Blood High: School for Vampires

438 13 4
                                    

P R O L O G U E

"Tyang! Alis na po ako!" Sigaw ko kay Tyang Rosie pagkababa ko galing sa kwarto ko.

"O sige, Mavis. Mag-iingat ka." Sabi niya. "Ayy. Nga pala, heto oh. Baon mo." Dagdag pa nya at saka ako inabutan ng tinapay.

"Salamat po, Tyang" sabi ko pagkaabot ko mg binigay niya.

"O sige na. Baka mahuli ka pa sa klase nyo." Tumango na lang ako at lumabas na ng bahay. Ang bait talaga ni Tyang Rosie. Pero ang anak nyang si Carmela, nakuu!! Kabaliktaran ng ugali ni Tyang Rosie. Di ko nga alam kung kanino yun nagmana, eh.

Makalipas ang 20 minutos na paglalakad ko, nakarating na ako sa school ko. Ang St. Peter High School. Pagkarating ko sa room namin, umupo agad ako at umubob. Ganto naman lagi, eh. Walang pumapansin sakin. Pero sanay na din naman ako.

"Good morning class" napa-angat ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Ms. Cruz. Adviser namin.


"Good morning Mam" bati din namin sa kanya at umupo na kami.


"Okay. So our lesson for today is blah blah blah~" Hayy! Nakakaantok naman! Mga 2 hours pa lang ang tulog ko. Matulog ba naman daw ng alas-kwatro ng madaling araw at gumising ng alas-sais ng umaga, sino ang di mapupuyat dun? Pero ganon naman talaga ako matulog e, umaga na. Ewan ko ba. May lahi ata akong bampira, eh. Hahaha.


"Mavis, sumunod ka sa Principal's Office" napabalik ako sa reyalidad ko ng magsalita si Ms. Cruz. Ako? Bakit? Dahil ba hindi ako nakinig sa kanya kanina, kaya dadalin nya ko sa Principal's Office?! Huhuhu.


"P-po? B-bakit po?" Nauutal na tanong ko. Napatingin ako sa buong kwarto at lahat sila nakatingin na sakin!

"Basta. Sumunod ka na lang sakin." Sabi ni Ms. Cruz. Af tama ba ang nakita ko? Naging pula ang mata ni Ms. Cruz? Oh baka guni-guni ko lang yun? Tama! Baka may sore eyes lang si Mam. Pero, uso pa ba ang sore eyes ngayon? At bago pa ko maloka kakaisip, sumunod na ko kay Ms. Cruz papuntang Principal's Office.

~

"Good morning Sir" bati ni Ms. Cruz kay Mr. Principal.

"Good morning po Mr. Principal" bati ko din.

"Have a seat, Ms. Cruz and Ms. Delgado" sabi ni Mr. Principal, kaya naupo na kami sa dalawang upuan sa harap ng table nya

Grabe! May aircon naman dito, pero bakit pinagpapawisan ako?


"Ms. Delgado, are you okay?" Tanong sakin ni Mr. Principal.

"A-ahmm... o-opo." Nauutal na sagot ko. Kinakabahan ako! Di ko kasi alam kung bakit ako pinapunta dito! Baka parusahan ako, at paglinisin ng buong campus!


"Ms. Cruz, nasabi mo na ba sa kanya?" Tanong ni Mr. Principal kay Ms. Cruz. Nasabi? Sa akin? Ano naman ang sasabihin ni Ms. Cruz sa akin?


"Hindi pa po, Sir" sagot naman ni Ms. Cruz. Spell OP? Ako yun! -___-

"Ahmm... ano po yung sasabihin sakin?" Di ko na napigilang magtanong. Kasi naman eh! Hirap kayang manghula!

"Hahaha. Ms. Cruz, sabihin mo na." Hala. Baliw na ata to si Ms. Principal. Bigla na lang tatawa.

"Okay po." Sagot ni Ms. Cruz tsaka humarap sakin. "Mavis, hindi ka na dito mag-aafal. Ililipat ka na namin sa ibang school." Maikling paliwanag ni Ms. Cruz. Bakit? Bakit ako lilipat?

"P-po? B-bakit po ako lilipat? Dahil hindi po ako nakinig kanina sayo? Mam, sorry po. So---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko, nagsalita na si Mr. Principal.

"Whoa whoa! Chill lang Ms. Delgado. Hindi sa ganoon. Ililipat ka namin, dahil ikaw ang maswerte at kauna-unahang napili para mag-aral sa Bloog High nang walang kahirap-hirap." Bloog High? Ano yun? Binaliktad na 'High Blood' para maging 'Blood High'? At anong klaseng school yun? O school ba talaga yun?

"Blood High? Ano po yun?" Tanong ko.

"Basta. Malalaman mo rin---" pinutol ko ang sasabihin ni Mr. Principal. "Sa tamang panahon?" Tanong ko.

"Hahahaha. No. Malalaman mo rin pagkalipas ng tatlong araw. Aayusin muna namin ang mga kailangang ayusin. At pagkatapos ng tatlong araw, ipapadala ka na namin sa Blood High." Sabi ni Mr. Principal. "And nga pala, wag mong ipapaalam ito sa iba." Dagdag pa nya.

"Okay po." Ang tanging nasagot ko lang.

"Okay you may go home now." Sabi pa nya.


Lutang akong umuwi sa bahay, tinanong pa ni Tyang kung okay lang ba ako pero tumango lang ako. Hindi pa rin ako
makapaniwala. Bakit ako? May ano ba ang Blood High na yun?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blood High: School for VampiresWhere stories live. Discover now