PROLOGUE

70 6 6
                                    


Mikmik's Point of View

"Valentines Day na naman, napaka boring na araw!"I hissed.


" Ay,grabe siya oh! napaka-KJ mo talaga,its love month you know!" ani ni Margaux.


"Ganun talaga.Pag-aaral ang priority ko hindi yang LOVE.Saka...saka wala sa vocabulary ko'yan."medyo inis na wika ko.Hindi ako bitter.Sinasabi ko lang kung ano ang totoo.


"Oopss.You see?May tatlong palaka na naman narumarampa."turo ko gamit ang nguso ko sa tatlong babae na kung kumendeng parang mga bibe.


"Ha?Sino naman?"wika niya ng palingon lingon.


"Ano ka ba.Edi sina Stephanie,Sopfie at Stacy A.K.A.The Sossy flirty girls.Psh!Ang ganda lang hilain yung mga buhok nilang gawa sa bulok na parlor."


"Hmp!Hayaan mo muna yung mga'yun.Siguro change topic ka lang.Uyyyyy...."sabay sundot sa may tagiliran ko.


"Alam mo girl.Once na nahanap mo na si The one,lulunukin mo rin yang sinabi mo.Hintayin mo lang."pinagkrus ko ang mga braso ko at sabay irap sa kanya.


"Tsss.Whatever."Ibinaling ko na lang tingin ko sa mga students na napapadaan sa amin.Maya maya'y bigla akong nakarinig ng kumakanta.Tinakpan ko ang isang tenga ko dahil naiirita ako sa kinakanta nila.


"Love is like the sun...Love is everywhere...Unilimited and free my love."Kayla.


"Tumigil ka nga!Nakakasuka!"sigaw ko.Pagtingin ko sa paligid ay pinagtitinginan na pala ako ng mga schoolmates ko.


"Ah hehe.Sorry."yun na lang ang tanging nasabi ko.Kainis kasi.


"Sorry na Mikmik.Di ka na naming kukulitin...."sabay sundot muli sa may tagilian ko.


"Ano ba."kalmadong kong sabi.


"Uyyyy.Ngingiti na yan.Uy,uy,uy,Achuchuchu."Hindi ko na pigilan at pati ako ay napapangiti na rin.Hindi ko naman sila kayang tanggihan dahil mga kaibigan ko sila.


"Sakto mga guys.Tara magrecess."sasang-ayon palang sana ako ng bigla nila akong hatakin.Pagkarating naming sa may cafeteria agad ng umorder si Margaux ng drinks.Kami naman ni Kayla ay umorder ng strawberry cake at dalawang chocolate din na cake.


Sabi kasi nila libre daw nila.


Hawak ko ang isang tray at ganoon din si Margaux.Nagtungo kami sa may pinakadulong lamesa dahil yun na lang ang tanging bakante.Inilapag na namin isa-isa ang pagkaing binili ng mga kaibigan ko.


Isusubo ko palang sana ang cake na nasa tinidor ko ng may biglang sumigaw.


"Kyah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"


Napalingon kaming lahat sa may pintuan ng cafeteria.


So anong meron?Tao lang naman.


"Humayghad Margaux nakikita mo ba yung nakikita ko?"Si Kayla.Napalingon ako sa kanya na may kunot ang noo ko.


Ano bang meron.Di ako aware eh.


"O to the M to the G!"Sigaw ni Margaux.Muli kong nilingon ang Main door ng cafeteria.


"Ano ba kaseng meron?Kumain na nga tayo.Malelate tayo sa klase."sabi ko sabay inom sa drinks ko na pineapple juice.


"Gosh!Mikmik.Ano pa nga ba?Edi may wafu."


"Ha?Saan?"tanong ko.


Narinig kong bumuntong hininga silang dalawa.Patuloy pa rin sa pagsigaw yung mga babaeng nandito sa loob.Doon na lang sana ako nagstay sa classroom para magreview.Tsk.


"Sila ba yung tinutukoy niyo?"sabay pa silang napatango.Napatingin ako kay Margaux at muntik niya pang nahulog yung strawberry toppings sa may bibig niya.Napa iling-iling na lang ako.


"Mukhang...."napaatras pa ako ng upuan dahil sa paglapit nila sa akin.


"Mukhang ano Mikmik.Wafu ano?diba..diba?"


"Hindi.Mukha silang tae ng kalabaw.Tapos ang mga langaw yung mga babae."

-Please bear with the typo errors and spellings.Thank you and Just keep supporting.

FATE WILL TAKE IT ALL AROUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon