Murahan Tayo (One-Shot)

4.2K 126 98
                                    

Note before reading: Bawal basahin ng mga batang hindi open-minded. Bakit? Dahil murahan ito. Gusto mong murahin kita diyan?! Pero kung okay lang na puro mura, okay basahin niyo na nang magago buhay niyo.

--

Warning: Ang lovestory na ito ay puno ng murahan. Walang kapupulutang aral at walang matututunan. Romantic niyo mga pagmumukha niyo gago! Romance na walang karomace romance. Sino ba kasing putanginang nagsabing romance to? Hampasin ko kaya kayo back and forth?!

--

Putangina. Tangina. Gago. Punyeta. Hayup. Animal. Unggoy. Estupido. Inutil. Mangmang. Indio.

Lahat na siguro ng mura naibigkas na namin. Ganyan kami katarantado. Sorry sa mga murang nabasa mo sa introduction pa lang.

Nagpapaganda ako ngayon dahil pupuntahan ko na naman siya. Gusto kong kapag nakita niya ako, literal na magjawdrop siya at maglaway sa ganda ko dahil gago yung manhid na putanginang yun.

Nilakad ko ang kabilang kanto para sunduin at gisingin siya. Ganun lagi ang routine ko. Nakasanayan ko na e. Kahit nakakapagod at nakakasawa na kaya lang mahal ko e.

"Hoy unggoy! Bumangon ka na diyan!" malakas na sigaw ko sabay na katok sa pinto ng bahay nila.

Bumukas ang pinto at ang mapupungay  na mata ni Kiefer ang sumalubong sa akin. Alam ko na kasi ang oras ng alis nila tita at tito kaya sure ako na si Kiefer lang ang nandiyan kaya okay lang na magmura ako ng magmura. Kapag nandiyan sila tita, kala mo anghel ako sa sobrang bait e.

"Umangang-umaga nagwawala ka na namang hayup ka. Bumalik ka na nga sa manila zoo! Bagay ka dun mukha kang orangutang nagwawala." pabalik na sigaw ni Kiefer sa akin.

Putangina. Gusto kong magalit sa mga sinsabi mo pero hindi ko magawa dahil ang sexy ng boses mo kapag bagong gising. Hoarse voice or horse voice? Wala akong pake kung ano mang tawag diyan. Basta sexy ng boses ng animal!

Kung hindi ko lang talaga siya mahal matagal ko nang pinalapa yan sa crocodille at ginawang bulalo yang mga buto-buto niya. Nababadtrip din naman ako minsan sa mga pinagsasabi niya no. Tao lang ako nagagalit din!

"Gago! Ano bang pake mong animal ka? Sisigaw ako kung gusto at wala kang magagawa." Kumunot ang kanyang kilay sinyales nang pagkainis niya.

"Ano bang kailangan mo at nagpupunta ka lagi dito? Lakas talaga ng trip mong gago ka." iritang sagot ni Kiefer

Amputa mo Kiefer. Anong kailangan ko? Ikaw kailangan ko. Gago! Animal ka! Kasalanan mo bat naghuhuramentado tong tangina kong puso. Ilang taon na tayong bestfriend hanggang ganun na lang ba talaga? Tangina. Lagi naman kitang ginigising bat hindi magising yang putanginang feelings mo! Ako lang ba talaga nakakadama na mahal kita? Kailan mo ba ako mamahalin na higit sa bestfriend?

"Ulul. Masama bang gisingin ko feel---- este ikaw? Gago nagmamalasakit lang ako." Pakshet.. Muntik ko nang masabing 'feelings'. Tinde ng bibig mo Akeshia.

"Loko. Lakas mong magmura. Kababaeng tao mo mura ka ng mura. Ayusin mo nga sarili mo!" galit na saad ni Kiefer. Ulupong talaga tong gagong to. Kasalanan mo kaya to. Hayup ka.

"At sino bang gago ang pasimuno Kiefer? Pucha. Ikaw may kasalanan nito e. Bad influence kang hayup ka. Ayusin ko sarili ko? Bat hindi yang feelings mo ayusin mo! Maganda naman ako." ayan na gago. Nadulas na ako! Pero dahil tanga ka hindi mo naman mapapansin yan. Mahal kita gago kang ulupong ka!!

"Sinisisi mo pa talaga ako? Tanga ka para gayahin ako... Ikaw maganda? Kahit sa panaginip mo hindi kagaganda." Nakakainis ka! Kung laitin mo ako sagaran. Gago ka talaga. Mahal kita pero leche ka!  Maganda naman ako ah.

Murahan Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon