Prolouge

0 0 0
                                    

Umuulan.. Madilim ang paligid at tanging ilaw lang na nagmumula sa may kalapit na bahay ang siyang nagsilbing ilaw sapat para makita ko kung gaano ang sakit na iniinda ng papa ko.

"Baby, just do it. I-im here.. d-do i--, oh my god.." paulit-ulit na pagmamakaawa ni papa sa'kin habang nakatutok ang hawak kong baril sa kanya.

"No, papa! We need you.. patuloy lang akong umiiyak at nagdadasal na sana'y panaginip lamang ang lahat. "Please.. let my papa g-go.." at napahagulgol na lamang ako dahil hindi ko na malaman ang gagawin ko nung mga oras na yun. Pakiramdam ko'y pinag kaisahan kami ng tadhana at humantong pa kami sa ganito. Kami ng pamilya ko.

"Hahaha!" Halakhak nung lalaking may hawak sa'kin o sabihin na'ting may hawak sa kamay ko na may baril at siyang nakatutok kay papa. "Now you choose now or i will shoot this kid of yours! Now!" Asik pa nito na lalong pinadilat ang mga matang tila nangangati nang makakitil ng buhay.

"ANO!? Asan ang tapang mo Rodrigo? Ngayong anak mo na ang papatay sa'yo anong pakiramdam? Hahahaha!" Natatakot ako sa mga pagkakataong hahalakhak siya pero di ko yun ininda. Mas tinuonan ko ng pansin kung paano kami makakatakas dalawa ni papa.

"P-please! Let my child go! She's still young to see t--" papa ko.

"Ano??! Wag kang mag-alala dahil pagkatapos ko sayo ay isusunod ko rin naman siya. Kaya wala ng problema. Hahahah" aning lalaking nakahawak sa'kin. Kahit umuulan ay pinilit ko pa ring tignan ang kabuuan ng pagmumukha niya.





*Baaannggg!


Napabalik lang ako sa wisyo ko ng marinig kong pumutok ang baril na hinahawakan ko.  At tumama sa binti ni papa. Hindi ko alam kung paano, basta para na lamang akong nabingi panandalian.

"P-papa! Papa! Papa! Please.. wag mo kaming iwan, wag mo akong iwan papa"

Hindi ko na alam ang gagawin. Sa pagkakataong ito ay mas itinaas pa ng lalaki ang aking kamay at nakatutok na sa ulo ni papa ang baril. Nanginginig na ako sa takot. Takot hindi sa mga lalaking nandito kundi takot na baka mawala na si papa sa akin at ako mismo ang may gawa ng lahat. Hindiiii! Tulonggg! Pleeaasseee..

"Papa!"

"Look at me MJ.. l-look at me.. you know i love you, both your mother r-right?.. naguguluhan na ako sa pinagsasabi ni papa. Hindi ko alam kung ano ang isasagot at tanging tango lamang ang naitugon ko. "M-mj.. p-promise me you will take care of yourself and mama alright?.. b-be good baby, don't get yourself too much strees.. i'll be on your side, watching you always.. i-i love y-you my dear mj.."

Hindi ko alam pero sa paraan ng pagkakasabi ni papa ay tila pamamaalam na iyon. Mas lalong lumakas ang iyak ko at hindi ko na masyadong makita ang mukha ni papa dahil sa luha na patuloy na umaagos sa aking mga mata sabayan pa ng malakas na ulan.



*baaaaannng!




A-anong nangyari? P-papa? "PAPA!!!!"



" Hahahaha"

P-papa...


*paakk!

"Hoy! Mj! Mj!"


"Papa!"

"Anong papa? Ganon na ba talaga ako katanda ha mj?"

"H-ha? A-anong--, nasaan si mama?" Sabay tayo ko sa kama. Pero hinila ako ni jason pabalik sa kama.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako. Waaah!"

"Anyari sayo oy? Umupo ka nga! Tsaka nasa kitchen si tita naghahanda ng tanghalian." Sabi niya sabay hila sa akin paupo sa kama. Nang makalma ko na sarili ko ay tatanongin ko na sana siya kung bakit nandito ito samantalang ang aga-aga pa naman. Pero nakuha niya siguro ang gusto kong tanongin sa kanya kaya sumagot na siya sa'kin ng...

"Hindi ka raw bumaba kahapon para kumain kaya tinawagan ako para lamang patignan ka. Oh ano? May tanong ka pa ba?" sarkastikong tanong niya.


*poook!

"Aray! Ba't ka ba namamalo ha?" Sabay himas ng ulo niya.

"Yan napapala mo. Pilosopo ka kasi! Dyan ka na nga! Maliligo na muna ako. Tsee!" Tumayo na ako at tinungo ang pinto sa banyo nang biglang magsalita ulit si jason.

"Ahm, mj.. y-yung k-kanina.. b-bumabalik na--,"

"Kalimutan mo na yun. Wala na sa'kin yun." Sabay ngiting peke sa kanya.

"A-ahh.. o-okay.. well, labas muna ako. Hintayin kita sa baba. Bilisan mo, nang makakain na tayo ng sabay."

"Okay." Tipid na sagoT ko. Sinundan ko lang ng tingin si jason papunta sa pinto at hinintay na makalabas. Nang makalabas na siya ay doon ko lamang nailabas ang kanina pang pinipigilang luha at paninikip ng dibdib. Napanaginipan ko na naman yun. Kahit anong pag-iwas ko o pagtago ko ng nararamdaman ay pilit parin itong gustong lumabas. Sandali lamang akong naiyak at tumuloy na sa pagligo.

Jason's POV


Umiiyak na naman siya. Alam kong kanina pa siya nag pipigil kaya nagdesisyon akong lumabas na pero hindi ko naman siya iniwan agad. Nanatili lang ako sa harap ng pinto ng kwarto niya at maya maya lang ay naririnig ko na siyang umiiyak sa loob.

Hindi ko alam kung paano ko pa aalisin ang sama ng loob niya dahil sa pagkamatay ni tito. Hindi naman niya yun kasalanan dahil yung lalaking nakahawak sa kamay niya ang siyang nagputok nung baril. Na kahit hawak man niya ay hindi pa rin siya ang kumalabit ng gatilyo. Akala nga daw ni tita mawawala din siya dahil siya ang sunod na tinutukan ng baril ng hayop na lalaking nakahawak sa kanya bago mawalan ng buhay ang kanyang ama. Mabuti na lang at may dumating na taga baranggay at bigla na lamang daw nagtatatakbo ang mga ito paalis.

"Haaay!-_- kung alam ko lang kung paano mawawala yang sakit na nararamdaman mo mj, ginawa ko na matagal na. Patawad." Nang wala na akong marinig na iyak at napalitan ng tunog ng tubig mula sa banyo ay umalis na ako at tumungo na sa kusina.

"All i wanna do is find a way back into love..."

Ano ba yan! Si tita nag sising-along na naman. Hahahah! Ang cute. Sabay kembot ka unti ng pwet at ginawa pang mikropono ang pang sandok ng kanin. Ang cute! *__*

Nagpatuloy lamang ako sa pakikinig at pag eenjoy sa bawat birit na ginagawa ni tita ng bumaba na si Mj na katulad ko rin ay napatawa na lang nang masaksihan ang kakyutang ginagawa ng ina.

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon