Prologue

44 4 0
                                    

Prologue

"Aalis ka?" I couldn't hide the agony in my voice.

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Anong ginagawa mo dito, Jillian?" Tanong niya at halata sa mukha niya ang pagka-gulat na makita ako dito sa airport.

"Kasama ko si Carly kanina nung tumawag si Sai sa kanya at sinabing ngayon ang flight mo papuntang Australia. Aalis ka ba talaga, Calvin?" Nararamdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko pero pinigilan ko pa ding umiyak.

"Oo." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Bakit?" I whispered.

"Kailangan ako ni Lola. Ngayong wala na sina Mama at Papa, ako na lang ang natitira niyang pamilya at kailangan ko siyang alagaan."

I nodded and took a deep breath. "Okay. Kailan ka babalik?"

Umiwas siya ng tingin sa akin at hindi sumagot. Nakaramdam ako ng takot.

"Calvin, kalian ka babalik?" Tanong ko ulit sa kanya. Hindi ko gusto yung pananahimik niya.

"Calvin..." Bakit ba ayaw niyang magsalita? Napaka-simple lang naman nung tinatanong ko sa kanya ah.

"Hindi ko alam." Sabi niya.

I bit my lower lip to stop it from trembling. "Pero babalik ka pa di ba?"

Tumingin ulit siya sa akin at tinititgan ako sa mga mata. Hindi na naman siya nagsasalita.

Out of nowhere, may lumapit na isang middle-aged woman na naka-business suit sa kanya. "It's time to leave, Sir."

I looked at Calvin frantically. Hindi pa siya pwedeng umalis. Marami pa akong mga tanong sa kanya.

He nodded. "Susunod na ako, Margaret." Sabi niya dun sa babae at umalis na ito.

Tumakbo ako papalapit kay Calvin at niyakap ko siya. I'm already crying. Hinawakan ko yung lapel ng suot niyang leather jacket at tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Babalik ka di ba?" I need his assurance. I need his promise that he'll come back. I need something to hold on to while he's away.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at lumayo sa akin. "I have to go now, Jillian." He said. His face is impassive. Walang bakas ng kahit na anong emosyon sa mukha niya. Saka siya tumalikod at nag-umpisa na namang maglakad papalayo sa akin.

"Bumalik ka, Calvin... Please, come back." I begged. Pero hindi siya tumigil hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Matagal akong nag-stay sa kinatatayuan ko, waiting for him to come back. I know it's stupid, but I'm still hoping.

Tapos nag-vibrate ang cell phone ko.

1 text message

Fr: AaaCalvin <3

I'll come back. I promise.

I smiled and wiped my tears. "Thank you, Calvin. Hihintayin kita."

Jill and Calvin (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon