto ko ng magbago, hindi ko na kayo pinapansin, binubully nyo ako. Sinasabihan nyo ko na walang kwentang tao, at kaibigan. Hanggang sa nagaway away na tayo, anong ginawa nyo? Chinismiss nyo ko, pinagkalat nyong malandi ako at kalagkarin. Kahit ang totoo nyan, kayo ang nagbubugaw sakin para pumatol sa isang lalake.

Oo, kasalanan ko, dahil pinili ko kayo. Hindi kayo tunay na kaibigan, andyan lang kayo sa kalokohan at saya. Kaya ngayon, lalayo na ako. Dahil ayokong masira pa yung future ko. Alam ko kung saan na kayo papunta.

Habang maaga, didistansya na ako. Mahal ko mga magulang ko. At mahal ko din ang sarili ko. Bahala kayo kung anong gusto nyong sabihin saakin.


  I'm done, and I'm gonna be better  







Dear Ex Boyfriend Where stories live. Discover now