Lumang Apartment

729 0 2
                                    

Kumuha ako ng isang maliit na kwarto dito sa apartment na to dahil para sa tutuluyan ko dahil kolehiyo na ako at ito ang pinakamalapit at wala na akong mahanap na iba pang lugar. Nung una kong makita ito nangingilabot ako dahil madilim at nalaman kong dalawa lang pala kaming naninirahan dito, ako at ang may ari ng apartment. Malaki at madilim ang apartment na ito at sa una ayoko na talaga dito dahil nakaramdam ako agad ng pangingilabot sa lugar na ito, wala rin naman akong magagawa. Una kong gabi dito ay may naramdaman agad ako na kakaiba dahil habang natutulog ako, may naramdaman akong maliit na parang kamay na malamig sa paa ko at papaakyat ng papaakyat sa balikat ko, nagising ako at nagsisigaw, nawala na siya at pinasok ako ng may ari ng apartment. Tinanung ako kung bakit nagsisisigaw ako, sabi ko nanaginip lang ako ng masama pero ang totoo may naramdaman talaga ako. Pagkatapos ng gabi na iyon may kakaiba na naman ulit akong naramdaman, habang naggagawa ako ng assignatura ko, may nakikita akong kulay asul na parang maliit na ilaw sa may butas ng gilid ng kwarto ko asul na asul siya at nagtaka ako kung bakit hindi man lang kulay puti o madilaw-dilaw ang ilaw doon sa butas ng katabi kong kwarto. Kinabukasan, nagtanong ako sa may ari ng apartment kung bakit may kulay asul sa kabilang kwarto ko eh samantalang nakakadena iyon at hindi nasisikatan ng anumang ilaw. Ninenerbyos ang kita ko sa may ari ng apartment na may pangalang Joey. Sinabi niya sa akin na wala lang iyon at wag ko na lang daw isipin. Lumipas ang araw, tuwing gabi, palagi ko nang nakikita ang asul na ilaw sa may butas na iyon, hindi ko na napigilan kaya nangingilabot akong sumilip doon at nakita ko parang may mukha ang asul na ilaw na iyon. Nagulat ako at hindi ko na napigilan at tinanong ko na ng pagalit si Joey kung bakit may asul na ilaw doon sa may butas. Huminga ng malalim si Joey at sinabing "Ayoko sanang malaman ng ibang mga tumutuloy dito dahil ang nakikita mo ay isang mata na nakasilip sa iyo parati. Tinitignan ka sa bawat oras dahil hindi ko na nakayang buhatin ang katawan ng asawa ko dahil sa sobrang sakit ng nangyari. Natatakot ako para sa kanya". Napatigil ako at natatakot na ako dahil sa mga nangyayari sa apartment na ito. Tatakas na ako at ayoko na ulit makita ang apartment na iyon pero hinabol ako ni Joey at kinuha ako. Kinulong niya ako sa kwarto kung nasaan ang asawa niya, halos mamamatay na ako. Ang kamay pala na iyon at hangin na malamig ay nagsasabing: "Umalis ka na dito, mapapahamak ka". Iyon ang huli kong narinig na boses at kailan may habang buhay na ako dito at dito na rin ang kamatayan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lumang ApartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon