One shot Love story (DaraGon)

80 2 0
                                    

Characters:

·         Sandara Park

·         Kwon Jiyong

“It’s been 8 years already when we we’re officially together. Matagal-tagal na din. Iniisip ko palang ang mga masasayang panahon na magkasama tayo ay talagang hindi ko maiwasang malungkot. Kung pwedi lang sanang ibalik ang mga panahong iyon. Itigil ang oras para sa ating dalawa. But it can’t be. Time pass really fast at natatakot ako na dumating na ang panahon na kailangan na kitang iwan. Hindi ko alam kung kilan, iniisip ko palang na maaring bukas, sa makalawa, sa susunod na lingo, sa susunod na buwan o sa isang taon ay kaiangan kong  iwan ang lahat ay parang dinudurog ng unti-unti ang puso ko. Ngunit kunting oras nalang ang natitira sa akin. Ano ang dapat kong gawin. Dara? Ano ang dapat kong gawin?”

Mahinang sambit ni Jiyong habang hawak-hawak ang litrato kung saan ang isang nakangiting dalaga ang napapaloob. Ang dalagang pag ngumiti ay kayang mapawi ang kung ano mang sakit at kalungkutan na nararamdaman niya. Ang dalagang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya na gumising tuwing umaga at harapin ang bukas na may bagong pag-asa. Si Sandara Park. Ang babaeng nag-papanatili ng buhay niya.

Hindi mapigian ni Jiyong ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Mula sa pinto ng kanyang kwarto ay ang mahihinang katok ang gumising sa kanya sa kanyang malalim na iniisip.

“Jiyong, anak nandito si Dara sa baba, sabay na daw kayong pumasok sa school.” Sabi ni Mrs. Kwon

Inayus nya ng kaunti ang kanyang sarili at saka lumabas ng kwarto kung saan naghihintay ang kanyang mama.

“Sige po. Puntahan ko na siya sa baba.”

Ngumiti ang kanyang ina. “Sige anak.”

Pababa palang si Jiyong sa hagdan ay ang maaliwalas na nakangiting mukha ni Dara ang nakita niyang nakatingin sa kanya. Napangiti din siya habang palapit sa kasintahan.

“Sana nagtext ka na dadaanan mo ako dito”, sabay kurot sa pisngi ni Dara.

“Aray naman. Gusto kasi kitang e-surprise kaya di ko sinabi sayo.” Sabay yakap kay Jiyong. “Happy 8th year anniversary Jiyong.”

“Happy anniversary Dara.” Isang mahigpit na yakap din ang sagot ni Jiyong sa yakap ni Dara.

“Oh malelate na kayo nyan. Pumasok na kayo.” Saway ng ni Mrs. Kwon.

Bumitaw sa yakap ni Jiyong at humarap sa mama nito, “Opo Tita.”

“Sige, Dara kaw na ang bahala kay Jiyong hah. Alam mo na.”

“MA!” Saway ni Jiyong sa mama nya.

Tinampal ni Dara sa balikat si Jiyong saka tumingin sa mama nito. “Opo Tita, ako na ang bahala kay Jiyong.” Sabay ngiti.

Walk-out naman si Jiyong. Saka sumunod si Dara sa kanya.

“Jiyong! Jiyong!” Mabilis na naglalakad si Jiyong kaya patakbo ang lakad ni Dara para makahabol lang dito.

“Jiyong teka nga. Ang bilis mo namang mapikun.” Sabay hawak sa braso ni Jiyong ng makahabol sya.

Paano naman ako hindi mapipikun ehh kung tratuhin nyo ako ay para akong bata na dapat pang bantayan.” Nakasimangot na sabi ni Jiyong.

Napangiti naman si Dara habang nakikitang nakasimangot si Jiyong. “Asus, alam mo naman na kung bakit kami ganito sayo diba? Ayaw ang naming may magyari sayo. Kaya wag ka ng magtampo.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll wait for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon