Pag nagbabasa ako ng stories, novel man, ebook, o dito sa wattpad, lalong lalo na pag love and romantic genre, ugali ko nang basahin ang ending bago pa man simulan o kapag feeling ko nasa comflict stage na yung kwento. Spoiler, I know. pero ganun talaga ee.
Nakakfrustrate lang talaga yung mga tragic ending. lalo na pag may namamatay. Na yung taong nagbigay pa ng unconditional love sa partner nila ang mawawala pagkatapos ng lahat ng sakit, sacrifices and all. yung akala mo okay na lahat tas biglang patay sa dulo. Alam ko namang kelangang ipoint out sa reality na hindi lahat may happy ending pero bakit kelangan nilang mamatay??? :( Feeling ko magkakaheart attack ako kung pagkatapos akong mahulog at kiligin sa character, ay mamamatay lang pala sila. at least through that, nareready ko ang sarili ko.
Now, I realized ang power and influence na nakukuha ng mga authors. na tipong kaya nilang apektuhan ng todo ang readers kahit fictional lang ang mga characters nila. Na kaya nilang paiyakin ang mga nagbabasa na parang timang. kaya nilang pakiligin at painlove-in ang mga readers sa mga taong hindi namn talaga nila kilala.
i can say na isa akong frustrated writer. gusto ko rin makagawa ng story na madadama at maapreciate ng mga readers. minsan nga, bigla bigla na lang akong makakaisip ng mga random sweet moments na gusto ko sanang mangyari saken. yung tipong parang kinakausap o lang yung sarili ko. baliw-baliwan. how i wish na sana magakroon ako ng lakas ng loob to my thoughts into writing.