UT 1

2 0 0
                                    

MJ's POV

"Mama.. ba't di nyo try mag audition sa isang contest at ng magkaalaman na."

"Anakkk! Goodmorning!" Anebeyen! Si mama nagtatakbo palapit sa'kin habang nakabuka ng maluwag ang dalawang kamay para salubungin ako ng yakap. Taray 'no? "Mwahhh! Ano? Kamusta tulog ng baby ko? Ha?"

Nagkalas na muna ng yakap si mama bago ako sumagot sa kanya.

"Okay lang po. Maayos naman naninibago lang ng konti." Sabi ko. Hindi ko na lang muna sasabihin kay mama ang napanaginipan ko. Sigurado akong magkukulong na naman iti ng kwarto at ayaw ko nang mangyari ulit yun.

"Ano po bang almusal? Gutom na kasi ako eh." sabay himas pa ng aking tyan. Agad namang tumango si mama at hinila ako papuntang mesa at pinaupo habang si jason ay nakabuntot lang.

Nang sa wakas ay natapos rin si mama sa niluluto niyang hotdog, scramble egg at kanin ay inihain na niya agad sa mesa at nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumakain ng basagin ito ni jason..

"So.. tita, may gagawin po ba kayo this coming saturday? Plano ko po kasi kayong imbitahin sa birthday ng kapatid ko. May konting salo-salo lamang ho."

O____O

Kapatid? May kapatid siya? Ba't di ko alam?

"Saan ba 'yan gaganapin iho? Tsaka hindi ba nakakahiya naman kung pupunta kami kung kapatid mo pala ang may birthday? Paniguradong magtataka 'yoon." Katwiran ni mama.

Ang alam ko kasi nag-iisang anak lamang itong si jason eh. Pero hindi ko alam na may nakababatang kapatid pa pala ito.

"Hindi po yun. Nakapagpaalam na naman po ako na may dadalhin akong mga kaibigan doon eh. Tsaka kahit naman po hindi na ako magpaalam eh, hindi naman yun magagalit. Ano po?"

Teka nga! Sasagot na sana si mama nang sumali ako.

"Akala ko ba ikaw lang mag-isa jason? May kapatid ka pala? Ba't di mo sinabi?" Nagtataka talaga ako eh. Unang kita pa lang kasi namin ni jason ay noong tatlong araw matapos mangyari ang gabing yun. At ayaw ko nang balikan pa yun.

Pero,'di nga. Nagkita kami ni jason noong nandoon ako sa sementeryo at umiiyak pa rin sa puntod ni papa. Habang nanghihina na ako sa kakaiyak ay bigla siyang dumating. Hindi ko naman pinansin dahil akala ko ay dadaan lamang.

Pero hindi pa man ako nakahiga sa damuhan ay may humawak na agad sa ulo ko at tiningala ito. Sabayan pa ng pag-upo sa tabi ko ay saka lang niya hinayaan ang ulo kong nakapatong na sa kanyang magkakrus na paa.

Maluha-luha pa rin akong tiningala kung sino ang tumabi sakin ngunit hindi ko inaasahan ang pagdampi ng palad niya sa pisngi ko at tuluyang pahirin ang mga luhang umaagos doon. Mas lalo ko lang naramdamang talagang wala na si papa...

"Ah, nga pala. Half brother ko yun. Kailan ko lang din nalaman na may kapatid pa pala ako. Anak ng daddy sa naunang minahal niya. Akala ni papa natagpuan na raw niya ang babaeng mamahalin niya at mamahalin siya. Pero sa kasamaang palad may mahal pala itong iba at tanging yaman lang ang habol ng babae. Kaya ayon nabuntis." Mahabang paliwanag niya na ikinagulat ko talaga. Imagine? May ganon pala talagang klaseng mga babae? Naku. Naku. Di yan pupwede sa'kin.tsk!

d>>____<<b

"Ehh, anong reaksyon mo nung nalaman mo?"

"Nagulat syempre. Ngunit imbes magalit kay daddy ay awa mismo ang naramdaman ko."

"Awa? Bakit awa?"

"Eh, minahal niya kasi ang babaeng yun. Basta! Mahabang storya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon