Chapter 1

544 47 20
                                    



Chapter 1: Fulfill My Duty

"Tama na yan! Inuubos mo pera ko." Reklamo ni Zed habang kumakain kami sa labas. He's my bestfriend anyway.


"Huh? Akala ko ba ililibre mo ko ngayon? Wala ka pala eh. Nako, walang isang salita. Ganyan nga yan." Pangongonsensya ko kay Zed. Mukang umiiyak na ang wallet niya ngayon dahil sa dami ng inorder ko sa La Via Resto. Aba, minsan lang to kaya nilulubos lubos ko na.


"Ginagago mo naman ako eh. Ang dami na niyan oh, sana pala dinala nalang kita sa Yakimix para eat all you can." Rinig ko ang panghihinayang sa boses niya. Mahal kasi dito sa La Via Resto, owned by Valderama's. Natawa lang ako sa sinabi niya at tinampal tampal siya.


Bakit niya ako nililibre? Ganito kasi yun.


*FLASHBACK*

"Ahhhh nagugutom ako!" Sa sobrang gutom ko ay hindi ko mapigilan ilabas ang hinanakit ng tyan ko. May pera ako, pero.. Ninakaw nung walang hiyang nagkunwaring nanghihingi ng tulong!

"Kelangan pinagsisigawan pag gutom?" Umentra ang forever kontra bida sa buhay kong si Zed. Pero nung nagsalita siya parang nagkaroon ng light bulb sa ulo ko at may sound effects pa na *TING*

"Zed, matalino ka diba?" Tanong ko sa kanya. Siya kasi ang pinaka matalinong estudyante sa school namin, he's always number one. Kahit sa mga patagisan ng talino sa iba't ibang school ay number one siya. Pero.. Hindi siya mautak tulad ko. Hehehe

"Kelangan pa bang itanong yan Elise? Syempre." Pag mamayabang pa niya. Good! Good! Everything is going according on my plan.

"Weh? Kahit sa mga bugtong?" Pang aasar ko pa, para lalo siyang mahulog sa patibong ko.

"Sus. Sisiw." Ngumisi ako sa sagot niya.

"Wag na pala, baka di mo masagot yung bugtong ko. Pang matatalino lang kasi talaga yon eh." Kunwari pang pagpapakipot ko. Pero kilalang kilala ko na siya, alam kong kakagat siya sa pain ko.

"Ako? Hindi masasagot ang bugtong mo? Minamaliit mo ba ako?" Pagmamayabang pa niya. Natutuwa na ako, konti nalang kasi makakakain na ako.

"Oh sige. Ganito, pag nasagot mo tong bugtong ko, ililibre kita. Pag hindi, ililibre mo ko. Okay ba?" Sabi ko sa kanya habang malaki ang ngisi ko. Talo ng mautak ang matalino.

"Oy, pinagtitripan mo nanaman ako no?" Damn, nalaman niya? Buti nalang may decoy plan ako para dito!

"Bakit. Takot ka ba baka di mo masagot bugtong ko? Sabi na eh. Sige, wag na lang." Sabi ko at tumalikod na. Gumana ka please, gutom na ako.

"Hindi ah! Oh ano sige na. Ano na yung bugtong mo?" Nagdiwang na ang tyan ko dahil alam niyang mabubusog na siya mamaya. Mwahaha, what a brilliant idea Elise. You're so clever.

"May limang paa ako, minsan ay may tatlo, minsan naman ay wala. May pakpak ako pero ang kaya ko lang ay lumangoy, may tenga ako pero hindi ako nakakarinig. Ano ako?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Halatang pinag iisipan niya talaga itong mabuti.

"Ugh! Pauso mo lang ata yan eh." Sabi niya, sign ng pasuko niya sa paghula.

"Ganyan ba ang sinasabi ng taong hindi makahula? Tsk tsk." Umiling iling pa ako pang dagdag sa act.

"Oh sige nga. Ano?" Yes! Ililibre na niya ako.

"Hindi ko din alam eh. Tara na! Libre mo na ako!" Sabi ko at tumawa tawa habang hinihila siya.

"Dammit! Sabi na nga ba niloloko mo ko eh."

*END OF FLASHBACK*


"Ipaalala niyo nga sakin, ba't ko naging bestfriend to?" Sabi pa niya habang nakatingin sa taas na parang may kinakausap dun. Natawa ako sa sinabi niya.


"Hahaha! Grabe ka naman. Gusto mo ako magpaalala sayo? Nung una umiiya-" pinutol niya ang sasabihin ko at tumingin ulit sa taas.


"Wag niyo na palang ipaalala sakin." Hahaha! I knew it, nahihiya siya sa una naming pagkikita. Tawa lang ako ng tawa habang kumakain ng mga inorder ko, sana lang ay hindi ako mabulunan dito.


"Shit." Napamura ako ng makita ko ang chevy ni Kuya Caden sa labas ng Resto. If he's here, then something is fucked up or something important came up.


"Ba't andito kuya mo?" Alam niya agad na kuya ko yun. Una niyang naging tropa ang kuya ko bago ako.


"I don't know." Maski ako kinakabahan. Nakita ko si kuya na bumaba mula sa black chevy niya na naka business attire pa. Halatang galing sa opisina niya.


Mas lalo akong kinabahan and somewhat tumigil sa pagkain ng makita kong malungkot ang mga mata ni Kuya habang papunta sakin. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya.


"Eli. I'm sorry." Ayan lang ang lumabas sa bibig niya pagkalapit niya sakin. Umupo siya sa tabi ko at tinukod ang siko niya sa mesa habang nakasabunot sa buhok niya.


"Bakit ka nagsosorry kuya?" This is serious, i know. Kuya is serious.


"Hindi kita naipaglaban, sorry. Nasali ka pa sa sitwasyong hindi ka dapat kasali." Naguguluhan ako sa sinasabi ni Kuya. Si Zed naman ay natahimik lang, pinapakinggan ang sinasabi ni kuya. Alam niyang seryoso si Kuya ngayon.


"Ano bang sinasabi mo kuya? Can you go straight to the point?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Mula sa pagkakasabunot niya sa sarili niya ay tumingin siya sakin ng deretso.


"You'll be engaged on the son of dad's business partner next month." Nanlaki ang mata ko, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Ayoko ng ganun. Hopeless romantic ako, i want to marry the man I love. Not the man my family chose for me.


"What? That's ridiculous! Uso pa ba iyon?" Reklamo ni Zed kasabay ang paghampas niya sa lamesa. He's mad? Of course he's mad.


Nakita kong napatingin ang ibang tao sa table namin. Hinila ko si Zed paupo. "Hey, don't make a scene here." Sabi ko sa kanya. Mabuti naman at umupo siya at kumalma.


"I know it's ridiculous. Ano bang magagawa ko? Hindi na ako pwede dahil kasal na ako. If only i didn't get married. Sana ako nalang ang na arrange marriage sa iba. I'm sorry Eli." Lumambot ang puso ko nung narinig ko iyon. No kuya, it's not your fault. It's their fault. Hindi mo kasalanan na nagpakasal ka agad. I think Ate Nicole is perfect for you, you are perfect for each other.


"Kuya, don't ever regret marrying ate Nicole. She's a nice girl." Ngumiti ako sa kanya. I guess i have to fulfill my duties too. "I'll take the responsibility."


Halatang nagulat sila sa reaksyon ko. Kuya already sacrificed for me. When I was in college, i really want to study fashion but my parents wanted me to take a course that can help our business. Hindi pumayag si kuya sa gusto nila at sinabing kaya na niya magpatakbo ng company namin without help from me and them. Kaya kahit ang gusto niyang i-take na course ay Criminology ay napilitan siyang mag Business Ad.


And now, it's my time to sacrifice. To fulfill my duty as a Fajardo.


--

Reasons To Love You [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon