HER

4 0 0
                                    

Ako si Bea. 1st year college sa school na pinapasukan din ng bestfriend kong si Ivan, ang bestfriend kong lihim kong minamahal. Mag bestfriend kami since 1st year highschool, at una palang nakadama nako ng kakaiba sa kanya. At yung kakaibang nararamdaman kong yun, habang tumatagal mas lalong lumalalim. Hanggang sa napagtanto ko sa sarili kong mahal ko na talaga sya.

***

Sa skwelahang pinapasukan natin hindi man tayo magkaklase, lagi naman tayong magkasama twing breaktime, lunch at hanggang sa uwian. Magkalapit lang ang mga bahay natin kaya lagi kaming sabay sa pag uwi.

Alam mo ba twing kakain tayo ng lunch pakiramdam ko makita palang kita at makausap, busog na ako. Ganun ako kalakas tinamaan sayo.

Minsan nga sinabihan mo ako ng "I love you", Sobrang kinilig ako nung araw nayun, sobrang saya ko na sana kaso dinugtungan mo ng "National I love you day kasi ngayon kaya ako nag I love you sayo". Nakakainis naman, masaya na'ko eh, kaso I love you day lang pala kaya mo ko sinabihan ng I love you.

Kinabukasan hindi kita masyadong pinansin, naiinis ako sayo eh. Nagtaka kadin kung bakit ko sya iniiwasan. Sinuyo mo ako, inasar, pinatawa. Hindi din kita natiis kaya nakipagbati din ako sayo. Buti nalang hindi mo alam yung dahilan kung bakit ako nagtampo. Dahil hindi mo pwedeng malaman na may gusto ako sayo.

Makalipas ang ilang araw okay na okay na ulit tayo. Sabay nanaman tayo mula break, lunch at sa pag-uwi. Parang twing ngingiti ka para akong nawawala sa sarili ko, para akong nalulusaw. Ganun pala talaga pag inlove.

Lagi mo 'kong inaasar, ako naman madalas mapikon at magtampo. Pero way ko lang yun para lambingin mo ako. Ang sarap sa pakiramdam twing sinusuyo mo ako, pakiramdam ko mahalaga talaga ako sayo.

Pero isang araw bigla ka nalang nagbago.

Hindi mo na ako sinasabayan twing break time, wala ka din twing lunch. Hindi mo nadin ako sinasabayan sa pag-uwi.

Isang araw nalaman ko nalang na may nililigawan kana pala. Si Kim ang muse sa tabi ng room nyo. Maganda sya sexy at walang-wala ako kumpara sa kanya. Down na down ako sa sarili ko, sobrang lungkot ko nung araw na iyon.

Hanggang na nabalitaan ko isang araw kayo na pala. Kinalimutan mo na talaga ako, sya na ang laging kasama mo.

Isang araw pa nung pauwi ako, nakasalubong ko kayong dalawa ng girlfriend mo. Magkaholding-hands pa kayo.

Ang sweet..

Napalingon ka sakin pero agad mong iniwas ang tingin mo sakin. Nilagpasan nyo lang ako at hindi pinansin

Ang sakit..

Bakit bigla nalang nagbago? Kinalimutan mo naba talaga ako?

Habang naglalakad ako pauwi ang bigat-bigat ng dibdib ko. Sumabay pa ang panahon at umulan ng pagkalakas lakas. Basang basa ako sa ulan pero hindi ko ininda. Umupo ako sa bench sa isang park habang umiiyak, ang sakit-sakit.

Umiyak lang ako ng umiyak. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay sya ring pagpatak ng mga mula sa mga mata ko.

Ang bigat sa pakiramdam..

Nagulat ako biglang may umupo sa tabi ko.

ikaw pala..

Sinundan mo ba ako? Gusto ko sanang mag assume na sinundan mo ako pero naalala ko dito din pala ang daan mo pauwi sa inyo.

Baka nagkataon lang.

Tinanong mo ako kung bakit ako umiiyak, ang sinagot ko namatay kasi yung alaga kong aso.

Ayaw mong maniwala sa akin, pilit mo parin akong tinatanong kung bakit ako umiiyak, pero ang pilit ko lang sinasabi ay dahil sa alaga kong aso.

Nagpaalam na ako sayong umuwi at dahil baka masabi ko pa sayo yung tunay na nararamdaman ko, ayoko kasing malaman mo dahil magmumuka lang akong tanga, dahil kaybigan lang ang turing mo sakin.

Kaybigan lang..

Bago ako makarating ng bahay nakita ko ang kaybigan kong si Camille. Tinanung nya kung bakit mugto ang mata ko. Bigla ulit akong napaiyak at niyakap sya. Sinabi ko sa kanya lahat at inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sayo. Sobrang nasasaktan ako, kahit papano nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Pero masakit parin talaga.

Pag-uwi ko sa bahay tinawagan ko si mama na nasa ibang bansa. Matagal nya na akong isinasama sa states pero hindi ako pumayag dahil hindi kita maiwan. Pero sa pagkakataong ito, gusto ko ng umalis, gusto ko ng lumayo, gusto na kitang kalimutan.

Kinabukasan flight ko na papuntang states. Pumunta na akong airport, dun ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko.Kung san wala ka, para makalimutan na kita tulad ng paglimot mo na ginawa mo saakin.

Pagdating ko sa airport, hindi ko maiwasang mapaluha.

Sana masaya ka sa piling ng girlfriend mo.

I wipe my tears away.


Paalam na,

Ivan...


***

P r o p e r t y o f itsmegorgeous23 (Arah Baer)

BESTFRIEND (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon