Ako nga pala si Daniel John Ford Montenegro .
High school student sa Ateneo de Manila University .
Ang nag - iisang anak ng nagmamay - ari ng Montenegro Realty Incorporation .
Mayaman , gwapo , habulin ng babae , mayabang , siga at spoiled ako sa aking ama .
Pero nagbago ang lahat ng iyon dahil sa isang malagim na trahedya .
Sabado noon , kasalukuyan akong naggagala sa kumpanya ng aking mga magulang .
Nang biglang may sumigaw.."Tulong ! Tulong !" sigaw ng isang empleyado...
"Nasusunog ang office ni Sir Montenegro!
Hindi na ako nagpatumpik – tumpik pa , agad kong pinuntahan ang opisina ng aking ama .
Hindi ko inakalang makikita ko siyang nakahandusay sa sahig .
Kahit na nagliliyab ang kanyang kuwarto sinubukan ko pa rin siyang iligtas ngunit hindi ko rin kinaya kaya nawalan ako ng malay .
Makalipas ang ilang oras . “
Mr. Montenegro , are you alright ? ” tanong ng nurse .
“Yes , I am . Where’s my parents ? “ .
Huminga ng malalim yung nurse tapos
“ Yung nanay niyo po nasa kabilang ward .“
'"Eh si Dad..? “
“I’m sorry po Sir pero he’s dead “
“W-w-what ??”
“He’s gone .”
Biglang tumulo yung luha ko pagkatapos niyang sabihin yun .
Iniwan na ako nung nurse .
Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa mukha ko .
Sinubukan kong tumayo at pumunta sa sulok ng kwarto kung saan nandun yung salamin .
Laging gulat ko ng makita yung mukha kong nalapnos . Yung maganda kong mukha bigla na lang nawala sa isang iglap .
Ano bang nagawa ko at nangyayari sa akin ang lahat ng ‘to ?
Ilang linggo ang lumipas at si Mommy naman ang nahimlay .
Pero bago siya namatay may iniwan siya sa aking t – shirt na itim .
Hindi ko alam kung bakit pero isinama ko na lang sa mga pambahay ko . ‘
Di nagtagal nagsarado na ang kumpanya .
Napilitan din akong tumigil sa pag – aaral at ibenta yung bahay namin .
Ang buhay na kinagisnan ko ay bigla na lang nawala .
At inakala na rin ng lahat na kasama akong namatay ng Daddy ko .
Napagpasyahan kong manirahan muna dun sa tita ko sa Cebu .
Hahanapin ko muna yung sarili ko at magmove – on sa mga nangyari , mabilis din kasi .
Ito na siguro yung magsisilbing leksyon sa akin para matutong tumayo sa sarili kong mga paa .
Pero parang mahihirapan ako .
Dalawang taon na ang lumipas at nakaya ko naman ang buhay dito sa probinsya .
Ang laking pinagkaiba dun sa buhay na nakasanayan ko .
Dalawang araw ang dumaan nung magsimula kong suriin yung itim na kamisetang iniwan ni Mommy .
“ What makes it so special?”
Nagtataka na talaga ako .
Ilang araw pa ang dumaan at sasapit na ang Fiesta .
Kinakailangan daw pumunta ng lahat ng mamamayan sa baryo San Mateo at syempre isa ako dun .
Pero nag – aalinlangan akong pumunta .
May hiya pa naman ako .
May mukha pa ba akong ihaharap sa mga tao ?
Pero pinilit pa rin ako ng tiya ko .
At syempre malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya napilitan akong pumunta .
Napagpasiyahan kong isuot yung damit na iniwan sa akin ni Mommy nang biglang lumiwanag yung mukha ko
“Ahh ! Nasisilaw ako !”
Makaraan ang dalawang segundo naglaho ang liwanag .
Agad akong tumakbo papalapit sa salamin .
“ Ha ! Totoo ba ‘to ?
Totoo ba ‘to ?
Nananaginip ba ako ?”
Laking gulat ko nung makitang bumalik yung dati kong itsura .
Hindi ako makapaniwala .
Pagkatapos pala ng lahat , magagawa ko pa ring bumangon – Dahil sa kamisetang ‘to .
Taas – noo akong pumunta sa bayan para makifiesta .
At syempre tulad ng dati , napakaraming babae ang nagtilian dahil sa kagwapuhan ko .
Hindi ko naman sila masisisi kung ngayon lang sila nakakita ng gwapong katulad ko .
Pero sa lahat ng babaeng nasa harapan ko , isa lang ang kapansin pansin .
Maganda naman kaso dalagang filipina .
Hindi man lang siya natawagang pansin nung maraming nagtilian sa akin .
Lumapit ako at nagtanong ,
“Miss , anong pangalan mo ?
“ Sumagot siya “Eh ano naman sayo ?”
“Nagtatanong lang naman”
“Bakit , anong kailangan mo ?”
“Gusto ko lang sanang makipagkaibigan..”
“Ah...Kala ko kung ano na..”
“So ano ngang pangalan mo ?”
"Magtatanong ka na lang ikaw pa tong apurado.."
"Di naman sa ganun"
"Parang pamilyar yang mukha mo"
"Sinasabi mo lang yan kasi gwapo ako eh.."
"Aissh..KAPAL.."
"Ahahaha..Ano ngang pangalan mo..?"
"Ako si Kathryn Chandria Rodriguez"
"Bat ang ganda ng pangalan mo..?"
"Half American tatay ko.."
"Ahh..ok"
"Teka..Ikaw anong pangalan mo..?"
"Ah eh..Ako si Daniel John Ford Montenegro.."
"Ha..! Diba patay ka na..! Kasama ka ng tatay mong naaksidente..!"
"Sssshhh...Wag kang maingay..!! Akala lang nila yun..Simula nun di na ako nagpakita sa kanila.."
"Ahh..Ganun ba...Condolence nga pala dun sa nangyari sa mga magulang mo.."
"Kung pwede wag na lang nating ibalik yung nakaraan.."
"Sorry.."