After 7 year...
Oo seven. Pitong taon na pero di parin ako nakakamove on sa first love ko. Ako nga pala Bato, nevermind my surname. Nag aaral ako ngayon sa isang university somewhere here in Manila. At naniniwala sa kasabihang "first love never dies." Antagal na nun. Elementary palang crush na crush ko na si Ligaya my love. Lagi akong nagpapapansin sakanila. (Sakanila kasi 3 sila laging magkakasama) sila ang evil witch sa buhay ko buong elementary life ko. Sina Niña at Nicole. Lagi nila akong tinutukso. Inawaay. Inaapi nila ako (charot lang) pero okay lang kasi yung yung paraan para mapansin ako ni Ligaya ng buhay ko. Sa loob ng six years sa elementarya di ko manlang sigurado kung ni minsan nagustuhan niya ako. Kahit pa sabihin nating kami ang labtim sa loob ng classroom parang wala lang sakanya. Ang dami niya rin kasing crush noon. Yung dalawa niya kasing besprend inaasar siya kung kani-kanino di manlang nila naiisip ang damdamin ko. Ang sakit po kaya mga ate. Pero wala naman akong karapatan kasi walang 'kami' masyado pa kaming mga bata noong mga panahong iyon. Pero ngayon iba na. Minsan naiisip ko naiisip din kaya niya ako o ni minsan kaya naisip niya akong kamustahin o naalala pa kaya niya ako ? Hay ewan. Nakakatamad na. Ang hirap mag move on. Badtrip.
Isang araw...
Ano naman yong added you to the group MIS Grade VI - SPED (2009-2010) uso talaga mga group chat ngayon maopen nga.
-Nicole added to the group-
Loading......
Loading....
Loading..
Classmate ko to dati pag elementary ahhh. Ibig sabihin andito rin si Ligaya ng buhay ko. Matignan nga. Ano ba yan ang ingay pero parang wala naman si Ligaya dun. Baka di pa nag iinternet yun. Tsaka na lang nga.
Lumipas pa ang ilang buwan. Hanggang umabot na ng Pasko.
Ang ingay naman sa group chat na to buti sana kung andito si Ligaya kaso wala ehhh. Teka online mga barkada ko dati pati na rin besprend ni Ligaya baka mag online siya.
"Uyyyy ! Hi kap. Hi kuys" - bato
"Bato. HAHAHAHAHAHAHA." - Nicole
"Uyyy paps. May coc ka ba dyan ?" - wigi
Tuloy tuloy lang usapan namin. Pero walang Ligaya na nag online. Sana kahit ngayong pasko lang. Mag papapansin nalang ako. Mag iingay ako lagi sa gc para mabasa niya. Ilalabas ko na ang tunay kong nararamdaman. Alam kong huli na ang lahat pero better late than never. Teka mag seen si Ligaya meaning online siya.
"May alam ako mic tungkol sayo" -Ligaya
"Kaso wag na. Past na rin naman" - Ligaya
"Ano yun Ligaya ? Tell me." - Nicole
Kanina pa ako iniisnob neto ahhh maka singit na nga.
"Hoy. Sasabi sabi kang may alam ka tapos di muna naman sasabihin. Hay naku." - bato
"Bat ka magfoforce bato ? Ikaw ba ?" - Nicole
"Hindi pero nakakainis ehhh. Snobber."
"Hi baboy" - Ligaya
Naknang. Papanisinin na ngalang ako aasarin pa. Badtrip. Pero sige lang. Mag kachat kami buong gabi. Hanggang sa sabi ng iba namin classmate mag pm nalang daw kami kasi nakakahiya naman daw. Hahaha. Mga loko talaga classmate namin. Mga ipang araw na kaming nagkakausap ni Ligaya.
Sa pasko ako aamin sakanya. Bahala na.
5
4
3
2
1
"Merry Christmas baby Ligaya. I love you. Alam mong gusto na talaga kita matagal na. Elementary palang tayo. Alam kong alam mo. Pwede ba kita maging girlfriend ? Araw araw ko na to sinasabi sayo. Seryoso ako. Di ako nag bibiro." -bato
After one hour seenzoned lang ako.
After 30 minutes nag chat back siya.
"Merry Christmas baby. Tigilan mo nga ako. Joke ka talagang baboy ka. Hahaha." -Ligaya
Loading.......
Loading....
Loading...
Aray ko be. Ganun nalang yun. Hay naku. Tama nga siguro si Nicole sa mga sinasabi niya. Hay. Mag momove on na ba ako ? Pero mahal ko talaga. Kaso ang sakit lang. Seenzone na nga tapos ayaw pa paniwalaan. Nakakatamad yung ganito. Nakakawalang gana. Nakakaconfuse na. Sheeeeemay. Hindi ako mahal ng mahal ko. Sakit dude. Nakakamatay. Di naman naging kami pero bat ang sakit. Lalo na mag momove on ako kahit di naman talaga naging kami. Muntanga lang ehhhh. Wow. Just wow. Hanggang dito nalang talaga siguro ang kwento namin. Ayaw ko na rin muna siya iChat. Tagal tagal na nga mag chat back mas maikli pa sa buhok ng ilong ko reply niya. Hay. Lintek na pagibig ituuuuuu. Ang saya ng pasko ko pero ang bagong taon ko kaya ? Mag momove on na ba ako ngayong 2016 ? Sign naman ohhh. Ang hirap talaga.
Ano kayang mangyayare sa amin ngayong taon ? After all what happened magiging friends pa ba kami o stranger na ? Hay ewan. Bahala na nga. Hay Ligaya ang hirap mong intindihin. Mga babae talaga. Umasa lang ako sa wala. Namiss Colombia ako dude. Goodluck sa 2016. Please be good.
The end
.
.Guys bitin ba ? 10 votes lang. Gagawin ko ng series to. Summary lang to ng love story ng friend ko. Pamasko ko para sa hopeless romantic kong barkada. Wanna know the whole story comment and vote lang po. Salamat. Merry Christmas and happy new year readers.
BINABASA MO ANG
Ligaya ni Bato
RomanceNaranasan mo na ba ang mainlove sa bestfriend ng barkada mo ? Naranasan mo na rin bang tuksuhin sa taong mahal mo ? Naranasan mo na rin bang hindi maattract sa iba dahil kahit lumipas na ang 6 year siya parin ang gusto mo ? Na kahit alam mong may...