KAKAIBA SA BAYAN NI: GLADZ AS GSG

6.4K 107 18
                                    

#1

 Sa isang liblib na bayan na kung tawagin Pumbak-ayen, naninirahan sila Pilong at Libya. Masaya ang kanilang pamumuhay kahit na wala pa silang anak. Kaya labis ang pasasalamat nila ng dumating si Mirna, biniyayaan sila ng isang babaing sanggol. Wala na silang mahihiling pa dahil binigay na ang kanilang pinagdarasal. Isang gabi, habang papauwi na si Aleng Libya, napatigil siya sa kaluskos na kanyang naririnig pero kapag nililingon niya, wala namang tao. Nangingilabot na siya, kaya binilisan na niya ang paglalakad, pabilis nang pabilis hanggang sa madapa na siya at may biglang kumagat sa kanyang leeg. Napasigaw siya sa kawalan. "Tulong! Tulong!" pero kahit isa man ay walang nakarinig sa kanya. Tuluyan na siyang nalagutan ng hininga at nasabi niya, tiyanak. Habang si Pilong ay nag-aalala na, wala pa ang kaniyang asawa pati si Mirna ay wala na rin sa duyan. Nakatulog siya sa paghihintay. Kinabukasan, kumalat na ang balita na patay na ang kaniyang asawa. Lubos na nanlumo si Mang Pilong sa sinapit ng pinakamamahal niyang asawa. Nagtataka siya kung bakit wala ang kanilang anak? "Nasaan si Mirna?" sigaw niya. Hanggang sumapit ang ilang araw, wala pa ring balita kung ano talaga ang nangyari? Kung sino ang pumatay kay Libya. Naubos ang mga kabataan gabi-gabi at walang nakaka-alam kung sino ang kumakagat sa kanila. Hanggang sa dinatnan ni Mang Pilong ang sanggol sa duyan. Anak, nandito ka lang pala. Nag-alala sa'yo si tatay. "Saan ka ba nagsususuot? pero di bale na ang importante nandito ka na." Habang yakap-yakap ni Mang Pilong ang bata. Nagbago ito ng anyo, tumulis ang kuko, naging pula ang mata at tumaas ang buhok, kumunot ang mukha. Walang kamalay-malay si Mang Pilong sa nangyayari sa anak. Noong bibitawan na niya ito bumalik na sa pagiging anghel ang mukha nito na para bang walang nagbago. Dumaan pa ang mga gabi, naalarma na ang buong nayon kasi marami na ang nabiktima ng di nila mawari na nilalang. Nagkaroon sila ng pagpupulong kung paano pupuksain ang halimaw sa kanilang bayan. Ito ang kanilang balak: "Ang bawat isa ay magdadala ng bell." Para kung sakaling sila ang magiging biktima ng halimaw ay madali itong patunugin at maririnig ng mga kasamahan. Tanging si Mang Pilong lang ang walang dalang bell dahil kapag nakita niya ang halimaw ay may itak siyang inihanda. Inaalagaan niyang mabuti si Mirna. Pero isang umaga, nakita niya itong naglalaway, nakatitig sa kanya. Pinunasan niya ito pero bigla siyang kinagat. Tumulo ang mga dugo sa sahig. Agad na kumuha ng itak si Mang Pilong pero hindi pa man niya nahahawakan ang itak ay nakagat na siya sa leeg. Isang malamig na bangkay na lang ang natagpuan ng kanilang Kapitan sa bahay. Ang dating mapayapang lugar ay napalitan ng kakaibang takot para sa mga nakatira dito. Sampung taon ang lumipas, umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa bayan at nahuli na rin ang tinatawag na halimaw at iyon ay si Mirna. Nagpakamatay si Mirna dahil di na niya makita ang kanyang ama't ina.  


 "UNDAS"

Hindi naman ako takot sa multo, nasanay na ako pero kanina lang ewan ko ba, habang kumukuha ako ng video sa room ko, nahagip ang isang kamay na itim na itim at may binabasag pa sa harap ko. Baka nagalit siya na kumukuha ako ng video. Tinigil ko na lang. Pinagpatuloy ko ang pag check ng papers pero nabibingi talaga ako sa iyak nila, di ko alam . Ako lang naman tao doon sa room. Kaya ang ginawa ko, nagpa-music ako, pinakinggan ko pero nagtataka ako biglang nagbago ang tunog ng music, naging makaluma, wala naman yun sa list ng play songs ko. Kinabahan na naman ako. Ini-off ko ang music at nagscan na lang ng pictures na kinuha ko nung nakaraang araw, pagtingin ko sa mga pictures may nakatayo sa gilid ng blackboard, impossible naman na ako yun kasi ako ang kumukuha ng pictures, matandang lalaki ang nakatayo, titser din pero sigurado ako na di namin kasama yun, kilala ko lahat ng kasama ko at ako lang ang teacher sa loob ng room na yun. Di ko na talaga matagalan kaya lumabas muna ako, kinandado ko na ang room ko. Malapit na gumabi kaya iba na ang nararamdaman ko, mahirap pala yung ganito. Lakas loob akong pumasok sa ibang room ng co-teacher ko, para mawala ang kaba ko, pero umupo lang ako at may naamoy akong perfume parang may lumapit ulit sa likuran ko pagtingin sa likuran, wala namang tao. Kinausap ko yung co-teacher pero naninindig na ang balahibo ko, niyaya ko na lang siya na lumabas muna ng room. Buti pa sa labas, wala akong na-fefeel na bad. Sabi ng kasama ko, nararamdaman din niya na di siya nag-iisa sa room, may iba pang nagmamay-ari nun..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kakaiba sa Bayan by:Gladz as GSGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon