Ang Mapait na Buhay

47 3 0
                                    

Ako si Jade, Grade three palang ako, palagi ko nang kaklase si Justin pati sa high school hanggang ngayong collage.

Magkaibigan kasi mga magulang namin kaya kung nasaan ako, nanduun siya.

Isang araw...

"Bakit sumali ka ng fraternity?"- Jade

"Wala lang , gusto ko lang."- Justin

"Alam mo bang delikado yan?"- Jade

"Alam ko tong pinapasok ko."- Justin

Matapos ang araw na yun, hindi ko na siya nakikita sa school, hindi na rin siya nagtetext. Kumusta na kaya siya? Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero hindi ko siya naabutan, namimiss ko na yung bestfriend ko. Namimiss ko na si Justin.

Ang lalaking lihim kong mahal...

Lumipas na ang mga araw, madalang siyang pumasok. Minsan kausap ko siya pero parang iniiwasan niya ako.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo, Justin?"- Jade

"Wala"- Justin

"Meron kang hindi sinasabi sa akin"- Jade

"Wala akong dapat sabihin"- Justin

"Anong wala? Bakit palagi kang absent? Bakit palagi kang umiiwas? Bakit hindi ka nag-reply sa text ko?"- Jade

Bigla siyang umalis sa akin. Hinabol ko siya.

"Justin, ano ba talaga ang nangyari sa'yo?"- Jade

Humarap siya sa akin at nagsalita:

"Bakit mo ba ako pinakikialaman? Ano ba kita?"- Justin

Natahimik ako sa sinabi niya, ano ba niya ako? Isa lamang akong hamak na bestfriend. Hanggang dun nalang yun.

Makalipas ang dalawang linggo...

May natanggap akong balita, nasa ospital daw si Justin. Lubha ang lagay.

Agad akong sumugod sa ospital pero pagdating ko, wala na siya.

Namatay si Justin sa hazing...
Halos namatay narin ang puso ko, parang ayaw ko na ring mabuhay..... T_T
Iba tong nararamdaman ko eh.. T_T

MAHAL ko siya pero huli na....
MAHAL ko siya pero huli na....

Niyakap ako ng mama niya at inabot sakin ang cellphone ni Justin.

"Jade, iha. Basahim mo"....

--"Pare, huwag niyong galawin ang bestfriend ko, ginawa ko naman ang sinabi nyo di ba? Nilayuan ko na siya basta wag nyong galawin si Jade.. MAHAL KO YUN EH!"

THE END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mapait na BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon