Race 7: My First Day in MAU

25 2 0
                                    

Marcus Aurellius University

Naglalakad ako sa mahabang pathway ng University na papasukan ko, I appreciate this school, ang ganda eh, sobra. Naka-uniform ako ng school uniform, then tomorrow the college uniform, then the next day P.E uniform.

Pagdating ko kahapon galing work nasa bahay na lahat ng kailangan ko sa school, libro, notebook, ballpen, medical kit, uniform, laptop, at kung anu-ano pa, sabi ni tita isang teacher daw ang naghatid nung mga yun sa bahay, nakuha daw akong fully scholar ng school na toh dahil sa academic topnatcher daw akong nagraduate ng highschool, well totoo namang top students ako nung hs ako, iba ang nagagawa ng pursigidong mag aral, tuwang-tuwa si Nanay.

Pinagsabi pa sa kapitbahay marami tuloy nainggit saken, alam ko namang pakana lahat toh ni Tanda eh. Ang bait nya.

Beep beep beep

“puta-, “may bumisina saken at muntik na kong binangga.

“hoy, wag ka kasing paharang harang”  huminto yung kotse, lumabas yung ulo nya sa bintana. Saka umandar na ulit yung kotse. Tsk, mayabang mas astig pa yung race car ko kesa sa kotse nya eh. I check my wristwatch.

“shit, malalate na ko sa first subject ko” takbo lang ng mabilis, kelangan ko pang pumunta sa main building para mag report.

Blaaaag!!

“awwww”

Narinig kong sabi ng nabangga ko. Nahulog lahat nung dala kong libro, pinulot ko syempre.

“naku, sori hah” tiningnan ko sya----wow, ang gwapo naman nya.

“give me your hands”

Sabi nya saken. Syempre inabot ko. Sabay tayo, ang cute ng dimple nya, kahit nagsasalita lang sya , halatang halata.

“ next time, watch your step.”

“ah salamat, sori ulit ah, excuse ah, exit na ko” sabay takbo na ko ulit, wala na ko oras eh.

30 minutes late na siguro ako sa klase ko, may isang teacher na sinamahan ako sa pag punta sa first subject ko, hahaha utos daw yun ng President. I feel a little bit nervous.

Nag stop kami sa isang room, I think section 1 toh, well as I’ve said the class was started na, nagknock yung kasama kong teacher sa pinto, then lumapit yung mukhang masungit na teacher din. 

Gun and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon