***
HIM:
Hayy Bea, bakit ba hindi ka maalis sa isip ko? lagi na tayong magkasama pero hinahanap hanap parin talaga kita.
Para akong tanga twing walang pasok sa kakaisip sayo, namimiss kasi kita agad. Gustong-gusto ko ng makita yung maganda mong ngiti, yung malamig mong boses na laging hinahanap-hanap ng tenga ko. Ikaw kaya? namimiss mo din kaya ako?
Siguro hindi masyado, kaybigan mo lang naman ako eh.
Minsan nga sinabihan kita ng I love you, Pero sinabi kong national I love you day kaya ako nag I love you sayo. Natorpe kasi ako. Pero yung I love you nayun totoo yun.
Mahal talaga kita.
Gusto ko na sanang umamin sayo kaso baka hindi mo ako gusto. Natatakot ako na baka masira ang pagkakaybigan natin. Ayokong mawala ka sakin kaya tiniis kong itago ang nararamdaman ko ng mahabang panahon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang totoo kong nararamdaman. Hindi ko na yata kayang tiisin. Paano nga ba Bea?
Isang araw nakaisip ako ng paraan, kinausap ko ang pinsan kong si Kim para magpanggap ng girlfriend ko. Gusto ko kasing malaman kung magseselos ka, kung maiinggit ka, kung gusto mo din ba ako.
Ilang araw kitang iniwasan nun dahil kasama yun sa plano, tiniis kong wag kang pansinin kahit miss na miss na kita. Ako kaya? namimiss modin ba ako? Sana oo.
Hinihintay kong kausapin mo 'ko at kwentyonin ang pag-iwas ko. Pero hindi mo ako pinapansin. Para bang wala lang sayo ang pag-iwas ko.
Parang wala lang talaga ako sayo..
Minsan nakita kitang pauwi, sakto kasama ko nun si Kim. Hinawakan ko ang kamay nya sa harap mo at hindi kita pinansin. Sinadya ko talaga yun.
Hindi mo din naman ako pinansin nun at derederetso kalang na naglakad pauwi. Hindi mo man lang ako pinansin.
Nagpaalam na ako kay Kim nun at sinundan kita. Pinagmasdan kita kung ano ang reaction mo, pero nagtaka ako nang bigla ka nalang umiyak.
sabi ko sa sarili ko nun "umiiyak ba sya ng dahil sakin?"
Sobrang saya ko nun dahil pakiramdam ko success ang plano, nagseselos ka at gusto mo din ako.
Hindi ko alintana nun kahit pa umuulan. Sinundan parin kita hanggang sa umupo ka sa may park, humahagulgol ka sa pag iyak. Nilapitan kita nun para tanungin ka kung bakit ka umiiyak.
Pero nalungkot ako sa isinagot mo.
Dahil akala ko nagseselos ka kaya ka umiiyak, pero namatay lang pala yung alaga mong aso kaya ka umiiyak.
Nagpaalam kana sakin na uuwi kana. Umalis kana at naiwan akong mag-isa na nay pagkabigo sa dibdib.
Sayang..
Akala ko gusto mo din ako, pero hindi talaga.
Pag uwi ko sa bahay hindi ako nakakain nun, sobrang lungkot ko. Bakit tila wala kang pakeelam sa pag-iwas ko? Bakit kahit hindi tayo magpansinan okay lang sayo? Hindi mo ba namimiss yung samahan natin? Ganyan ba ako kawalang halaga sayo?
Kinabukasan pinilit kong papasok kahit puyat ako kakaisip sayo. Nang papasok nako ng school nakasalubong ko ang kaybigan mo at kinausap ako nito.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nya, na matagal mo nadaw akong gusto pero itinatago mo lang. Na sobra ka daw nalungkot mula ng iwasan kita. Pilit mo lang palang itinatago pero nasasaktan ka twing kasama ko si Kim. Mahal mo pala talaga ako matagal na.
Nagulat ako sa mga sinabi nya, Napakasaya ko nung araw nayun. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.
Pupuntahan sana kita para aminin na sayo yung nararamdaman ko pero ang sabi ng kaybigan mo aalis ka nadaw, at pupunta na amerika. Tarantang-taranta ako nun, hindi ko alam ang gagawin ko.
Bakit kaylangan mong umalis?
Kasalanan ko 'to.
Hindi na ako nag aksaya ng panahon at agad akong sumakay sa kotse ko para sundan ka sa airport. Sana nun palang pala inamin ko na sayo, ang tanga-tanga ko naiinis ako sa sarili ko.
Takot na takot ako dahil baka nakaalis kana. Please lang sana hindi kapa nakaalis. Madami pa akong gustong sabihin sayo.
Binilisan ko ang pagddrive, kaylangan kitang maabutan. Hindi ka pwedeng makaalis.
Pero nagulat nalang ako ng makita kong babangga ako sa isang truck. Napapikit nalang ako at naramdaman ko ang pagtusok ng isang bagay sa tyan ko.
Nakita ko ang sarili kong duguan. Nung mga panahong iyon, ikaw lang ang nasa isip ko.Unti-unting nandilim ang paningin ako at nawalan ng malay.
***
Nang magising ako puting kisame ang nakita ko. At puro doctor at nurse ang nakapalibot saakin. Ang daming aparatong nakakabit sa katawan ko. Nahihirapan akong huminga. Hindi ako makagalaw.
Sayang hindi kita naabutan, madami akong gustong sabihin sayo pero wala, nakaalis kana.
Pinilit kong magsalita kahit hindi ko na kaya,
"Mahal kita, Bea"
Kasabay ng sakit ng katawan ko ang sakit ng dibdib ko. Sayang hindi ko manlang nasabi sayong mahal kita.
Napakasakit ng buong katawan ko. Hinang-hina na ako.
Bigla nalang mag pumasok sa pinto at bahagya akong napalingon dito. Nagulat ako ng nakita kitang umiiyak at inaawat ka palabas ng ibang nurse.
"Mahal din kita Ivan! Please lumaban ka! Wag kang mawawala Ivan mahal kita. Please, wag mokong iiwan." Halos wala ng boses na lumalabas sa bibig mo. Patuloy lang ang pagpatak ng mga luha sa mata mo.
Hindi ako makapaniwalang nandito ka, Sobrang saya ko ng madinig ko ang boses mo. Lalo na ng sinabi mong mahal mo ako.
Ang saya ko dahil nandito ka. Pero ang sayang yun, may kasamang lungkot. Dahil napapakiramdaman ko sa katawan ko na unti-unti na itong bumibigay.
Nanikip lalo ang dibdib ko. Nawawalan na ako ng hinginga. Unti-unting nagb-blur ang paningin ko. Nageecho sa pandinig ko ang bawat sigaw at iyak nyo. Iyak ka ng iyak habang nakasilip sa bintana.
Hindi na ako makahinga,
hindi ko na kaya..
Alam ko na ang mga susunod na mangyayari, ramdam ko na ang unti-unting pagsuko ng katawan ko.
Pinilit kong idilat ang mga mata ko at nilingon kita.
Pinilit kong ngumiti kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko.
"Mahal kita Bea, mahal na mahal"
Pagtapos kong banggitin ang salitang iyon nandilim na lahat sa paligid ko.
Nawalan na ako ng malay, at unti-unting nalagutan ng hininga.
****************THE END***************
P R O P E R T Y O F itsmegorgeous23 (Arah Baer)