Chapter One

17 3 1
                                    


Sinubukan ko naman na ika'y kalimutan
At sa aking isip ay iwaglit ng tuluyan
Ang mga alaala'y hinayaan na lamang
Bakit palagi pa ding nasasambit ang yong pangalan

Sinubukan ko naman na tanggapin ang katotohanan
Na tayong dalawa'y magkaibigan lamang
Pero bakit ang sarili ko ay di mapigilan
Na masaktan pag iba ang iyong tinitingnan

Ngayon ay susubukan ko naman
Na sayo'y umiwas at lumayo ng tuluyan
Baka Ito lang ang tanging paraan
upang ako ay di na muling masaktan

" Sinubukan ko naman " (poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon