Let's assume na High School pa lang sila rito.------------------
Lea's POV
This is the Best School Year for me!!
Why?
First quarter pa lang kasi katabi ko na si crush.Kaya nga ginagalingan ko ang mga tests namin.
Sinusulyap sulyapan ko nga si crush,tumingin lang ako sa kanya busog na ako.Tipid na sa pera hindi pupunta ng canteen may inspirasyon pa sa pag-aaral.
"Nakapag-review ka na ba Lea? Remember may Long test tayo sa science bukas."
Kausap ko nga pala ang bestfriend ko sa telepono.Oo may test kami and siyempre nakapagaral na ako,kakahiya naman kung lumilingon-lingon ako sa paligid katabi ko pa naman si crush,baka ma turn-off yun sakin.
"Of course!Nakapag-aral na ako.Mag-aral ka na din."
"Nakoo Lea porke inspired na inspired ka katabi mo pa si Aga,yung sakin nasa kabilang section.Hustisya!"
"Haaay nako.Mag-aral ka na at matutulog na ako maaga pa tayo bukas,bawal ma-late."
"Yaaas ma'am early riser! Mag-aaral pa ako,ang layo mo kaya sakin wala akong ka teamwork."
"Ehh kaya nga mag-aral ka na.Kaya mo yan.Mag be-beauty rest pa ako.See you tomorrow!"
"Sige see you tomorrow."
Yeeeeeey! Maaamoy ko nanamn siya.Hmmmm.Napakabangoo.Kakainlab ♡
*
Dumating ako sa school na maaga and yung bestfriend ko? As usual late.Wala pa rin si Aga,pero 'di yun late.
Emegeeeesh.Speaking of andyan na siya.
Ang gwapo niya talaga.Maputi,mabait,matalino,mapayat and God those eyes! Sheeeems yung dimple diiin.Haaaaay na fafall na ata ako dito sa lalaking ito.Siya na talaga.
Pagka-upo na pagka-upo niya nagsmile siya sakin at waaaaah nilabas pa yung dimples.
Ambangooo.Dagdag pogi points :")
"First row seaters please pass the test questionaires."
Magsisimula na tumingin ako sa likod at nakita ko si Tin buti naman at dumating na siya.We just smiled at each other.
Nagsimula na yung test sa science.Waaaaah first question pa lang madugo na.Mabuti na lang nag-aral ako at naalala ko naman yung mga sagot.
21.This contains all nerves that extend outside the brain and spinal cord.
Waaaaaaah.Ano nga 'to? Wala pa naman na choices (T.T) Hindi ko maalala yung full na answer.Nabasa ko 'to eh.Letter P nagsisimula. Pher- Phire--.
Habang iniisip ko yung tamang sagot nakita ko si Aga,nakatingin siya sa papel ko.
Waaaaah.Nangongopya ba siya sakin?
Tumingin na lang muna ako sa iba baka kasi mamaya natiyempuhan ko lang na nakatingin siya sa papel ko.Tumingin ulit ako sa kanya pero hindi eh nakatingin pa rin siya sa papel ko.
Nung nakita niya akong nakatingin sa kanya.Umiwad agad siya ng tingin.Nangogopya nga.Huhuhu
Nakaka turn-off kaya na makita yung crush mong nangongopya,parang hindi nag-aaral eh.
Peto matalino siya! Eh pero bakit siya nakatingin sa papel ko ng matagal.
Huhuhu.Turn-Off talaga
After a couple of minutes thinking about the answer naalala ko rin yung answer.Peripheral Nervous System.Agad agad kong sinulat yung sagot.
"Okay Class.Pens up! Exchange paper with you seatmate."
At dahil katabi ko si Aga kami ang mag-eexchange.Kyaaaaah.
Waaaaaah.May mga parehas kaming answers.HUHUHU.Nangopya nga ba talaga siya?
"Okay.Who got the highest score?"
Tumayo si Aga.Ang duga.5 mistakes ako siya 3.Yung mali ko mali niya rin.Hindi ko na siya crush. <////3.Yoko na.
Nauna na si Bestfriend umuwi may pupuntahan daw sila ng family niya eh.Kaya eto ako ngayon nag-iisang naglalakad sa corridor.
Si crush hindi pa umuuwi.Nakasandal pa sa pader.Mukhang may hinihintay.Hmp.Andaya.
"Uyyy Lea.Congrats second ka sa nakukuha ng pinakamataas na score.Ang galing mo talaga" (^_^)
Kunwari pa 'to.Ang sabihin mo tuwang-tuwa ka kasi ikaw naka-highest.
"Ano ka ba mas magaling ka.Ijaw nga naka highest.Ako dapat nag-cocongrats sayo."
"Haaay.Anukaba wal-" hindi ko na siya pinatapos at naglakad na lang ako naiinis lang talaga ako at wala ako sa mood.
"Uy,Lea galit ka?" Nagsalita ulit siya kaya napatigil ulit ako at humarap sakanya
"Nakita ko yun kanina,tumitingin ka sa papel ko habang nag-tetest." Nasabi ko rin >_<
"Uyy.Nag-aral ako ah.Hindi ako nangopya."
Kunwari pa 'tong lalakeng 'to
"Ah ganun ba edi c-" Hindi niya na ako pinatapos at nagsalita na siya
"May tinitingnan lang kasi ako"
Hmp.For sure tinitingnan mo lang yung answers ko,kaya ka naman naka-highest (>.<)
"Hindi ako inte-"
At hindi niya nanaman ako pinatapos magsalita.Ganda ng ugali =.= Hindi ko alam bakit ko ba 'to nagustuhan
"Bagay kasi eh.."
"Anong bag-"
"Bagay kasi pangalan mo sa apelyido ko." (^.~)
A/N:wink yan XD
Dug dug dug.
----------------------
Bitin.Nyahahaha.Ayoko muna ng ending.Happy lang walang ending.
Happy New Year.
