"Tadhana?"

33 3 1
                                    

Chapter I: Tadhana?

Hapon na pala, nandito pa din ako sa park at dumadami na ang tao. Fiesta kasi dito saamin kaya sobrang daming tao dito sa park.. May fireworks display kasi dito mamaya, kaya eto parami ng parami ang tao..

Oo nga pala, ako si Lyndon Briall Gonzales

Eto ako ngayon, pa-gala-gala dito sa park kahit siksikan.. Uuwi muna ako saamin makapag-bihis nga ng sweater ang lamig kasi dito sa park eh.. Buti na lang malapit bahay namin dito..

------

Nasa labas ako ng bahay namin, at naka-suot na ako ng sweater yun lang naman ang iniba ko eh.. Naglakad na ako papunta sa park at nakipag-siksikan..
Ilang minuto na lang ay mag-sisismula na ang fireworks display kaya parami ng parami ang tao, di nga ako mapa-kale dito sa pwesto ko eh. Paano ba naman.. Daming nag-tutulakan. -.-
Nag-punta ako sa may Pader at dun lang sumandal.. Wala naman akong masyadong katabi kasi nasa gitna silang lahat.. Nakatitig lang ako sa langit... Ang ganda lang talaga eh. May naaalala tuloy ako.

Napangiti pa tuloy ako.. *grin*
Naiisip ko siya eh.. Ngumisi ako at tumingin sa langit..

Ba't pa kasi ang daming tao dito? Dami pang kalat.. Tsk tsk! Dapat di nila ginagawa yun eh.. Bait eh noh? Hehehe

Natapos ang fireworks display at nag-aalisan na ang mga tao.. Siksikan nanaman malapit pa naman ako sa gate ng park. Tsk!

Halos lahat ng tao papunta sa labas ako papasok.. Di ko alam kung bakit. Maka-upo na nga lang dito sa bench..

------
Kakaunti na lang ang mga tao pero nagsisiksikan pa din eh. Parang baliw lang eh noh?

Ang weird naman nung isang babae, jacket na jacket pa parang ninja ah? Hahaha!!

Wait nahulog yung panyo niya? Kunin ko nga at mahabol yung babae.. Takbo kasi siya ng takbo, siguro bago yun dito? Tss hahaha!

Nahabol ko siya at pagod na pagod ako, Kinalabit ko siya, "Miss, Uh, i-iyo ata toh?" Humarap siya saakin at kinuha ang panyo.. At tumakbo ulit..

Hinabol ko siya at ang layo na ng narating namin.. Hingal na hingal ako "Ah.. Miss! Sandali naman oh?!" Humarap siya at nag-tanggal ng nakatakip sa bibig niya.. Nakikita ko lang naman sa kanya ay ang mga mata niya.. Nung pagka-tanggal niya—

"A-andrea?!"

(A/N: Play the video at the multimedia..)

Sa hindi inaasahang..
Pagtagpo ng mga mundo..
May minsan lang na nagdugtong..
Damang-dama na ang ugong nito..

Di pa ba sapat ang..
Sakit at ang lahat ng
Hinding hindi ko ipararanas sayo.
Ibinubunyag ka ng iyong mata..
Sumisigaw ng pagsinta..

"Lyndon?!"

Ba't di papatulan. Ang pagsuyong nagkulang..
Tayong umaasa..
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo..
Ako ang sasagip sayo..

Sabay naming sabi.. Na-aalala pa ba niya ako?! Huh?!
Nagkatitigan kami ng mga dalawang minuto.. umiwas na ako ng tingin at nagtanong.. "Kailan ka pa bumalik dito?!"

"Wag muna ngayon, Lyndon.. Sa ibang araw na lang.."

"Pero.. Kaila—" naputol ang sinabi ko ng bigla siyang umalis at tumakbo ulit..

Kailan kaya siya bumalik? At bakit siya narito sa Pilipinas? Diba sabi niya—

"Lyndon!! Tara na kakain na tayo!" Hay nakoo! Si ate Kath talaga pati ba naman ang ganun ka layo ay hahabulin pa ako? Pwede namang intayin na lang ako sa bahay.. Tsk tsk! Babawi na lang ako mamaya.. Wahahahaha!

"Opo! Susunod na po!"
Bait ko eh noh? Hayysxkhjdhz!

Naglakad ako pabalik sa bahay at habang naglalakad ako, iniisip ko si Andrea..

Lalakad lang ako ng lakad at 'di ko namalayan na nandito na ako sa tapat ng bahay namin.

"Lyndon!! Tara na kain na tayo.." -Ate Kath

Umupo na ako sa dinning table, at kumain kami ng tahimik...
"Mama..Ah, alam niyo po ba na, bumalik na si Andrea dito?" Pagbasag ko ng katahimikan
Nagtinginan si Ate at si Mama. Siguro may mga alam nga ito. Di sila nakasagot eh..

"Bakit kayo ganyan? May alam ba kayo na di ko alam?"

"B-bumalik na pala si A-andrea? San na siya ngayon nakatira?" Tanong ni Ate Kath. "Aba malay ko ba kung kailan yun bumalik?" Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa pag-uusap.. "Nakita ko nga siya kanina eh.. Tatanungin ko sana siya kaso, tinakbuhan niya ako"

"Oh? Ano? Nakatitig kayong lahat saakin?" Tss awkward talaga.
"Kasi kuya.. Ganto yun... Fourth-year HS ka na, at ngayon mo lang balak hanapin ulit si Ate Andrea.. Eh ang tanong? Gusto mo pa ba siya? Hahahaha" grabe naman 'tong si Ashley.. Si Ashley ay ang bunso kong kapatid minsan kakampi ko, at minsan kaaway ko.. Hahaha! "Grabe ka naman Ashley! Matagal na yun! Grade 7 pa ako nun eh.." *grin*

"Asus! Kuya, ayan na yata yung.. Sinasabi nilang..

TADHANA?!"



******

And cut! Haha! Sana nagustuhan niyo po ang chapter 1.. Sorry po kung late ang UD ko. At sorry din dahil medyo bitin.. Hehehe :3 sorna agad? (Andrea & Lyndon at the multimedia) Vote and comment po..

Casts:

Andrea Briliantes as Andrea Martinez
Darren Espanto as Lyndon Briall Gonzales

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happily Without You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon