Sweetest Downfall..I loved You first.

1K 12 12
                                    

'You are my sweetest downfall

I loved you first, I loved you first

Beneath the sheets of paper lies my truth

I have to go, I have to go

Your hair was long when we first met'

SAMSON-by Regina Spektor

Kainis naman oh! Sana hindi ko na lang yan narinig.Tsk!

Pilit ko man iwaglit sa aking isipan subalit hindi maiwasang bumalik sa aking alaala ang mga pangyayaring nagdulot ng sakit sa aking puso. Pangyayari na naging sanhi upang matakot akong umibig muli.At pangyayaring naging dahilan upang kainisan ko ang aking sarili.

Ang Mahalin ang isang tao na alam kong imposibleng mahalin ako.

Ako si Jamie. 17 years old. College Student taking up BSBA Major in Marketing Management.

Hindi katangkaran, pero hindi rin pandak. 5'2" lang yata ang height ko. Hindi mataba pero hindi rin payat. Sa katunayan may mga baby fats din ako. Hindi nga lang halata minsan. Simple lang manamit. Pero sabi ng iba, hindi raw. Hindi ako ang pinakamatalino, pero at least may alam ako at hindi ako ang pinakamahina. Madaldal ako kapag tinotopak. Yung tipong kukulitin ko ang lahat ng tao kahit na busy sila. Ganun ako kakulit kapag gustong mangulit. Sabi nila masaya raw ang buhay ko. Actually its NOT! Great-pretender ako eh. Kahit libo-libo na ang problema ko, kaya ko pa ring ngumiti. Matapang ako, or let's say nagtatapang tapangan lang. Kahit na galit na sa akin ang buong mundo, sasabihin ko pa ring ok lang. Pero ang totoo mahina ako. Iyakin nga ako eh. Another purpose of my pillow is for me to have something to cry on. I hate crying infront of my friends. I dont want them to see how weak I am. Gusto kong kilalanin nila ako bilang si Jamie na masayahin, matapang at hindi iyakin.

Si Jamie??

"She hates Boys that's why she loves playing with them.

One of her objectives in life is to see them crying.

She makes them fall in love with her.

She's the sweetest drug according to them.

Once they fall in love, dumping them is the next thing to do.

She's a good player" they say.

Pero nakailan na ba talaga akong boyfriend? Or BoyPuppets?

WALA PA TALAGA kung ang puso ko ang tatanungin.

I dont consider them as my boyfriends or exes. Because they're not.

They are just some of those sick guys who are stupidly attracted to me, the fact that I'm not the prettiest damn thing here on in Earth. I know I'm not pretty that's why I love asking them, "Why me?"

Then the majority answers me, "Because, you're different"

WOAH!! I like it!!

But unfortunately and honestly speaking I've been in to a relationship (Take Note:FAILED RELATIONSHIPS)

Four failed relationship.

Hindi ko sila sinagot because I love them, but because kung hindi man ako naawa then it was a damn dare with my crazy friends.

Pero ano nga ba ang koneksyon nito sa talagang ikikwento ko?

Malaki ang koneksyon nito.

Sapagkat ito ang naging leksyon sa kin sa lahat ng pagkakamali na nagawa ko.

Hindi ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sa taong may mahal ng iba at sa taong iniwan ako dahil hindi niya alam na nagbago na ako.

Sweetest Downfall..I loved You first.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon