Chapter 4 x Pretty as fck

15 1 0
                                    

Read my note at the end of this, please? :)

-

Cassey's point of view

I wished that he's not the man in that cementery. Fuck, kahihiyan yun pag nagkataon. Pero parang hindi s'ya ang lalaking iyon dahil prenteng umupo na sya sa kanyang upuan. I felt chills. Pero may parte ng utak ko na nagsasabi na siya iyon. Paano nga kung siya talaga? Malamang sa malamang ay winakasan ko na ang buhay ko at nagtago sa kalangitan dahil sa kahihiyan. Ang pangit ko nu'n, jusko po. Pero hayaan mo na nga, muka namang wala siyang pake sa mundo eh. Pero nakakabanas lang yung ngisi niya. Parang manyak siya na kung ano na parang ang sarap itapon sa dalamapasigan. Pero itinigil ko muna ang pag-iisip at nagfocus kay Sir Andrew. Malay niyo, ako na yung pinag-uusapan eh. Pero syempre, biro lang. Assuming ko noh? Ewan ko pero ganun bigla kasi yung pumasok sa isip ko eh.

"So class, as I was saying, may klase kayo simula 8 ng umaga hanggang 12. Alas dose naman ng tanghali para mananghalian. Isa't kalahating oras ang bakante niyo sa tanghali kaya pwede niyong gawin ang kung ano ang gusto niyo. Pero may klase kayo ng 1:30 hanggang 4 ng hapon..." Hindi ko na pinakinggan ang susunod dahil ano pang saysay ng ibibigay na schedule samin kung ididiscuss niya pa diba?

Okay, siguro naman nakakunot yang mga noo niyo dahil pinakilala kayo ni Author ng mabait eh maldita ang utak ko? Una sa lahat, hindi ako plastik. Magkatigyawat sana sa ngipin ang mag-isip nun. Pangalawa, mabait naman talaga ako pero palaging umiiral ang kamalditahan kaya ako ganyan. Sige lang, laitin niyo lang ako. Libre lait pero magtago na kayo kung gusto niyo pang maabutan ang mga kinabukasan niyo! Leche. Pero syempre, joke lang ulit. Pero jokes ay half meant kaya alam na dis!

"I will check your attendance para malaman kung may namiss ba akong estudyante." Pagkatapos niyang sabihin iyon, nagtawag na siya ng mga pangngalan at palaging present ang natatanggap niya. Alangan naman dibang pag sinabi pangngalan mo, rip sasabihin mo? Aba. Okay yan. Ipagpatuloy yan. Pak pak ganern! Para sa ekonimiya!

"Ram Lopez." pagtawag niya dito sa katabi ko at nagtaas lang ng kamay si Ram. Hindi naman siya tahimik sa lagay na yan?

"Cassandra Santiago." nagpresent nalang ako kahit naguguluhan ako. Bakit magkasunod kami?

"Archie, bakit magkasunod kami ni Ram?" mahinang tanong ko kay Archie. Isa sa Rames, "Random, I think?" tinanguan ko nalang siya para sa sagot. Ang alam ko kasi alphabetically eh. Pero hayaan na nga, malay niyo, trip niya lang yan, e.

Nababagot na ako dito. Tss. Ang daldal kasi eh. Ano kayang trip niya? Parang babae sa kakadakdak. -_-

"Okay, so parang nabobore na kayo. Anong gusto niyo, dadakdak ako dito o may gagawin kayo?" nakangiting tanong niya. Parang hindi maganda yung ipapagawa samin pero bored na talaga daw yung mga kaklase ko at napagpasyahan na may gagawin nalang kami.

"Get 2 pieces of yellow pad. Write Ralen high sa isang papel, magkabilaan. Sa isa naman, buong pangngalan niyo, yung buo ah. At magkabilaan din. Kailangan cursive form. Pass that to me within 43 minutes," Shit. Sabi na nga ba e, papahirapan kami nito. Andaming nagreklamo at sinabing magdiscuss napang pero wala na daw bawian. Fvck. Sasakit kamay ko nito, e. "And your timer starts.... Now." Seryosong dagdag niya. Nagmadali ako sa pagkuha dahil dito raw babase ang unang quiz sa Science.

Pagkakuha ko, kumuha ako ng ballpen at napalingon sa aming room. Halos lahat nagkakaundagaga para matapos agad samantalang si Sir, ngiting tagumpay na nakaupo. Peste rin, e. Nagsulat nalang ako at natuwa dahil maganda pa rin ang sulat ko. Para akong tanga na tumatawa dito. Napapatingin nga sila sakin pero mag-iiwas din ng tingin kasi wala naman silang napala sakin eh. Wala naman talaga kasi natawa lang ako dito. Pinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat.

Ralen High Ralen High
Ralen High Ralen High
Ralen High Ralen High

Paulit-ulit na ganyan ang sinusulat ko dahil 'yan ang sabi. 'Di ako sanay magcursive. Kasi dati kailangan naka-Arial font kami pero maganda pa rin naman sulat ko. Keri pa naman. At malapit na akong matapos.. 10 minutes lang at tapos na ako magsulat. Kabilaan na 'yun ah.

Kinuha ko na ang isa pang papel at nagsulat. Pangngalan ko naman ang sinulat ko.

Cassandra Ramirez-Lopez
Cassandra Ramirez-Lopez
Cassandra Ramirez-Lopez

And the cycle goes on. Paulit-ulit ko lang 'yan sinusulat hanggang matapos ako. At hindi naman ako masyadong natagalan dahil 15 minutes lang ay natapos ko na agad.

Nag-antay muna ako ng isang minuto dahil napagod ang kamay ko. Pagkatapos magpahinga, tumayo na ako at dumiretso sa table ni Sir. Nagulat pa nga siya nung nakita ako, e. Akala niya kasi walang makakatapos. Kaya ayan, bigo ka, Sir Andrew! Pero kahit nagulat siya, nagawa niya pa ding icheck yung papers at nilagyan ng score. Tinignan ko naman kung ilan ako dahil grade conscious ako. 30/30. Yehey! Parang bata, ano? Pero masaya na ako diyan dahil perfect ako sa first quiz. Tumalikod naman ako at humarap sa mga kaklase ko. Gulat din sila dahil nga natapos ako agad. Nginitian ko nalang sila at sinenyasan na ipagpatuloy ang pagsusulat. Humagikhik naman sila na ikinangiti ko. Ngumiti ako dahil naalala ko si Aira sa tawa nila. Ay, speaking of her, 'di ko pa siya nakikita ngayon ah. Pero napangiti din ako kasi napatawa ko sila sa maliit na bagay.

Masaya na ako basta ba masaya na sila.

Ram's point of view

Parang tanga 'tong katabi ko na habang nagsusulat ay tumatawa. Tinignan ko naman siya at walang naman siyang kalokohang ginagawa. Ano kayang ginagawa niya? Aish. Hayaan mo na nga, Ram!

Nagpatuloy ako sa pagsusulat at medyo nagulat dahil bigla siyang tumayo.

At.. Nagpasa! Ang bilis ah. Panigurado panget sulat neto. Wala pa ngang 30 minutes eh tapos na siya. Pero hinangin ang papel niya at nakita ko ang sulat niya.

O//O

Tao ba siya? O baka Robot? Eh ang bilis magsulat tapos ang ganda pa. Pero muli, hinayaan ko nalang. Pinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat tutal malapit nanaman akong matapos, e.

Habang nagpapatuloy sa pagsusulat, sumilip ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatayo pa din at nakangiti. Nagulat nalang ulit ako dahil sa mukha niya. Pinasa ko muna 'tong first quiz at umupo.

Inisip ko ulit ang ngiti niya.

I'll not deny it, she's pretty as fuck when she smiles.

--

Chapter 4: Pretty as fuck

Hey. Alam kong sinabi ko sa last UD ko na hindi muna ako mag-a-update pero hinahanap-hanap na ng mga daliri ko ang keyboard at ngating-ngati na ako mag-UD. Kaya eto, nag-UD na meh. Pero una sa lahat, thank you dun sa 55 reads. Yey. haha. Pangalawa, baka po hindi ko na ituloy to kasi wala na talagang sumusuporta. kaloka!

Lols. Pero eto nga, short update for ya!

xxNichole

The Bad boy's propertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon