Chrome Everhart Atienza
Nagising ako sa aking tulog na ilang beses nang ginulo ng mga mata ng isang nilalang na hindi ko alam kung tao pa rin ba iyon o demonyong nagbabalat kayo bilang tao. Inayos ko ang kulay abong kurtina sa kwartong tinulugan ko para makapasok ang aninag ng araw. Kinusot ko ang aking mga mata at tinignan ang senaryong nag-aabang sa akin sa labas.
Luntian, at walang bahid ng tao ang lugar sa paligid ng bahay ni Atticus. Nag-unat ako saka dumiretso sa banyo para ayusin ang sarili ko. Pagkatapos kong maghilamos, tinignan ko ng maigi ang sarili ko sa salamin. Nakakapagtaka lang dahil pakiramdam ko, marami na ang nagbago sa akin dala ng naranasan ko kagabi ngunit wala naman akong makitang bakas ng pagbabago sa itsura ko; ganun pa rin naman ang kulay ng aking mata, kasing kulay ng dagat sa dilim, wala namang sugat na natamo ang mukha ko, makinis at maputi pa rin, magulo pa rin ang buhok ko dahil hindi ko pa iyon inaayos.
Nagbuntong hininga ako at binigyan ng huling sulyap ang sarili, bago lumabas sa banyo at dumiretso sa salas ng mansion ni Atticus.
Agad na hinanap ng mata ko si Reid ngunit wala siya sa sala kaya dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig para inumin. Nakita ko si Altair na naglalakad papunta sa akin. Tatanungin na ba niya ako?
Tinungga ko ang inumin ko hanggang sa maubos ito. Tumayo sa harap ko ang babae saka tinignan ako sa mata. "Excuse me," sabi niya. Umusog naman ako saka pinagmasdan siya.
Kumuha siya ng tatlong granola bar saka nilabas niya ang isang pitsel ng tubig. Kumuha ako ng isang malinis na baso saka inabot ito sa kaniya ngunit inilingan niya ako saka pinakita sa akin na may dala siyang maliit na water bottle. Teka, aalis siya?
Pupunta siya doon sa kung saan mang pupuntahan niya nang walang kasama? O baka, pumayag na si Atticus sa proposal niya? I want to know...
Binuksan ko ang bibig ko ngunit walang lumabas na salita doon kaya sinara ko na lang ulit. Kailan ko pa nagustuhang makisawsaw sa problema ng ibang tao?
Pinanood ko lang siyang ayusin ang gamit niya sa dala niyang backpack hanggang sa matapos na siya. Bintbit niya iyon saka nagsimulang maglakad paalis sa kusina. This time, I decided to speak. Kung mangingialam ako, it wouldn't hurt right? Gusto ko lang naman makatulong eh.
"Where are you going?" Tumigil siya sa paglalakad ng marinig ako. She turned around and looked at me.
Hindi siya nagsalita. Tinignan niya lang ako sa mata kaya unti unting namula ang mga pisngi niya. Am I too intense?
"May babalikan lang." I heard her whisper.
"May kasama ka?" I asked. At that moment, I knew I caught all of her attention dahil hindi niya namalayan na nasa likod na niya si Atticus.
Baka shallow lang.
Umiling siya. "I'll come with you then." I stated, saka sinimulang maglakad pabalik sa kwarto ko para maligo. "Hintayin mo na lang ako sa sala." Hindi ko na siya tinignan dahil gaya ko, nagtataka rin siya sa pinagsasabi ko. Hindi na rin ako nagdalawang isip bagalan ang kilos ko dahil ayoko na ulit pumunta sa Metro nang madilim na. Mas maayos siguro kung maaga.
--
Pagkatapos kong maligo at magbihis, nadatnan ko ang kapatid kong nakaupo sa isang upuan sa kwartong tinutuluyan ko habang pinagmamasdan ako na tila isa akong malinamnam na panghapunan at siya ba'y isang agilang hindi nakakain ng isang linggo.
BINABASA MO ANG
Catching Daylight
AdventureHow far can you run & hide? (Please be advised that the POV of the characters contains illicit words which may not be suitable for some audiences.)