CHAPTER 6 |ROKU|

7 0 0
                                    


[Sakura's POV]


"Sakura.. Tara na sumabay kana sa akin papuntang school.."

"Yes kuya, coming.."

dali-dali naman akong bumaba at nagtungo sa garage namin.. Pumasok na ako sa back-sit ng car ni kuya which is a red Lykan HyperSport.. yung katulad ng sasakyan sa FF7.. owwell. and yeah, kuya has his own car.. kahit 4th yr. palang siya.. 

Ako.. gusto rin sanang matutong mag-drive pero ewan ko ba kung bakit ayaw akong payagan nila mommy .. tsaka ewan ko rin kung bakit iba yung nafefeel ko kapag nakahawak ako sa stirring wheel ng sasakyan.. parang nakakakaba..

nang makapasok na ako sa loob ng car ni kuya,. napansin ko namang tinititigan niya ako thru the front mirror..

"hey sis, what happened to you? mukhang puyat ka yata.." sabi ni kuya.. luh! napansin niya yata..

"Ah eh.. gumawa kasi ako ng project ko kagabi .." pag-dadahilan ko..

"I see.." buti nalang at nakalusot..

Sa totoo lang, di talaga ako nakatulog kagabi dahil sa magdamag na pag-iisip tungkol dun sa sinabi ng mokong na iyon..


*Flashback*


From: 0977*******

You owe me that kiss so you should pay for that . Meet me tomorrow at the sun room 11 am.. If you don't. You're dead.

----

Nasa hallway ako at kinakabahan na talaga ako.. habang nag-lalakad, may nakasalubong akong mga estudyante na nagsisitakbuhan papuntang gate.. 

"She's back" sabi nung nakasalubong ko..

Nacurios naman ako kung sino yung tinutukoy nila kaya pumunta narin ako kung saan nagtungo ang mga students..

"excuse me, excuse me.." sabi ko habang hinahawi ang mga taong nadadaanan ko hanggang makarating ako sa harapan.. 

bigla namang dumaan ang isang magandang babae.. She looks like a goddess sa sobrang ganda at mukhang mabait pa..

"Anika really never changed.."

"The campus queen is back!" sabi ng katabi ko..

"I'm sure sila na ulit ni Prince Kazer.." sabi pa nung isa.. aba naman talaga't may pumatol dun sa mokong na iyon.. at to think na sobrang ganda pa ng babaeng to..

patuloy lang sa paglalakad ang babae habang ngumingiti at ini-enjoy naman nito ang atensyong ibinibigay ng mga tao sa kanya..

 bigla naman siyang tumigil right in front of a guy.. walang iba kundi si Kazer..

"Hi grei.. I'm back.. kamusta kana?" sabi ng babae then she gave him a very sweet smile.. such an angelic face.. next thing she did eh niyakap niya si Kazer..

 pero.. agad  itong ikinalas ni Kazer at binigyan niya ng isang cold look yung Anika..

"I see.." he said in a cold tone.. at bigla nalang itong tumalikod at naglakad na paalis..

nagulat naman ako ng tumigil siya at napatingin sa akin.. sa sobrang kaba ko eh napaatras ako ng konti..

"You!" sabi niya while pointing me.. juice ko.. eto naba ang katapusan ko?

"m-me?" sabi ko habang tinuturo ang sarili ko..

Lumapit siya sa aking kinatatayuan at.. hinigit niya ang kamay ko at inilapit dun sa pwesto kung saan nakatayo si Anika..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Impeccable LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon