CHRISTMAS STORY SPECIAL
[Carol's P.O.V.]
***
1Palagi nalamang bang ganito?
Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang paraan ng pagtrato nila sa akin. Hindi ko alam. Dahil sa tuwing tinatanung ko sa kanila ay hindi man lang nila magawang masagot iyon.Hindi ko kayang magawang magalit dahil sila ang dahilan kung bakit buhay ako ngayon.Sila ang nagpapakain at nagpapaaral sa akin na siyang utang na loob ko sa kanila. Ngunit sa kabila ba ng lahat ng iyon ay kailangan nila akong alilain ng ganito? Kailangang iparamdam na hindi ako isa sa kanila.
"Anak mo?" Tanong ng isang babae sa magulang ko.
"Ah dun nalamang tayo sa sala mag-usap. Maglilinis pa ang isang yan rito." Turan niya at niyaya ang babaeng lumbas na.
Nanakit ang dibdib ko sa naturan niyang iyon. Ang nasaisip ko ay hindi naman mahirap banggitin ang salitang "oo" kaya't bakit iyon ang isinagot niya sa babaeng kasama nito.
"Pagpasensyahan mo na ang iyong ina."
Lumingon ako sa isang matandang lalake na ngayon ay may ngiting pag-intindi sa mukha nito.Siya lamang ang kadamay ko rito. Siya na rin ang tinuturing kong pangalawang ama dahil sabi ng aking ina ay matagal nang wala ang aking ama at sa kaniya ko nahanap ang pagmamahal ng isang haligi ng tahanan.
"Ngunit tatay Miguel, bakit ba ganun siya sa akin?"
"Hindi ko rin nasisiguro anak, ngunit malay natin, may dahilan siya."
"At anong dahilang meron siya? Sa aming lahat, ako lamang ang kaniyang ginaganito. Hindi ba ako parte ng pamilyang ito?" Hindi ko na napigilang humagulhol.
"Ayoko na, pwede bang maramdaman ko naman ang pagmamahal nila, ngayo't malapit na ang pasko.?"
Nilapitan ako ni tatay at mahigpit na niyakap ako."Tibayan mo ang loob mo anak, andito ako para damayan ka. Tandaan mo, may dahilan ang Diyos sa lahat ng ito. Tahan na." Tumango na lamang ako at inintindi ang lahat.
***
2"Carol! Maaari mo bang bilisan riyan? Marami pang gawaing naghihintay sayo rito sa sala!"
"Opo, Inay!" Mabilis na nagtungo ako sa sala at iniligpit lahat ng kalat na naiwan ng matapos ang kasiyahan nilang magkakaibigan.
Aalis na sana ako ng magsalita itong muli.
"Carol." Kalmadong pagkakasabi nito.
"Ano po iyon mahal kong ina?" Bahagyang napapikit ito at tiningnan akong muli .
"Maaari bang Madaam ang itawag mo sa akin kapag may ibang tao tayong bisita o kaharap?"
"Po?" Lubos ang pagtataka sa aking mukha. " Ngunit bakit? Ikaw ay aking Ina at iyon ang katotohanan, kaya't bakit kailangan natin itong itago?"
"Dahil kailangan, sundin mo nalang ang aking tinuran Maliwanag!?" At bahagyang tumataas na naman ang tinig niya.
Ano bang problema at kailangan kong gawin iyon. Gulong gulo na ako.
"Bakit kailangan?" Pilit ko rito, dahil hindi na ako matatahimik kung hindi ko malalaman ang kasagutan sa lahat ng tanong ko.
"Tama na, pwede bang tigilan mo na ang pagtatanong at ipagpatuloy mo nalamang ang iyong paglilinis? May pasok ka pa bukas kaya't tapusin mo yan ng maaga."
YOU ARE READING
Best Gift Ever
Short StoryAng istoryang ito ay batay sa totoong buhay ng isang tao. So hope you like it.