Pasukan

146 1 0
                                    

Isang malaking pagsubok talaga ngayon ang pagpasok sa eskwelahan . Kakatapos lang kasi ng christmas break at halatang may hangover pa ang iba sa mga nakaraang araw . At syempre dahil estudyante din ako , hinihiling kona lang na sana di nalang matapos yung bakasyon . Pano ba naman kasi , sa bahay tanging si mama lang ang kaaway ko . Sa school , halos lahat ata sila walang mood sakin . Minsan napapatingin ako sa salamin . Di naman ako pangit , pero oo , alam ko hanggang mabait lang ako .

Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep . Isang babae ang napansin ko , pumapara siya ng taxi at sobrang dami niyang dala . Para bang galing siya sa isang malayong lugar at kakarating niya palang sa Maynila wari'y di niya pa alam kung san siya magsisimula sa kanyang paglalakbay . Nang makapara siya ay agad agad niyang kinuha ang ang kanyang mga dala at isa isang inilagay iyon sa may likudang bahagi ng taxi . Habang kinukuha niya ang natitirang bag ay nahulog ang kanyang mga gamit at dahil parang ako lang ang nakakita , ako nalang ang kusang loob na lumapit kay ate . Tinulungan ko siyang damputin lahat ng nahulog . May isang bagay ang nakapukaw sa mga mata ko . Ang picture frame na may litrato nilang mag anak . Nalaman kong pamilya niya iyon dahil nakaakbay sa kanilang dalawa ang isang napaka cute na bata .Sobrang saya nila sa kuhang iyon . Parang walang problema .

Para Sa Mga Hopia (Pinaasa)Where stories live. Discover now