Chapter 2

6 0 0
                                    

                               VRIEN

Nandito kami sa loob ng bahay namin. Kasama ko si Dreik dito sa sala. Pagkauwi namin walang nag-iimikan. Baka galit pa siya. Hanggang ngayon tahimik lang kaming nanonood ng tv. First time in the history mangyari ito. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatuon lang siya sa panonood ng tv. Sigh. Ano ba dapat ang gagawin ko?

"U-Uhm, Dreik, about a while ago, sorry. Sorry kasi naging makulit na naman ako. Promise babaguhin ko na ang ugali ko." Deretsong sabi ko sa kanya. Tumingin muna siya sa akin at bumuntong hininga.

"Well, ako dapat ang magsorry sayo. Nagalit ako. Dapat pinaalam na lang kita kay Tito. Sorry." Nakatitig niyang sabi sa akin.

Ngumiti ako. "Basta promise, babaguhin ko na ang ugali ko."

"Kahit 'wag na." He smiled. "Ma—"

"Vrien hija, halika muna dito. Tulungan mo akong mag-ayos ng lamesa." Tawag sa akin ni Yaya Shirley.

Pambihira! Good timing naman. Tinanguan ko muna si Dreik at tumayo na.

∞∞∞∞∞

Alas-otso na ng gabi. At eto ako lumalamon ng pagkain. Pagkatapos akong tawagin ni Yaya Shirley, hindi ko nakausap si Dreik. Paano ba naman buong hapon akong nasa kusina kasama si Yaya. Badtrip!

"Anak, bakit nakabusangot 'yang mukha mo? May nangyari ba?" Tanong sa akin ni Dad.

"Wala naman po Dad. Si Mom po pala?"

"Ah nandoon sa kwarto nagpapahinga. Bakit?"

"Wala naman po. Sa sembreak Dad okay lang po ba mag-out of town tayo? Punta tayo sa pinaghoneymoon niyo ni Mommy." Sabi ko kay Dad. Last week naman na ngayon ng September kaya okay lang. October 10 ang start ng sembreak namin. Gusto kong makasama sila Mom at Dad ngayong sembreak. Sadyang mahirap ang oras namin dahil pareho silang business man at woman. Laging nasa trabaho kaya ako ang nakakasama ko lang ay si Yaya Shirley o kaya si Dreik.

"Sa Germany ba? Tignan ko muna kung wala ako—I mean kami ng Mama mo na sched o meetings sa sembreak mo." Ngumiti ito.

Napasimangot ako. What if kung meron silang schedule o mga meetings? Edi wala nanaman?

Sigh.

∞∞∞∞∞

"Yaya nakaluto ka na po ba?" Tanong ko kay Yaya pagkababa ko.

"Wala pa hija. Ano bang gusto mo?"

Marunong naman akong magluto. Well, tinuruan naman nila ako simula pagkabata kaya culinary ang kinuha ko. At ang masaya ay parehas kami ni Dreik ng course.

"Ako na lang magluto Yaya, pahinga muna kayo." Sabi ko at ngumiti.

"Sigurado ka ba hija? Baka kailangan mo ng tulong ko?"

"Naku 'Ya okay na po. Ako na lang. Pahinga muna kayo doon sa kwarto niyo."

Umalis naman na siya. Lulutuin ko na lang yung paborito nila Mom at Dad. Sinigang na baboy. Simula nang nagluto ako noon ay nagustuhan nila kaya kapag ako magluluto, 'yan lagi ang linuluto ko.

Tinikman ko ang luto ko. Okay na! Tatawagin ko na sila tutal tapos na ako.

∞∞∞∞∞

"Anong score ko Ma, Pa at Yaya?" Tinignan ko silang tatlo. Nakangiti naman silang tatlo. Baka perfect ulit! Sana.

"Perfect ulit anak. Grabe ang sarap." Sabi ni Mama na ikinatuwa ko.

"Sama as your Mom, honey." Nakangiting sabi ni Dad. Si Yaya na lang. Tinignan ko siya.

"Naku hija! Mukhang talo na ako. Mas masarap yung luto kesa sa akin." Nagtawanan kaming lahat. Sana nandito si Dreik at si Kuya Van.

"Madami pa atang sobra doon anak, dalhan mo kaya sila Dreik para matikman ulit nila ang recipe mo." Nakangiting sabi ni Mom  sa akin.

Kumuha ako ng tupperware doon at nilagyan ko. Syempre puno! Sila Dreik ang bibigyan eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KevinWhere stories live. Discover now