MILES' POVAyt!.. Bardang Darren yun ah bigla bigla nalang sumusulpot. Ako pa natawag na walang modo?! Shocks! As if naman na may good manners siya! Ni hindi niya pa nga ko kilalang kilala tss! makapagsalita akala mo kung sino.. Siya nga tong walang respeto ih di man lang marunong gumalang ng babae kaya siguro iniwan ng girlfriend niya dati.. Ugali niya palang nakakaasar na.. Ayoko na siya makita kasi kumukulo ang dugo ko sa kanya.!!
Teka nga gabi na pero wala pa si Mama. Hay nako san naman kaya pumunta yun anong oras na ih.
I text her pero din nagrereply tinawagan ko narin pero di sumasagot. Hayts.. Mama ko talaga.
Narinig kong bumukas ang pinto and as expected si Mama ang pumasok .
"Ma.. Salamat andito kana" At niyakap ko siya .. Kasi naman nag-alala kaya ko .
"Ma.. Pinag-alala mo ko.. Kanina pa ko naghihintay sayo di mo man lang sinasagot ang tawag ko or kaya magreply sa mga text ko.. " nag-aalalang sabi ko..Ngumiti lang si Mama.
"Nakakangiti kapa Ma .. "
"Syempre nag-aalala ang anak ko. It means mahal mo ako .. By the way anak gusto ko lang ipaalam sayo na aalis ako bukas pupunta akong Canada--"
"C-canada?! Ma.. Maiiwan akong mag-isa dito? " kyaah.. ! Di ako sanay mag-isa.
" Anak.. Nagkaproblema kasi ang kumpanya ng family natin dun sa Canada at kailangan ako ng Papa mo.. Wag kang mag-alala may makakasama ka naman yung anak ng Tita Jackie mo.. "
"Tita Jackie? Hindi ko naman po kilala yun ih so it means di ko rin po kilala ang anak niya. Sabi ko sayo Ma kumuha tayo ng maid ih kaso ayaw mo. "
"Anak kaya di ako kumuha ng maid kasi gusto ko ako mag-asikaso ng gawaing bahay. Tsaka lalaki naman yung anak ng Tita Jackie mo di ka pababa--"
"What!? Lalaki?! Ma naman ih pano nalang kung marape ako nun? "
"Anak di rapist yun. Tsaka wala namang gwapong rapist sa panahon ngayon. And di naman kita ipagkakatiwala sa rapist so don't worry anak"
"Ma naman.. Sige na nga. Gaano ka po katagal dun?"
" 3 months lang--"
"3 months!!?.bakit ang tagal naman po. "
" Masyadong malaki kasi ang problema anak kaya matatagalan ako. Sorry anak pero kailangan ako dun. "
"Opo Ma.. Naiintindihan ko naman po. Sige Ma basta tatawagan mo ko ha. Tsaka Ma 3 months lang ah wag kang lalagpas dun"
"Oo anak. So payag kana? " Pagkasabi ni Mama nun tumango lang ako. At niyakap siya..
Pumasok nako sa kwarto ko para matulog maaga pa kasi ako bukas. Pero di ko magawang makatulog kasi naman 3 months mawawala ang Mama ko tapos isang lalaking hindi ko naman kilala ang makakasama ko sa bahay. Grabe nakakaloka to. Syempre lalaki yun diba? Mamaya pagnasaan ako nun pero sabi ni Mama hindi naman niya ko ipagkakatiwala sa rapist tapos gwapo pa daw. My gosh GWAPO.. Este I don't care kung gwapo siya tss!
3 hours lang siguro ako nakatulog .. Kakaisip na maiiwan ako ni Mama. Antok na antok pa ko pero pumasok parin ako ayoko namang umabsent.
"Miles anong nangyari sayo? Muka kang di natulog ng ilang araw." Tanong ni Janine sakin.
"Si Mama kasi aalis siya.. Pupunta siyang Canada for 3 months " Walang ganang sambit ko
"Yun lang pala ih. Makapagmukmok ka naman dyan" Si Janine

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomantiekLove sobrang unexpected kapag dumating .. Bigla bigla mo nalang mararamdaman na inlove kana pala sa unexpected na tao. Walang makapagsasabi kung kailan ka mahuhulog sa isang tao basta basta nalang to mangyayari pero dapat maging handa ka kasi ang L...