Buhay Fangirl (One-Shot)

703 31 28
  • Dedicated kay Fans
                                    

A/N: This is dedicated to all fangirls and fanboys out there. 

Relate relate din haha :))

======

Karamihan sa mga babae ay fangirl. Pero may mga lalaki din namang fanboy.

Mapa-Kpop pa yan, Jpop, Ppop , Apop, Lollipop at kung ano pang pop yan. 

Lahat tayo ay may kanya-kanyang iniidolo. 

Pwedeng singer, dancer, actor o actress. 

Dati isa ka lang normal na tao. Pero simula nung maging isang fanboy/fangirl ka na naabnormal ka na. Di naman literal na abnormal. Lahat lang naman ng hindi mo pa nagagawa dati ay nagagawa mo na ngayon.

Natuto tayong magspazz.

Kiligin sa harap ng computer.

Umiyak kapag si bias ay umiiyak.  

Sumigaw ng bongga tipong nailalabas mo na ata lahat. 

Mag-ipon ng todo-todo para lang makabili ng merch, album at kung ano-ano pang ine-endorse ni bias. Tipong di ka na kumakain ng lunch o meryenda sa school niyo para lang makumpleto ang collection mo ng merch nila.

Dati kapag nagti-twitter ka minsan ka lang magtweet. Pero ngayon maya't maya nagtu-tweet ka na. At TAKE NOTE~ Puro about kay bias lang lahat ng tinitweet mo. Kesyo di ka makakalma sa kagwapuhan niya.

Magalit kapag may nalink o kasamang babae. Lalo na kapag may nangbabash sa kanila. Tipong gusto mong pasabugin ang mga mukha nila at ipadala sa outer space para lumutang na lang sila dun. 

Magdikit ng mga poster niya sa dingding ng kwarto mo. Tipong wala ka nang madikitan sa sobrang dami ng poster niya sa kwarto mo. Minsan nagagalit pa ang parents mo kasi ambaboy daw tingnan pero para sayo ayus lang naman basta mukha ni bias ang makikita mo bago matulog at sa paggising mo.

Kapag may kaklase kang KPOP lover o parehas kayo ng iniidolo tuwang-tuwa ka na kasi di lang pala ikaw nakakaranas ng mga nararanasan mo. May makukwentuhan ka na.

O kaya naman kapag may nakilala ka sa mga social networking sites na kpop lover din, basta nagkakaintindihan kayo instant friends agad.

Magpuyat ng bongga kakaspazz. 

Gumawa ng blog na para kay bias. 

Sumali sa mga contest na dati naman ay di mo lang pinapansin. Pero ngayon todo-effort ka pa sa pag-gawa ng entry mo para lang manalo. Dahil sa merch o album na prize sa contest na sinasalihan mo. 

Buhay Fangirl (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon