Pia's POV
Umiyak ako ng umiyak sa loob ng cubicle sa ladies' room..
Hu Hu Hu!
Dahil sa maliit na pagkakamali...
T______________T
Baby, bakit ka pa kasi nabuo?
Ang baby dapat magbigay ng happiness sa parents niya..
Pero baby, I don't think I'm happy...
Baby, wag kang magagalit kung ipapa-abort ka ni mamee ha.
Hu Hu Hu!
Hindi pa ready si mamee... Bata pa kasi ako..
Hindi pa kita kayang buhayin...
"Mare, alam mo ba yung anak ng pinsan ko, buntis. fifteen pa lang!"
"Eh anong ginawa ng pinsan mo..?"
"Ayon... ipapakasal daw... Ewan ko ba sa kanila... Ang bata pa nila para gawin yun..."
"Mga kabataan talaga mare."
"kung ako yun, hindi ko sila ipapakasal... matatali agad sila.. mahirap na baka magkalokohan lang sa huli."
Kyle...
Pinunasan ko ang mga luha ko at naglakad na pauwi..
Lakad..
Lakad..
Lakad..
Para akong bangkay ng naglalakad sa kalsada..
Walang ka-ekspre-ekspresyon ang mukha...
Basta dirediretso lang ako.. kung saan man ako dalhin ng paa ko.
Nandito na pala ako sa bahay.
"Hija, nandito si Kyle." sabi ni manang.
huminga ako ng malalim tapos pumasok na ako sa loob ng bahay.