He and I

10 0 0
                                    

"I."

Hays.. Gabing gabi na ako natapos sa mga Gawain ko! May assignment pa naman ako sa music! Andami dami kaya ng mga compositors na yun!! Argh.

Hays. Basta, sa wakas.. Natapos din! Maka Alis na nga!

"Kuya, Alis lang po muna ako.. Magcocomputer lang ...para sa assignment.."

"Sige."

So, ayon.

Umalis na ako sa bahay.

May bitbit akong isang notebook, isang ballpen, cellphone, tsaka wallet. Nang makalabas na ako sa gate namin ay naglakad na agad ako. Pero, habang naglalakad eh, he he.. Nakatingin sa phone syempre! Haha!

Pero tumitingin- tingin din ako sa daan ko noh! Haha!

Pagka angat ko ng ulo ko ..

May nakita akong isang tao.

Lalaki to be exact.

Napatingin din sya sa direksyon banda sa kin. Napatitig sya. Alam ko. Pero, kahit na ganoon.. Namamanage parin nyang ipagpatuloy ang lakad. Ganoon din naman ako.

Umiwas sya ng tingin saka diniretso ang tingin nya sa dadaanan nya. Ako kasi papuntang south. Sya naman, papuntang west.

Dirediretso lang sya.. Pero, di na ulit lumingon. Ouch.

Ganoon di ginawa ko. Pero, tininignan ko sya.. Sa peripheral vision ko nga lang..

Nakapasok na sya sa may eskinita, ako naman dirediretso lang.

Ng makalampas ako ng limang hakbang mula doon sa intersection point naming.. (Actually, mas nauuna sya kesa sa akin.) ..dalawa.

Di ka lilingon.

Pang anim na hakbang.

Pero, gusto Kong lumingon.
Gusto ko syang makita.. Kahit likod lang. Kahit anino nya lang.

Pang pito.

Wag ka ngang lilingon. Di ka nga nya pinansin diba? Kaya bakit ka pa lilingon?

Pang walo

Baka naman kasi, diba malabo mata nya?! Baka di nya lang ako napansin o namuka-an..

Pang syam

Anong di mo nya muka-an? Namuka-an nya! Tumitig nga sayo diba? Tsaka, best friend ka nya!

Napatigil ako.

Oo nga, best friend nga pala kami. Sa pang sampu kong hakbang.. Di ko alam. Lilingon ba ako? O tutuloy nalang? Iniiwasan ko na nga sya eh.. Actually. (2 months to be exact.)
Pero,.. Pero,

Hays.

Sa pangsampu Kong habang.

Lumingon ako.

Pero, wala sya.

Anbilis naman ata nya?

Dapat pala..

Di na ako lumingon.

Hays. ASA kasi. Asa!

I bitterly smiled to myself.

Bakit..

Balit ganoon?

Ansakit.

Ganito na ba kalaki epekto nya sakin??!

Bakit..

Bakit sa best friend ko pa?

Ahh!

Walang ganito!
Walang iyakan. Bata!

I laugh bitterly.

Nga naman. Bakit nga naman diba? Bakit nga naman ako diba?
They.. They were..
Ugh.
They were perfectly suited for each other.

Yung tipong..
Prince charming at sweet and loveable princess.

Perfect right?

Ha!

Ako pa nga bridge nilang dalaw kung bakit at paano sila nagkakilala eh! At kung..

....kung paano magiging sila.

Palabas na ako sa may street namin. Tama lang yung lakad ko.

Siguro..ilang steps pa bago ako makalabas... Hmm... haha!

What if, magkasalubong kami?
Hehe.. Lalabas din naman sya doon sa may kabilang street ehh.. Ekek.. Haha!

Aba malay mo noh!

Tsaka, mag ha "hi" sya..

Tapos mag he- "hello" ako sa kanya.

Tapos sya, ngingiti.

Tapos ako din.

Tapos...

Makakapag usap kami..

Uumpisahan namin yun sa tanong nya palaging.. "Kamusta na ?"

Tapos.. Eto ako, parang lutang na ewang sasagot sa kanya. "Eto, tao parin.. " tapos syempre, dudugtingan ko yun. ".... Ikaw? Musta?"

Tapos sya naman tatawa. Tapos, "Ang pormal natin ahh.." Sabay tawa ng tipid tapos .." Sige, yaan mo na nga..haha!"

Eto naman ako. Kinakabahan na natatae na pinagpapawisan kasi, kausap ko nga sya. Pero, di nagpepahalata kasi, natatakot din ako. Nakakabaliw di ba?

"Sige na nga! Alis na ako! Binubully mo ako!"

My ever loveable self. My childish side! Haha!

Tapos tatawa sya nang bahagya. Tapos hahawakan nya yung kamay ko.. Na which is.. Kinikilig ako palagi na tipong, ayaw kong maligo ko? Kasi nahawakan nya ako? Haha - eww ..para sabihing wag akong umalis kasi.. Pinagtripan nya lang ako.. Parang ganoon ba..

Tapos, doon na kami magsisimulang magkwentuhan ng mga kalokohan namin dalawa na para bang ilang daang taon kaming di nagkita. na thou..oo para sa'kin ganoon talaga ang nararamdaman ko. Kasi, iniiwas ko nga sya diba? Malapit ng maging sila ng best friend ko. Ayaw kong makasakit at masaktan. Kaya, its better to be a coward, that to be brave. If i cant bare with the ache that it would may costs.

Tapos, ayon.. He made my day.

Tapos we will bid of goodbye as a good bestfriend does. Kasi, mag cocomputer pa nga ako tapos sya.. Ayon. Pauwi na, gagawa ng project. Haha! Mas masipag pa sakin yun ehh!!

After noon..

I will smile all day like an idiot.
Yeah just like that.

Yeah..

Ayan!!
Tuloy!!
Excited akong ... Makita sya sa dulo nito, kasi.. Alam Kong magkikita at magkikita kami.

Alam ko..

Naniniwala ako..

Umaasa ako..

Umaasa akong magkikita kami sa dulo ng eskenitang nilalakaran ko.

Pero, paano kung hindi?

He and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon