Sham's POV
It's so nice coming back home. Ang masangsang na amoy ng usok sa Pilipinas ay napakarefreshing, Not. As if naman diba.
Kasama ko ngayon yung mga girlfriends ko. We've been best friends ever since we're in diapers. Never kaming naghiwa-hiwalay, kung san pupunta yung isa, kasama kaming lahat, kahit sa cr pa yan. Ganun katatag ang samahan naming. Parang yung samahan ng mga lalaki na kahit magsuntukan, bros pa rin.
Kakababa lang naming ng plane and I'm so glad na nandito na agad ang sundo naming. Alam naman nila na ayaw na ayaw kong maghintay lalo na sa ilalim ng init ng araw. Ayokong magkaron ng sunburn, masyadong precious ang skin ko.
Nakita ko agad si Lolo Pierre. Siya ang butler namin mula pa nung bata pa daw si mommy. Siya na ang tumayong second father ko kasi hindi ko palaging kasama sila mommy and daddy dahil sa work nila. Kaya si Lolo Pierre na ang nag-alaga sakin and napakabait niya.
"Sham! Nakong bata ka, hindi ka man lang tumawag o umuwi ng isang taon. Pinag-alala mo kami nila Lola Luz mo." Sabi sakin ni lolo habang yakap-yakap ako.
Si Lola Luz ang mayordoma sa mansion. Sa totoo nga lang, bagay sila ni Lolo Pierre kaso lang torpe si lolo eh. Secret lang natin, pero may crush sila sa isa't-isa, ayaw lang umamin. Haist. Tinalo pa yung mga lalaki ngayon na torpe tapos nagsisisi sa huli.
"Lolo, alam mo naman po yung dahilan... Busy po kami sa school." Sabi ko naman.
"Haynako, alam ko naman na sa lalaki kayo naging busy. Busy sa pagbasag ng puso nila."
"Grabe ka naman po lo, hindi naman po lahat nabasag yung puso eh. May kabit po kasi." At natawa nalang kaming lahat.
Alam ni lolo ang gawain naming magkakaibigan. Naiintindihan ni lolo Pierre kaya lahat kami kasundo siya. Alam niya yung pinagdaanan naming dahil naranasan niya na rin. Hindi naman sa kinukunsinti niya kami, sinasabihan pa nga kami na baka daw bumalik samin yung ginagawa namin. Pero pabebe kami, kaya hindi niya kami mapipigilan. Charot.
"Hi Lolo! Namiss ka po naming, alam mo ba yun? Pangit kaya nung driver naming sa Japan, ang sungit pa." sabi ni Aishanne. Siya ang pinaka childish sa aming lahat. Pa-cute pero hayaan na, cute naman kasi talaga siya eh.
"Oo nga po. Sungit sungit ni Mr. Hitoshiro." Sabi naman ni Mae. Si Nique tahimik lang sa isang tabi...
"Haha, kayo talaga... O siya, pumunta na tayo sa mansion para makapagpahinga na kayo." sabi ni lolo at sinenyasan ang mga bodyguards namin na buhatin ang mga maleta.
"Lolo, hindi pa po kami pagod, pwede po bang pakidala kami sa __ Mall. Magshoshopping tsaka maglalaro lang po kami sa arcade. Pagkatapos po kasi naming sa school, dumiretso na po kami sa airport eh."
"Ah eh sigurado ba kayong hindi pa kayo pagod?" concern na tanong ni lolo.
"Wag po kayong mag-alala lolo, hindi pa kami pagod."
"O sige, sumakay na kayo para maihatid ko na kayo. Babalik ako sa mansion para maiayos na ng mga maids ang gamit niyo. Risse, tawagan mo nalang ako pag magpapasundo na kayo, ha."
Tumango ako kay lolo at ngumiti. Sumakay na kaming lahat and dumiretso na sa mall.
----------------------------------
Papunta na kami sa arcade, kakatapos lang mag shopping. Nasa mga bodyguards na yung mga pinamili naming. Ayun, nahihirapan magbuhat, madami kasi kaming pinamili. Hehehe...
Pagpunta namin, bumili agad kami ng card. Then dumiretso kami sa racing game. Ito kasi yung favorite namin. May 5 lalaking nakapila. Eh sakto yung seats sa racing game. 5 lang, para samin ng CG (Casanova Girls).
Eh mukhang yung 5 lalaki na yung susunod. Alam naman nating lahat na kapag na-adik na ang mga lalaki sa laro, hindi na nila ito titigilan. Eh thug life kami. Ayaw naming maghintay no, itong beauty naming, papaghintayin niyo? Asa. Tsaka hindi naman kami matagal maglaro eh. Siguro mga 1-3 games lang, sapata na.
Kaya ayun, pag-alis nung mga naglalaro, umupo agad kami pero naagawan ako ng upuan nung isa sa 5 lalaki.
Pero in fairness, ang gwapo niya. Eyes, check! Lips, check! Body—with muscles and abs--, check!
"Hoy! Ako dapat uupo diyan, umalis ka nga!" pagtataray ko dun sa guy.
"Eh kami nga nauna dito miss. Sumingit lang kayo. Kayo yung dapat umalis." Sabi niya and umupo ng maayos na parang komportableng-komportable.
"Umalis ka na!"
"Ayoko nga." Sabi niya habang nakangiti na mapang-asar.
Nakakainis tong lalaking to. Kala mo kung sino. Dahil sa inis, ginawa ko nalang ang isang bagay na alam kong mananalo ako. Chinallenge ko siya.
"Fine. Tayong dalawa, one on one. Kung sinong manalo, bragging rights and 5 seats dito sa game para sa barkada." Nilahad ko ung kamay ko para makipagshake. Sure ako na gagawin yan nung lalaki. Kasi ang mga lalaki, competitive.
"Sure. Be ready missy. Hindi pa ako natatalo dito." Pagmamayabang niya.
'Eh di wow. Hayaan mo, mamaya may talo ka na. Ako din naman wala pang talo eh, at sisiguraduhin kong hindi magbe-break yung winning streak ko.' Sabi ko sa isip.
Umalis yung CG at umupo na ako. Kaming dalawa lang maglalaban.
Pumili na kami ng cars na ire-race. Kinuha niya yung Mustang and sakin Nissan GTR.
Siyempre, hindi lang bilis ang dapat meron, kailangan mo din ng style.
And the race begins in 3, 2, 1...
------------------------------------
"What the f*ck!!!" sigaw nung guy pagkatapos nung game.
Eh pano ba naman, nanalo ako eh. HAHA IN HIS FACE!
Nung malapit na kasi kami sa finish line, pinamukha kong mamanalo siya. Meaning, pinapauna ko siya para di niya makita yung hidden talent ko. Mwahahaha... Nung super lapit na sa finish line, binigay ko na ang best ko and nalagpasan ko siya. Belat nalang sa kanya.
Ako nanalo, siya natalo. Mehehe... ^...^
"I demand a rematch! Damn it, hindi pa ako natatalo dito! You cheated!" sigaw niya sakin habang tinuturo-turo ako.
"Excuse me, mister. But I won fair and square. Sadyang hindi ka lang magaling. And you are a S-O-R-E L-O-S-E-R!!!" tapos binelatan ko siya.
He glared at me. Heh, as if naman matatakot ako sa kanya.
"Just you wait, babawi din ako babae. This is war." Then nag walk-out sya ng galit na galit.
Ha! See, he's a sore loser. Hindi ka makakaganti sakin dude.
You don't know me and I'm pretty sure you'll regret it if you do.
Antayin niyo lang, hindi pa ito ang buong Shamiella. May tinatago pa akong sikreto...
Author's Note
Finally! Nagawa ko din. Haha sorry sa late na post. And I hope you like the new year special! Package po yan. May update din po ang TNLG, just you wait. For sure matutuwa kayo. Bwahahaha....
Ito po ang bago kong story. Sana po mahalin niyo din ito parang sa TNLG! Suportahan nito po ang non-existing romantic life ni Shamiella! Charot. (parang artista na attention seeker. Mehehehe)
Happy New Year everyone!
With love,
Dawn <3
January 1, 2016
BINABASA MO ANG
The Casanovas
RomanceKapag ba nabasag na yung puso mabubuo ulit? Ang mga babaeng makikilala mo sa storyang ito ay wala ng puso. Ayaw na nilang magmahal. Iba na ang concept nila sa love. Para sa kanila, love is a pain in the neck. Wala itong kwenta dahil alam nila kapag...