Chapter 1

14 1 0
                                    

Vusdan's POV

'I love you' .?!! Yuck! Anong salita ba yung lumabas sa mabahong bibig ng babaeng yun? Ang panget naman nya... pati suot pang mahirap. Sinong nagpapasok dun dito  sa kaharian ko?

"Pre... Ang panget mo ah?"

"G*go ka! Mas panget ka mukha kang uranggutan!" Ang aga-aga nambwi-bwisit tong hayop na to.

"Hahaha!!! Maka kunot ka kasi ng noo mo dyan kala mo nag iisip ka!"

"Malamang me isip ako eh bobo!" 

"Wow pre! May isip ka na pala nyayon, bakit naman hindi mo agad binalita sa akin? Ano? Kelan ka pa nagkaroon ng isip?"

"Siraulo!!!" Baliw talaga kahit kailan yung baliw na yun,mukhang baliw at saka---nasabi ko na bang baliw sya?

Kaibigan ko yon. Nag-iisang kaibigan ko, wala kasing nakakatagal sa ugali ko. Ewan ko ba sa kanila eh ang bait-bait ko diba? Kung may iba man akong kaibigan, plastik sila dahil nakikipag kaibigan lang sila dahil sa ako ang hari ng school na to at isa pa takot sila sakin. Si Charles lang ang tunay at walang pakundangang may lakas ng loob na murahin ako.

Hindi naman ako ang may-ari ng school pero principal ang mommy ko dito. Kaya napapatalsik ko lahat ng ayaw ko kahit pa ubod sya ng yaman.

Yung babae kanina sa may gate na nagsabi ng mabahong salitang yun ay binangga ako. At hindi man lang nag-sorry! Bago lang yata yun dito kaya hindi ako kilala. Pwes! Ipapakilala ko sa kanya kung sino ako...

"Huy galit ka pa rin ba dun sa babae?"

"Tsk! Malamang, sinong hindi magagalit don eh binangga ako tapos parang wala lang sa kanya!!!"

"Eh bakit ka ba sigaw ng sigaw?!! Nadaplisan ka lang pre hindi ka binangga. Ang O.A mo! Bat ba ganyan ka ngayon ha?"

"Anong ganyan ha?! Eh sa nakakainis ung babaeng yun eh!" Bwisit... Natural magagalit ako kasi hindi ako pinansin nung babae tapos yung tumawag sa kanya sinabihan pa nya ng I love you!  

Ang totoo kasi nyan, nakita ko sya  kahapon sa may gate kaya inabangan ko sya ngayon doon tapos bubungguin ko dapat sya kaso umiwas sya! Yan tuloy daplis lang yung nangyari. Sinong hindi maiinis don diba?! Diba?!

Pagtingin ko don sa babae, wala na sya don sa pwesto nya! Tinakasan pa ko ng p*ta. Kaya dumiretso na lang ako sa klase ko at dire diretsong umupo.

"Wow pre! Kaklase natin yung nerd na babae, ayos!" Anong nakakatuwa don eh dati nanaman kaming may kaklaseng nerd kaya hindi na bago yun. Hindi ko na pinansin yung iba pa nyang sinasabi dahil natulog na ko.

*Lunch break*

~bell rings~

"Pare gising na. Nakatlong subject nat lahat tulog ka parin. Straight three hrs kang tulog?!"

"Obvious ba? Tara na nga" Pag baba namin sa canteen ay nilapitan kaagad ako ng nagtitinda na panay ang pa-cute sa'kin.

"Hi sir! Ang gwapo nyo po ngayon!"
(; --- sya yan

"Ngayon lang?!" Kunwaring galit ako

"Ah e... Ang ibig sabihin ko po, mas gwapo po kayo ngayon"

"Good.. Umalis ka na at bigyan mo ko ng pinakamasarap na pagkain" sabi ko na lang para umalis na sya.

Hindi naman maganda! Masyadong feelingera... p*ta.

Buti pa tong palapit sa'kin ang sexy!
~whurt woo~  -wistle po yan-

Umupo sya sa tabi ko pero sinamaan ko sya ng tingin at parang naintindihan nya naman na ayoko sa public maglandian. Habang patuloy lang sa pagkain si Charles sa harap ko. Sanay na kasi sya, araw-araw ba naman eh? Ilang taon na din tong nangyayari. Kaya manhid na si Charles.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon