Wala ng libre ngayon sabi ng karamihan. Magpaturo ko lang sasabihin pa sayong wala ng libre ngayon, lahat na daw may kapalit, pero kung ako ang tatanungin dalawa na lang ang libre sa mundo. Ang magmahal at syempre ang mangarap. Yun na nga lang ang libre ipagkakait pa ba? Kaya lahat tayo marunong mangarap at naguumpisa ang lahat ng pangarap sa salitang
Sana.
*******
"The best way not to get your heart broken, is pretend you don't have one" - Charlie Sheen
*******
"...Sana" huling salita ko saka binuksan ang mata at tumingala muli sa pagkakayuko. Wala na, wala na yung shooting star, nakalagpas na.
Sana matupad yung hiling ko sa star. Dineretso ko ang paa ko. Nandito kasi ako sa rooftop, nakasanayan ko na kasing pumunta lagi dito, para magpahangin at di kalaunan para narin humiling. Ayun nga humiling nanaman ako, ika sampung gabi ko na toh. Humiga ako at ununan ang dalawa kong braso ang daming stars. Nakakatuwa tingnan napakalinaw nakakabighani. Tinaas ko ang kaliwa kong kamay at kunwaring inaabot ang mga ito pero kahit gaanong taas ang gawin ko, wala, hindi ko maabot.
Napababa ang kamay ko ng magring ang phone ko kinuha ko ito sa bulsa ng short ko at sinagot. Bumaba na ako dahil oras na raw para matulog.
Nasa kwarto na ako handang matulog pero tulad ng dati
"Sana.." sabay higa at kumot sa sarili.
**______________
"Nagreview ka?" agad na bati sakin ni Yen pagkakita sakin. Tiningnan ko muna siya saka binaba ang bag ko at umupo.
"Goodmorning din, at sa tanong mo? Oo, nagreiew na ako" sabi ko habang hinahanap yung module.
"Talaga? Ano nereview mo? Yung pagkakasunod ng stars o kung saan siya bumagsak?" Napatigil ako sa paghahanap at napatingin sakanya, nakita kong nagbabasa siya pero nakangisi, yung nangaasar na tawa? Nakakainis diba? Bestfriend ko siya kaya alam niya LAHAT! Kaya siya ganyan!
"Tsk! Alam naman pala nagtanong pa!" sabi ko saka nahanap yung module na eexamine namin ngayon. Midterm na kasi at hindi man lang ako nakapagreview dahil sa pagabang ko sa falling star. Umaasa kasi ako na matutupad ang hiling ko, hiling kong... sana ako na-
"Goodmorning!" Nagulat ako ng sumigaw si Kat. Tumingin ako sakanya, nakatayo siya sa pintuan habang nakataas ang dalawang kamay na para bang nanalo sa marathon. Ang ganda niya talaga, kahit pawis siya, mukha kasi siyang tumakbo, 4th floor kasi yung room namin at walang elevator kaya talagang pagpapawisan ka pero siya kahit pawis maganda parin. Nakasuot rin naman siya ng uniform pero bakit ganun? Parang pag suot niya yung uniform ang ganda tingnan.
*sigh*
Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring nagbabasa. Ang ganda niya, wala ako kumpara sakanya. Sana maganda na lang ako. Sana....
Sana ako na lang siya
**______________
"San tayo kakain?" agad na tanong ni Kat pagkalabas ng prof. Tiningnan ko siya at nakita kong naglalagay siya ng foundation sa mukha habang naglalakad papunta samin. Isa rin kasi siya sa kaibigan ko, ang galing noh? Insecure ako sa kaibigan ko. Wala akong magagawa, nasa kanya kasi yung gusto ko.
BINABASA MO ANG
Sana
Teen Fiction❝Sana ako na lang❞ naranasan mo na bang sabihin iyan? Ako kasi LAGI kong nasasabi 'yan! Para ngang parte na ng buhay ko ang pagsabi ng salitang SANA. OS || ThatGirlIsWanted || Edited:September 5, 2013 || Copyright 2013